[Nikolas POV]
Napahinga ako ng malalim dahil sa anak ko. Hindi niya ako kinikibo habang nakahaba ang nguso.
"Baby, please understand me. I just think of your safety. We don't know her paano na lang may masamang balak pala sa iyo ang babaeng iyon? Baka nagpapanggap lang siyang mabuti but hindi naman. It's for your own good baby." tinabig niya ang kamay ko nang hawakan ko siya.
“Hindi siya bad! Mabait siya Daddy kaya gusto ko siya ang yaya ko!" Bigla itong umiyak kaya naalarma ako. Napahilamos ako ng mukha dahil sa frustration.
“Baby. . .” Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. Nagtatakbo ito sa silid. Binuksan ko iyon ngunit naka lock ang pinto. "Open the door." Utos ko sa kanya.
“No I don't want! I want ate!” Sigaw niya habang umiiyak.
Napapikit ako ng mariin dahil sa katigasan ng ulo ng anak. Napahinga ako ng malalim bago ako magsalita.
“Baby, okay, pumapayag na ako. Just open the door.” Bumukas ang pinto at nagtatakbo pabalik sa higaan niya ang anak ko. Kagaya ng nakagawian niya nagtalukbong siya ng kumot.
“Baby, you are not mad at me?” I asked her.
Umupo ako sa tabi niya. Inalis niya ang kumot na nakatakip sa kaniya.Tumambad sa akin ang nakangiting anak ko. Hinaplos ang puso ko nang makita ko ang ngiti ng anak ko. Bigla niya akong yinakap. She shook her head.
“I'm not mad at all with you Daddy. Pumayag ka na kasi na si ate Chels na ang yaya ko." She said. " Don't worry Daddy she's good and very kind to me.” She gives me assurance. I heaved out a sigh. what can I do? Judt for my daughter.
“Okay, but before na mag-work dito si ate Chels mo kailangan ko siyang kausapin. I just want to know her more. Okay lang ba baby?” hinaplos ko ang kaniyang mga pisngi. Tumango siya.
“Thank you, baby.” I thank her.
[Chelsea's POV]
Habang kasama ang mga kaibigan ko ay hindi ko makalimutan ang pagpapahiya sa akin ni Mr. Salvatore kanina.
"O, bakit parang ang lungkot ng mukha mo?" Tanong sa akin ni Apol. Inakbayan niya ako.
"Masakit pala ma-reject." Tiningnan niya ako nang may pagtataka. Inilapit pa nga niya ang mukha sa mukha ko. Itinulak ko ang mukha niya. Natawa lang siya sa ginawa ko.
"Bakit na-basted ka ba Chelsea?" Nagtatakang wika ni Emilio. Ngumunguya pa siya ng chichiria. Inabutan niya ako at kumuha ako ng isang dakot. Bigla niyang inilayo sa akin. Napairap ako.
"Anong na-basted ka diyan? Hindi no, gusto mo betlogan kita diyan." Biglang natakot si Emilio sa banta ko.
"Parang nagtatanong lang eh?" aniya.
"Eh, kasi ganito 'yun. ipinakilala ako ni Aling Gina dun sa kakilala niyang naghahanap ng yaya sa alaga niya. Matanda na daw kasi 'yung kakilala kung kaya naghahanap ng mas bata. Ako 'yung pinag-apply niya doon. Kaso nung nalaman ng Tatay ng bata, sukat ba namang tinanggihan ako. Kesyo wala daw tiwala sa akin at baka may masamang balak ako sa anak niya. Hello? Ako, may masamang balak sa bata? Hindi ko magagawa iyon. Nakilala ko naman yung bata at magkasundo kami."
"Ganoon naman kapag mayayaman walang tiwala sa mga hilatsa ng pagmumukha ng mga mahihirap. Hayaan mo na kung ayaw niy , eh, 'di huwag." Sabi ni Apol.
"Ooo nga. Saka huwag mong seryosohin ang mga ganyan ma-stress ka lang." Payo naman ni Emilio.
"Kunsabagay ano naman ang pakialam ko sa ugali niya, hindi naman kami close. Pero hindi ko pa rin matanggap ang mga sinabi niya sa akin." Sabi ko.
Tanging tingin lang ang nagawa nila sa akin. Guwapo sana ang lalaking iyon pero ang sama naman ng ugali. Laglag na siya sa mga gusto ko sa isang lalaki.
NAGULAT ako nang puntahan ako ni Aling Gina.Ipinapatawag daw ako ng magiging amo ko.
"Nag-text 'yung kaibiagan ko, pumayag na ang Daddy ng alaga niya. Ipinapatawag ka nga niya. Mukhang pumapayag nang magtrabaho ka bilang yaya ng anak niya." Umaliwalas ang mukha ko sa magandang balita ni Aling Gina sa akin.
"Talaga po? Sige po pupunta po ako." Masayang turan ko. Salamat namana at pumayag rin ang masungit na Daddy ni katukayong Chelsea.
Narating ko ang bahay nila baby Chelsea. Sobrang kaba ko dahil makakaharap ko na naman ang masungit na si Mr. Nikolas Salvatore. Mukha siyang kakain ng tao kung makatingin. Ang sama pa ng tabas ng dila niya. Walang pakialam kung nakakasakit na siya ng damdamin ng ibang tao.
Pinapasok ako ng guard nang sabihin ko ang aking pakay at sinabi ko rin ang pangalan ko. Pinapasok ako sa loob ng bahay ng katulong na sumalubong sa akin. Pinaupo niya ako sa malambot at malapad na sofa. to ang pangalawang beses na tumuntong ako sa malaking bahay na ito. Nakakahanga ang ganda at lawak ng kabahayan. Napakaganda ng bahay mukhang mamahalin ang mga muwebles. May mga painting pang nakasabit sa kabilang side at may malaking relo ang naka-display.
Napatingin ako sa isang painting na nakadisplay malapit sa may hagdan. Napatitig ako roon dahil parang buhay na buhay ang painting. Pinakatitigan ko iyon para kasing may kahawig ang babae. Tumayo ako para mapagmasdan maigi ng malapitan ang painting. Napaawang ng labi ko nang ma-realize kong parang ako yata ang kamukha ng babae. Baka naman nagkakamali lang ang mga mata ko. Pareho kasi kaming kulay ng mga mata-asul.
"What are you doing?" Napalingon ako nang may nagsalita mula sa likuran ko. Naku patay nandito na si Mr. sungit.
"Magandang araw Mr. Salvatore." Bati ko.
Nadismaya ako nang hindi man lang siya bumati pabalik sa akin. Asa ka pa babati yan? Gugunaw na ang mundo ay hindi 'yan magiging mabuti sa 'yo.
"You never answer my question. What are you doing here?" Para tinitingnan lang ang painting masama na ba 'yun? Hindi ko naman siya nanakawin.
Nangamot ako ng ulo. "Tinitingnan ko lang po 'yung painting, ang ganda po kasi ng babae," pagrarason ko.
Totoo naman maganda ang babae sa painting at may pagkakahawig pa sa akin. Gusto ko sanang mapangiti pero natakot ako sa presensya ni Mr. Salvatore. Salubong na salubong ang kanyang kilay. Uso kaya sa kanya ang ngiti?
"You have no right to look at my wife's painting. Pinapunta kita dito para pag-usapan ang magiging trabaho mo, hindi para bang nagtu-tour ka lang sa loob ng sarili kong pamamahay." Napayuko ako sa kanyang sinabi.
Napakasama talaga ng ugali niya.
"Sorry po, Mr. Salvatore." Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.
"Anyway hindi na ako magpapa-ligoy-ligoy pa. Here are the rules in my house. Once you sign the contract you have to obey all the rules and I don't want to be heard your complaining behind my back. If you want to tell your grievances talk to me. I don't want a traitor. Do you understand?" Seryoso na saad nito.
Bakit naman niya iniisip na magtratraydor ako? Nandito ako para magtrabaho. Saka dapat tinagalog na lang niya ang sinabi niya sa akin. Ang naintindihan ko lang kasi sa mga sinabi niya ay traitor.
"I understand, Sir. Gagawin ko po ang trabaho ko ng mabuti at hindi gagawa ng labag sa rules ninyo, Sir." Pagpapanatag ko sa kanya. Mukha ba akong manloloko? Siguro dahil sa pananamit ko. Bakit hindi niya ako kilalanin muna bago magpahayag ng masama sa akin. Feeling ko tuloy ang sama kong tao sa paningin niya.
"Good. But before that kailangan ko nang mga requirements like NBI, Police clearance, NSO and barangay clearance. I need it by tomorrow." Parang gusto kong magreklamo. Napakabilis naman, tomorrow kaagad? Tiningnan niya ako ng seryoso.
"Yes, Sir, tomorrow meron na po ang lahat ng requirements na kailangan ninyo." Napangiti ako ng alanganin. How I wish. Baka nga barangay clearance lang ang makukuha ko bukas. Hay, naku bahala na si batman.
"Okay, you may go now." Tinalikuran na niya ako. Inutusan niya ang katulong na samahan akong palabas ng bahay. Ano kayang problema ng Mr. Salvatore na ito sa akin? Kung makapagsungit akala mo may nagawa akong kasalanan sa kanya. Ganoon siguro kung walang love life masungit at mainitin ang ulo.
Natatawa na lang si Chelsea sa sarili dahil sa naisip niyang dahilan kung bakit masungit si Mr. Salvatore.