Chelsea’s POV WALANG humpay ang pag-iyak ko habang nakatunghay lamang ang mga kaibigan ko sa akin. “Tahan na Chelsea, huwag mo nang pansinin ang sinabi ng ate Camila mo. Hindi naman totoo ’yun, ’di ba?” sabi ni Apol at hinaplos ang likod ko. “Paanong hindi ako titigil sa pag-iyak pati si Lola ay naniwala sa nakita nila sa larawan. Kahit nga kayo kung makikita ninyo ang larawan maniniwala kayo agad kapag nakita niyo ’yun,” sabi ko. Suminga ako sa tissue na ibinigay ni Emilio. Napangiwi pa nga siya nang ibigay ko sa kanya ang tissue na may sipon. “Kahit may larawan pa ’yan kilala ka namin ng personal kaya hindi kami naniniwala na gagawin mo’yun. Kaya nga gumawa ka na ng paraan para makaiwas kay Nikolas. Dapat sa kaniya sila magalit hindi sa ’yo. Grabe naman sila,” sabi naman ni Dieg