Episode 2

1114 Words
Chelsea's POV "CHELS, good news may nag-invite sa ating mag-perform! Bigating bar iyon pang mayaman!" masayang balita sa amin ni Emil. Lumapit kaming lahat sa kanya. "Oh, talaga?" sabay-sabay naming turan. "At may isa pa!" dagdag pa nito. Mukha kaming mga tanga na nakatunghay sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya. "Ano?" sabay-sabay naming usal. "Um.. wait lang guys…. natatae ako. Jejerbaks lang muna ako, ha?!" paalam nito sabay takbo sa loob ng bahay nila. Sabay-sabay kaming napangiwi. Napasandal ako sa sandalan ng kahoy na upuan. Tumabi sa akin si Diego tsaka tamad niyang itinaas ang isang paa habang sumandal rin sa sandalan. "Gago talaga iyon hindi pa sinabi, binitin pa tayo!" reklamo ni Diego. "Sipain ko kaya betlog nun ng magtanda siya. Nambibitin, eh?" inis naman na turan ko. Ipinatong ko ang paa sa mesita. "Relaks, lang guys wait na lang natin," cool na cool na sabi ni Apol. Napatingin kami nang lumabas mula sa loob ng bahay si Emilio. Natapos rin magjerbaks ang walanghiya. "Oh, ano na ang sasabihin mo? Make sure magugustuhan naming lahat ‘yan. Pinaghintay mo pa kami ng matagal tarantado ka!" inis na singhal ni Diego. "Spill it! Siguraduhin mong good news talaga ang sasabihin mo, kung hindi lagot ang betlog mo sa kamao ko!" pagbabanta na wika ko sa kanya. Natakot naman sa banta ko. Totoo naman ang sinabi ko. Gagawin ko talaga ‘yun. Nananapak ako ng betlog. Nasampulan ko kasi silang tatlo. Tumatawa lang sa amin si Apol. Napakamot naman ng ulo si Emilio sa banta ko. "Ito na nga, excited lang? Sasabihin ko naman talaga. Ayon kay Sir Larius malaki ang ibabayad niya sa atin. Front act tayo at four song ang kakantahin natin sa bawat gig natin doon. At hindi lang iyon baka maging regular ng ang pagtugtog natin sa bar niya!" masayang balita nito. Umaliwalas ang mga mukha namin sa nalamang balita mula sa kanya. Lumapit si Emil kay Diego tsaka hinawakan nito ang pisngi at pinisil- pisil pa. Napangiwi kami ni Apol sa ginawa nito. "Gago ka! Ang baho ng kamay mo! Bakit mo hinawakan ang mukha ko. Amoy tae ang kamay mo! Tarantado ka!" galit na sabi ni Diego. Biglang tumakbo si Emil palabas ng bahay. Hinabol ito ni Diego. Nagtawanan kami ni Apol. NAPANGANGA kaming apat sa bar na pinuntahan namin. Ang laki tapos pang-mayaman talaga. May lalaking mga bouncer na may malalaking katawan. Puwedeng pang-wrestler ang mga muscle nila. Infairness ang guwapo nila. "Ito na ba ‘yung bar na pagkakantahan natin?" bulong ko kay Emilio tsaka ko siniko. "Oo, ito na nga iyon obvious ba?" kumpirma ni Emilio sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sagot niya. Tapos inambaan ko ng suntok ang panggitna niya. "Sabi mo nga ‘di ba?" takot na sabi nito. "Excited na ako sa magiging performance natin. Pagkakaalam ko maraming chicka babes dito." Hinimas ni Apol ang baba niya na may balbas. Bigla kong tinuhod ang betlog ni Apol. Napadaing ito at napahawak sa harapan niya. "Ayan baog ka na hindi ka na makaka-chicka babes niyan. Gago ito!" usal ko. Nagtawanan sila. "Chickas pa more!" tatawa-tawang pang-aasar ni Diego. "Oh, there you are guys.” napalingon kami sa dumating. “ Is this your bandamates, Emil?" tanong ng manager ng bar sa kaibigan namin. Napatingin ito sa gawi namin. Napanganga ako sa kaguwapuhan ng manager. Pasimple akong napahawak sa belt ng pantalon ko. Mukhang malalaglag ang panty ko rito. Matangkad at may maganda siyang pangangatawan. Nawala ang nakahanda kong ngiti para sana sa manager nang may lumapit na babae. Biglang hinapit ng manager ang bewang ng babae at hinagkan ang labi nito. Para tuloy nasupot ang kwitis na dapat magpapa-bright sa balintataw ko. Umiba kami ng tingin na magkakaibigan. Kami pa ang nahiya sa ginawa nila. Pagkatapos ng ilang minutong halikan humarap sa amin ang magandang babae na may asul na mga mata kagaya ng sa akin. Nginitian niya kami. "You must be the KKK band? Am I correct? By the way, I'm Candice,"pakilala nito sa sarili. "Opo, ma'am, kami nga po iyon. Nice to know you, ma'am." Saad ko. Natawa ang manager sa kasama nitong babae sa sinabi ko. Inirapan naman ng babae ang manager. "Just call me ate Candice at ito ang manager niyong si Larius Macapagal. Masyado naman yatang napaka-formal ng ma'am para sa akin. Hindi pa naman ako ganoon katanda." Nakangiting sabi nito sa akin. "So, napag-usapan niyo na ba kung ano’ng available day niyo to perform here?" tanong sa amin ni Sir Larius. Nakakatulala ang kapogian niya. May hawig siyang artista sa hollywood. My god crush ko pa naman ‘yon. Si Brad Pitt. Diyos ko panga palang ulam na. "Opo, Sir Larius, bale MWF po ang napag-usapan namin araw. At puwede rin po kami every Saturday." Nagkatinginan kami nila Diego. Napaisip ako kung napag-usapan ba namin iyon? Napatingin ako kay Diego at Apol. Nagkibit-balikat lang ang dalawa. Napamakeface naman ako sa kanila. "By the way po ako nga po pala si Chelsea Jardin, vocalist po." Nilahad ko ang kamay ko kay Sir Larius. Nang lumapat ang palad nito sa palad ko ramdam ko ang lambot ng palad niya. Diyos ko nakakahiya ang palad kong magaspang. "Ako nga po pala si Emilio Jacinto, guitarist rin po. At ito po si Diego Silang Dela Cruz. Drummer po namin. At ito po si Apolinario Mabini III Bass guitar po namin. " Pakilala ni Emilio sa kanila. "Wow, puro pala mga bayani ang mga name niyo. Hmm…kaya pala KKK ang name ng band niyo. Oh, I see." Saad ni ate Candice at natawa ito ng mahina. Wala na kaming naisip na pangalan ng banda noon. Sakto na puro bayani ang pangalan ng mga kaibigan ko kaya naisipan naming pangbayani na lang ang pangalan ng banda namin para kakaiba. "Welcome to our club, you have a cool name. Is it okay with you guys if you start tonight at 8 PM?" tanong ni Sir Larius sa amin. Nagliwanag ang mga mukha namin. Nagtanguan kaming lahat bilang pagsang-ayon. "Ayos lang po, Sir Larius," sang-ayon naming lahat. "I'll provide you with a copy of your contract. However, before you sign it, be sure you've got to read the terms and conditions. If you have any questions, please do not hesitate to approach me.” Sabi niya sa amin. “Okay?" wow ang galing niyang mag-english. Nosebleed kami nito, ah? Nagpunas kaming apat sa mga ilong namin. "Okay, Sir," saad namin. Napatingin ako sa braso ko para tingnan sana ang oras, nakalimutan ko wala pala akong relo. Napasulyap sa akin si ate Candice at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ewan ko ba bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD