1

1053 Words
Napaka ingay ng classroom, election kasi para sa kandidata sa Mr. and Ms. Intrams. Dahil section 1 kami, sa amin inaasahan ang pambato na mananalo. Ang bawat year level sa school ay tatlo, bawat section ay may representative. Si Sebastian na ang napiling representative sa lalaki. Tinignan ko si Sebastian na nakatunghay naman kay Chari habang daldal nang daldal yung isa sa harapan kasama ang adviser namin. Pumayag kaagad ito ng sinabi ni Chari na ito na lang ang maging representative namin.  "Hindi nga kasi ako pwede!" sigaw pa ni Chari sa unahan. Napatakip tuloy lahat ng tenga dahil sa kanya. Siya ang class president namin and she's very hands on naman talaga. Tumawa lang si Basti sa kanya bago sumandal sa upuan nito. Matagal ng may gusto si Basti kay Chari, alam ko yun. Elementary pa lang kami halos hindi na sila mapaghiwalay na dalawa hanggang ngayon. Si Chari lang naman ang manhid sa lahat.  "Bakit nga kasi? Matalino ka naman? Pagagandahin ka na lang namin!" pamimilit pa ng isang kaklase namin. Chari made a face na kinabwisit ni Roselle na nagsabi nun sa kanya. Bukod kasi sa madaldal, matalino talaga si Chari. Siya ang panlaban ng section namin sa bawat contest na ang labanan ay utak.  "Si Mica na lang! Siya naman pinakamaganda!" biglang sigaw ni Allen na katabi ko.  Napalingon agad ako sa kanya, lahat naman tuloy ng mata ay dumapo sa akin. Iling-iling ang sinagot ko sa kanila. Ayokong sumali. Dagdag gastusin pa yan sa bahay. Wala na nga kaming makain minsan. "Oo nga naman. Si Micaela na lang, tutal siya naman ang pinakamaganda sa buong school natin." sang-ayon pa ni Camille.  Tumayo ako bilang pagtanggi, "Ayoko po, Ma'am. Marami po kasing gastusin sa bahay. Hindi ko po ---" Pero nanlaki ang mata ko dahil isinulat kaagad ni Chari sa board ang pangalan ko. "Cha!" tawag ko sa kanya.  Nakakalokong ngumisi lang ito sa akin bago ako nilapitan para akbayan, "Gagawa tayo ng paraan para hindi ka na bumili ng damit. Tsaka willing naman magpahiram yang mga girls. Di ba girls?" tanong ko.  "Yes naman!" sigaw ng iba.  Umiling talaga ako sa kanya. Hindi naman sa hindi ko kaya, pero hindi kaya ng budget. Pag-aayos pa lang ng buhok at make up napakarami na agad babayaran para doon. Hindi naman ako makakahingi kina Nanay at Tatay ng pera dahil marami rin naman kaming binabayaran na utang.  "Mica, ako na bahala sa make up at buhok mo. Yung ate ko, magaling mag-ayos yun, may parlor yun sa bayan. Sabihan ko siya." sabi ni Angelica.  "Ayun naman pala! Ayos na lahat. Ma'am, okay na po! Matatalo na natin yung ibang sasali. May Velasquez na tayo, may Alfonso pa tayo. Tagay!" sigaw ni Chari na kinatawa ng lahat.  Napailing naman si Ma'am Nicolas habang nakangiti. Clown kasi talaga ng section si Chari, kaya kapag tahimik ito nag-aalala ang lahat. "Final na yan ah.  Sige, bukas na natin pag-usapan ang iba dahil nandyan na sa labas ng campus ang mga sundo ninyo. Good bye, class!" sabi ni Ma'am. "Good bye and thank you, Ma'am Nicolas." sabay-sabay na sabi naman namin. Nagtayuan na ang lahat, yung iba ay nagmamadali ng lumabas ng room namin. Naiwan si Chari, Basti, Ben, at ako. Kami kasi ang cleaners para sa araw na ito.  Diretso naman si Chari sa likod ng pintuan at kinuha ang tatlong walis tambo na naroon. "Teka, nasaan yung dust pan natin?" tanong nito.  Lumapit naman ako sa tinitignan niya. Tatlo rin ang dust pan namin pero dalawa lang ang naroon. "Hiniram ata ng section 2 yung dustpan." sabi ko sa kanya. Sila lang naman kasi ang mahilig manghiram ng gamit namin. Padabog na binaba ni Chari ang tambo at nakapamaewang na lumabas naman. Tiyak na susugod iyon sa section 2. Hahabulin ko na sana ng nauna na si Basti na sundan ito.  "War freak talaga niyang si Chari." komento ni Ben pagkatapos ay dinampot ang tambo at nagsimulang magwalis. "Tapusin na natin ito, Mica. Andyan na sa labas sina Mommy. Aalis pa kasi kami." anito. Tumango na lang ako sa kanya at nagwalis na rin. Tahimik namin na ginagawa iyon ni Ben hanggang  sa narinig na namin ang galit na boses ni Chari. Napatigil ako sa pagwawalis at tinignan siya na namumula kasunod si Basti na nakakunot ang noo naman.  "Anong nangyari?" tanong ko. Nilapag ni Chari yung dustpan sa harapan niya. "Tinanong ko kung sino nagpahiram sa kanila. Aba! Kinuha lang pala nila nung P.E natin.  Malilikot ang kamay!" sigaw nito.  "Nabalik naman na. Ayos na yan." sabi ko sa kanya.  "Hindi naman pwede iyon. Baka sa susunod. Gamit na natin yung kinukuha nila! Unfair iyon." galit na sabi pa nito.  Sasagot pa sana ako kaya lang umiling na si Basti at hinawakan ang kamay ni Chari. "Kain na lang tayo ng ice cream mamaya para kumalma ka." sabi nito kay Cha.  Natahimik naman bigla yung isa at lumabi, "Libre mo?" tanong nito. Ngumiti si Sebastian at tinanguan si Chari, "Libre ko. Kahit ilan pa gusto mo."  Tumango na lang si Chari at parang walang nangyari na kinuha ang walis tambo at nagsimula na ring magwalis. Pero inagaw iyon ni Basti sa kanya. "Ako na. Ayusin mo na lang yung mga upuan." Nakangiting sumang-ayon naman yung gaga. Kung hindi ko siguro sila kilala ay iisipin kong magkasintahan sina Sebastian at Chari. Sabagay sa ibang section iyon ang buong pag-aakala nila. Hinahayaan na lang nung dalawa dahil sila naman ang nag bebenefit.  Hindi na nilalapitan ng mga babae si Basti at hindi na siya kailangan pang ipagtanggol ni Chari. Iyon na lang din ang maganda sa kanilang dalawa.  Sinarado na namin ang classroom after mailagay sa harap ng pintuan ang basurahan. Nagmamadali naman si Ben na maunang maglakad samantalang kasabay ko naman yung dalawa.  "Papasok na nga pala next week si Olivia at Kuya Leon dito." anunsyo ni Basti, yung tinutukoy niya ay yung mga pinsan niya.  "Di ba, first year college na si Kuya Leon? Eh hanggang high school lang naman tayo dito." sabi ni Chari.  "Sa annex naman siya. Di ba may bagong building na pinatayo si Daddy." sagot naman ni Basti. Hindi na ako masyadong nakinig sa kanila pero sumasabay pa rin ako ng lakad. Gusto ko na lang makauwi na kaagad para masabi kay Nanay at Tatay ang balita. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD