CHAPTER ONE
ELSA
Ang saya kapag nakikita mong masaya ang mga customers mo at sobrang satisfied sila sa mga luto mo. Kaya naman ay inigihan ko ang pagluluto at pagseserve ng mga pagkain para naman mas dumami pa ang mga customers.
“Lina, paki-linis naman ang mesa doon sa may malapit sa bintana,” sabi ko kay Lina. Siya ang katulong ko rito sa pag-aayos sa kainang business ko at syempre pati si Borg na siyang katulong ko naman sa pagluluto. Hindi ko pagmamay-ari ang kinatatayuan ng kainan. Nirerentahan ko lang ito kaya naman kada buwan ay nagbabayad ako ng renta. Okay naman ang nai-income dahil na rin sa madami akong malugod na customers ay nababawi ko naman ang nagagastos ko para sa business.
“Opo ate, papunta na.”
“Maraming salamat Lina.”
Ibinalik ko ang tingin ko noong makita kong may customers na paparating. Inihanda ko ang isang magaang ngiti. Sabi kasi nila nakaka-attract ang palangiti. Nakaka-attract ng customers.
“Hello po ma’am at sir. Ano po ang sainyo?” magiliw kong tanong. Grupo ng mga nurse ang nasa harapan ko ngayon. Maliban kasi sa mga trabador at mga taong may binabantayan sa hospital ay dito rin madalas na kumakain ang mga nagtratrabaho sa hospital gaya nalang ng mga nurses at doctors.
“Tatlong lomi with egg at isang 1.5 na coke Elsa,” sabi ng isang nurse at inabot niya ang bayad na agad ko namang tinanggap. Sinuklian ko rin naman siya at binigyan ng numero. May numero kaming binigay para hindi kami malito sa mga orders ng mga customers at para maayos naming mai-serve ang mga orders. Baka kasi ang order nila ay lomi tapos maibigay namin ay pansit.
Dahil na rin sa palagi silang tumatambay dito ay kilala na nila ako. Kaya naman ay pinapanatili kong maayos at friendly environment ang karinderia. Ayokong masira ang image ng karinderia ko kasi ito nalang ang trabahong pinagkaka-abalahan ko ngayon. Isabay pang may dalawa rin akong kasama at ayoko silang mawalan ng trabaho.
“Tatlong lomi at isang 1.5 coke coming up po!” mabilis kong inilista iyon sa papel na laging nasa kaha. Pagkatapos kong mailista ay nagtungo ako sa kusina para sabihin kay Borg ang inorder ng mga nurses kanina.
Maliban kasi sa mga lutong ulam ay nagluluto rin kami ng pansit at lomi. Kapag gabi naman ay syempre nagtitinda kami ng barbecue, balot at kung ano pang mga street foods. Hanggang 7:30 lang naman kami kapag gabi.
Napatingin ako sa may parte ng pintuan noong makaring ako ng mga tawanan. Tawanan ng mga kalalakihan. Gaya ng lagi kong ginagawa ay inihanda ko ang isang ngiti pero agad rin namang nabura yon noong makita ko kung sino ang tumigil sa harapan ko.
“Hi Elsa,” may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa mukha niya. Alam ko namang dapat maging magalang sa customer pero hindi ko maiwasan ang magtaray dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.
“Hu u?” mataray kong sabi. Imbes na nginitian siya ay tinarayan ko pa nga siya.
“Awts gege,” sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Kung siya masaya dahil sa pinaggagawa niya pwes ako nainis pa lalo. Nakakastress siya!
“Ano na naman bang kailangan mong hinayupak ka ha?” naiirita kong sabi. Imbes na matakot sa akin ay mas ngumiti pa lalo ang loko. Tumigil na siya sa kakatawa pero ang nakakalokong ngiti niya ay andoon pa rin.
“Ikaw naman, ang init ng ulo kaagad. Chill lang my labs. Sige ka, papangit ka niyan,” tinaas at ibinaba niya pa ang kilay niya. Gustong gusto ko siyang hampasin ng kaserola pero naalala kong wala pala akong kaserolang hawak.
Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng pagkatamis-tamis. Yung klase ng ngiti na akala mo naman walang masamang sasabihin.
“T*ng*n* mo. Una sa lahat, hindi mo ako my labs. Pangalawa hindi ako papangit kasi ako ay isang dyosa at pangatlo lumayas ka rito kung mambwibwiset ka lang. Malas ka sa business,” nakangiti ko pa ring sabi. Nakita ko ang pag laki ng mga mata niya. Hindi niya siguro inexpect na sasabihin ko ang lahat ng iyon sakanya. Well, news flash, kakasabi ko lang.
Nakita kong tumawa ang mga kasamahan niya. Pero agad rin namang silang tumigil dahil sinita niya sila. Jusko Elsa, maghunos dili ka!
“Grabe ka naman. Sobrang sweet mo naman. Nararamdaman ko talaga ang pagmamahal mo sa tuwing ganyan ka sa akin,” niyakap niya ang sarili niya sabay nag beautiful eyes pa siya sa akin. Mas nairita lang ako dahil sa ginawa niya.
“Puwede ba Tonyo lumayas ka sa karinderia ko kung wala kang balak kumain!” madiin kong sabi. Pigil na pigil ko ang sumigaw dahil ayokong gumawa ng eksena. Mabuti nalang talaga at wala na yung mga kasamahan niya.
“Hala ka, galit na talaga. Kakain ako. Grabe ka naman,” nakataas ang dalawa niyang kamay bilang tanda ng pagsuko. Napataas ang kilay ko. Ang hilig mang-asar ng hayop na to. Ang dami niya pang sinasabi, kakain lang rin naman pala.
“Oh anong order mo? Bilisan mo madami pang customer,” mataray kong sabi. Inayos ko ang papel na pagsusulatan ko para sa order niya.
“Kasali ka ba sa puwedeng menu?” tanong niya. Punong puno ng pagtataka ang kanyang mukha. Kamuntikan na akong mabuwal sa kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Nanlisik ang mga mata ko dahil sa galit.
“Walang hiya ka, lumayas ka na nga rito!” gigil kong sabi.
“Joke lang ito naman. Limang lomi with egg. Ba-bye my labs,” mabilis niyang sabi at mabilis ring tumakbo papunta doon sa mesang ni-reserve ng mga kasama niya kanina.
Umiling lang ako bago inilista ang order niya. Limang lomi with egg. Nagpunta ako kay Borg at ibinigay ang order ni Tonyo. Sakto namang tapos ng maluto ni Borg ang order na tatlong lomi kaya sinerve ko na iyon.
ABALA ako sa pagpupunas sa isang mesa noong dumating si Lina sa gilid ko. Itinigil ko muna ang pagpupunas noong makita ko siyang hindi mapakali. Kagat niya pa ang mga daliri niya.
“Lina bakit?” tanong ko. Nagkamot siya sa batok bago sumagot. Halatang nahihiya pa siyang magsalita kasi nakita niyang may ginagawa ako.
“Ate, kasi ano… puwede po bang ako nalang ang magpunas diyan?” sabi niya.
“Bakit? Okay lang Lina. Doon ka na muna sa kaha habang wala ka pang ginagawa. Pahinga ka na muna saglit. Kanina ka pa nagtratrabaho eh,” malumanay kong sabi. Kapag kasi wala pang customer ay yun na rin ang oras ng pahinga namin para kapag nagsidatingan na sila ay may energy kami at ready ng sumabak at magtrabaho.
“Hindi pa naman ako pagod ate. Si kuya Tonyo po kasi eh…” she trailed. Mabilis na nabura ang ngiti ko. Ano na naman bang ginagawa ng lalaking yon?! Noong una naghanap ng spaghetti eh wala kaming binebentang ganon. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ng lalaking yon?!
“Ano na naman bang ginawa ng hinayupak na yon?” nakapameymang kong tanong at nakita kong napangiwi si Lina bago sumagot.
“Eh kasi ate ayaw tanggapin yung inorder niya. Ikaw daw dapat mag-serve,” alanganing sabi niya. Hindi pa ako nakakapagsalita ay nagsalita siya ulit.
“Pasensya na ate. Sinabi kong busy ka eh pero mapilit po kasi talaga siya ate. Sorry ate, sorry po,” natataranta na siya. Nginitian ko siya.
“Okay lang Lina. O siya sige ikaw na ang tumapos dito. Ako na ang magse-serve sa order nung bwisit na lalaking yon. Don’t worry hindi ako galit sayo,” sabi ko sabay abot ng pamunas sakanya na mabilis naman niyang tinanggap.
Nagtungo ako sa kusina at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay. Naghawak ako ng pamunas kanina eh at madumi yun. Okay lang naman sana kung si Tonyo lang ang mag-isang kakain eh di sana hindi na ako maghuhugas at para mavirus siya pero may mga kasamahan siya eh kaya naman wag nalang. Pero syempre it’s a joke. Kahit na inis na inis ako sa taong yon at kumukulo ang dugo ko ay hindi ko naman magagawa iyon. Sa kasamaang palad, customer pa rin siya.
“Borg, saan dito yung limang lomi na may itlog ako na magse-serve,” tinignan ko ang mga nakahilerang orders ng lomi at pansit. Ang ayos ng pagkakahilera nila. Ang galing na nga magluto, ang ayos pa ng pagkaka-ayos. Bongga talaga si Borg.
“Yun po oh sa may kaliwa. Ingat, medyo mainit yan boss,” lumingon pa siya sa akin. May niluluto kasi siya eh.
“Oo naman. Salamat Borg,” sabi ko bago maingat na binuhat ang tray. Hindi naman gaanong mabigat pero hindi rin naman magaan. Sakto lang.
Dahil ilang taon na rin kaming nagtra-trabaho sa karinderia ay sanay na sanay na ako sa mga ganitong gawain. At syempre dahil matagal na akong may karinderia, nagpapasalamat talaga ako sa mga kasama kong masipag at nagtiyaga rin. Hindi naman magtatagal ito kung mag-isa lang ako eh.
Inilibot ko ang paningin ko at agad kong nakita ang mesa kung nasaan sila Tonyo. Maingat akong naglakad papunta doon.
“LIMANG lomi with egg,” sabi ko bago inilapag ang lomi sa mesa. Noong matapos kong ilapag ang mga order ay tumalikod na ako.
“Salamat my labs,” narinig kong sabi ni Tonyo. Imbes na humarap ako ay agad akong naglakad palayo doon. Baka hindi ako makapagtimpi at mahampas ko siya ng tray or ibuhos ko sakanya ang loming kinakain niya.
“SOBRA tong binigay mong pera. 200 lang. 40 pesos isang lomi with egg,” walang gana kong paliwanag kay Tonyo. Pagod na akong mainis sa isang to, ang kulit eh. Ayaw paawat.
“Ah sige, kunin ko nalang bukas yung sukli. Babalik naman ako dito bukas,” walang pakialam niyang sabi. Siya nalang yung nandito kasi nauna na yung mga kasamahan niya.
“Hindi puwede. Teka lang susuklian na kita ngayon,” mabilis kong sabi at binuksan ang kaha. Nag-angat ako ng tingin at wala na akong Tonyong nakita. Tumingin ako sa labas at nakita ko siyang tumakbo paharap sa akin. Kumaway pa siya bago sumigaw.
“Bukas nalang ulit my labs!” sigaw niya at hindi pa siya nakuntento, gumawa pa siya ng heart shape gamit ang mga kamay niya.
Napailing nalang ako. Ang kulit ni Tonyo para siyang batang may kuti-kuti sa pwet.
“Lina halika ayusin na natin ang ihawan maga-alas sais na eh,” sabi ko bago ibinalik ang sukling ibibigay ko sana kay Tonyo.
“Sige po ate.”
TONYO
Anong nagpapasaya sainyo? Ang akin kasi ay kapag nakikita ko ang pagmumukha ng taong gusto ko.
Matagal na akong may pagtingin kay Elsa. Pero dahil dakilang ampalaya siya ang hirap niyang ligawan. Kaya naman sa pamamagitan ng pag-aasar ko nalang dinadaan ang lahat at para mapansin niya rin ako.
Hay Elsa my labs.
“DOC, may pag-asa pa po ba ang asawa ko?”
Nagpakawala ako ng marahas na hininga. Kasama namin ang asawa ng isang pasyenteng nasa ICU dahil na comatose ito. Kinakausap siya ni Doc Echague habang kaming mga nurses naman ay nasa gilid, nakikinig lang ng usapan. Pinapaliwanag kasi ni Doc ang lagay ng asawa niya.
Ganito ang buhay namin. Ang daming nagsasabing mahirap ang maging nurse o di naman kaya’y doctor. Isa lang ang masasabi ko, totoong mahirap.
Naalala ko pa noong unang salpak ko palang sa trabaho gusto ko nalang mag-resign agad. Hindi ko kasi talaga kayang makita ang mga pasyenteng nasa ICU at madaming tubo ang nakasakak sa kanilang katawan. Pero dahil may sinumpaan ako at gusto kong tumulong ay tinuloy ko.
“Wala namang taning ang buhay ng asawa ko diba Doc?”
Napatingin ako sa babaeng kausap ni Doc Echague. Nangingilid ang luha niya at halatang nagpipigil lang para hindi pumatak ang mga yon.
“Misis…”
Nag-iwas ako ng tingin at nagtungo nalang sa lagayan ng mga hospital gowns. Kapag mga ganong tanong na ang tinatanong ng mga mahal sa buhay ng mga pasyente namin ay hindi ko maiwasang malungkot at masaktan.
Oo, ginagawa namin ang lahat para lang gumaling sila. Lahat ng mga paraan na alam naming ikabubuti ng isang pasyente ay ginagawa namin. 24/7 namin silang inaasikaso.
Pero may mga pangyayaring hindi namin kayang pigilan. Yun ay ang pagkawala ng pasyente o ang kamatayan. Ang sakit sa part naming mga medical personnels kapag may namamatay.
Minsan napapaisip nalang rin ako na bakit ganon? Ginawa naman namin lahat pero hindi talaga naisalba. Ilang beses ko na ring naranasan ang mga ganitong pangyayari kaya habang tumatagal ay hindi na ako masyadong nanginginig. Noong unang beses kong naranasan yon ay buong gabi akong hindi nakatulog at lagi kong napapanaginipan ang pasyenteng namatay.
Isinuot ko ang hospital gown. Nagsuot rin ako ng gloves sa kamay, face mask at hair cap. Noong makita kong maayos na ang lahat ay pumasok na ako sa loob.
Tinignan ko ang pasyenteng nakahiga at wala pa ring malay. Chineck ko lang ang mga tubong nakakabit sakanya kung maayos lang ba ang mga iyon at hindi nagalaw or nadislocate.
Ganito buhay namin sa loob ng ICU. Para kaming mga astronaut pero ang kaibahan nga lang ay wala kami sa outer space kundi nasa loob lang kami ng hospital.
Pang gabi ang shift ko. Noong unang beses ko sa trabaho ay nahilo pa ako noon kasi hindi ako sanay sa dire-diretsong puyat pero noong nagtagal ay nakasanayan ko na rin. Gaya nga ng sabi nila, sanayan lang.
ELSA
“MAMA KO!”
Napangiti ako noong mabilis na tumakbo sa direksyon ko si Jay-ar. Jay-ar is my five years old son.
“Oh anak, nasaan ang Nanay Nina mo?” tanong ko. Nakayakap pa rin siya sa binti ko kaya hindi ako makagalaw. Magsasalita na sana siya noong lumabas sa bahay si Nay Lina.
“Jay-ar naku, halika ka nga rito at mapunasan ang pawis mo malalagot tayo sa mama—ay ikaw pala Elsa,” sabi niya noong makita ako. May hawak siyang face towel.
“Opo nay. Kakauwi ko lang galing karinderia. Susunduin ko na po sana siya,” sabi ko sabay turo kay Jay-ar na nakayakap pa rin sa aking mga binti. Si Aling Nina ay ang aming kapit-bahay. Nanay ang tawag naming dalawa ni Jay-ar rito dahil ayaw niya sa Aling Nina. Ang sabi kasi ng matanda ay parang magkamag-anak na rin daw ang turing niya sa amin.
“Oh siya sige, sandali lang at kukunin ko ang bag ng bata,” mabilis na sabi ni Nay Nina at agad na pumasok sa loob ng bahay.
“Nag behave ka ba? Hindi ba makulit ang baby ko habang wala si mama?” tanong ko kay Jay-ar. Umuklo ako para magpantay kaming dalawa.
“Opo mama ko. Behave po ako. Kasi sabi niyo po ang batang behave ay very good po. Very good na po ako mama ko?” inosenteng tanong ng anak ko. Ngumiti ako at tumango.
“Opo. Very good ka po,” sabi ko at mahinang pinisil ang mga pisngi niya. Ang cute ng anak ko!
“Oh heto ang gamit niya,” tumayo ako noong marinig ko si Nay Nina. Ngumit ako at kinuha ang bag.
“Nay salamat po talaga sa pag-aalaga kay Jay-ar.”
“Walang anuman at ano ka ba, hindi naman mahirap alagaan itong si Jay-ar,” sabi ni Nay Nina sabay tapik sa balikat ko.
“Nay salamat po talaga.”
“Para ko na rin kayong pamilya Elsa. Kaya okay lang,” hawak ni Nay Nina ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang mga init non. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may isang Nanay Nina sa buhay naming dalawa ni Jay-ar.
End of Chapter One.