CHAPTER TWO
TONYO
MAINGAY at magulo sa loob ng ICU. Parang nagmistulang battle field yon dahil sa bawat kilos namin. Walang salita ang lumalabas sa bibig namin at tanging tunog ng makita at boses ni Doc lang ang naririnig.
Totoo naman kasing battle field ang ICU at may nagaganap na laban at kami ang mga sundalong handang iligtas ang mga biktimang nangangailangan ng tulong para lang hindi sila mauwi sa kamatayan.
“No! The patient's pulse is low. Hindi na to maganda. Ready everything.”
Mabilis ang bawat galaw namin sa loob ng ICU. Hindi puwedeng mabagal kumilos kasi hawak namin ang buhay ng isang tao at kailangan namin siyang iligtas sa kamatayan. Hindi puwede ang mahina sa medical field lalong na sa ICU. Kailangang matatag ka at handa sa kung ano mang mangyari.
“Nurse, monitor the pulse of the patient!” mabilis kong tsineck ang pulso ng pasyente pati na rin ang heartbeat at ganon nalang ang takot ko noong pabagal ng pabagal iyon.
“Doc it’s not in regular pulse rate,” mabilis ang bawat kilos ko habang nagsasalita. Gaya nga ng sabi ko, bawal ang pabagal bagal at papetiks-petiks. Strong ka dapat.
Mabilis ang mga kamay ni Doc Verizon at agad na inasikaso ang pasyente.
“No! Stay with me Victor. Call Doc. Romeo! Now!” hindi ko na hinintay pang magsalita ulit si Doc. Verizon at agad akong lumabas upang pumunta sa nurse station.
“TIME of death, 9:43 pm.”
Halos mahimatay ako dahil sa narinig. Nakatulala lang ako sa katawan ni Victor na tinakpan na nila ng puting kumot.
"Tranfer niyo na sa morgue para makita ng pamilya niya," narinig kong sabi ni Doc at agad na lumabas.
Nakatingin lang ako sa gawi ni Victor. Parang kagabi lang medyo umookay na ang lagay niya. Ako pa mismo ang nagbantay sa loob ng ICU. Minomonitor namin siya. At sa isang iglap lang, Nawala siya.
Tumulo ang luha ko. Kahit ilang beses na akong nakaranas ng ganito at nakita ko mismong namamatay ang mga pasyente sa harapan ko ay hindi pa rin ako sanay.
Mahirap ang mag trabaho sa ICU. Sabi nga nila if nasa ICU na ang pasyente, 50/50 nalang ang chance.
Alam kong mahirap at masakit sa parte ng mga mahal nila sa buhay ang mawala sila at ganun rin sa parte naming mga medical personnels.
Ang sakit at puno ng pighati ang puso ko kapag hindi ko magawang iligtas ang pasyente. Kasi para sa akin hangga't kaya pa, lalaban pa. Hangga't maaari ay ayokong mamatay ang pasyenteng inaalagaan namin. Pero gaya nga ng sabi nila, hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. May mga bagay talaga na kahit anong gawin natin ay talagang mawawala. Kahit anong ingat natin, kung meant to be talagang mawawala ay wala tayong magagawa. Kahit pa ayaw nating mangyari yun, wala tayong magagawa at hindi na natin kayang ipilit pa at sabihing baka puwede pa. Ang sakit makitang namamatay sila pero ganon talaga, hindi lahat kaya kong iligtas.
Parang lantang gulay akong lumabas sa ICU. Tinanggal ko ang scrub suit ko at nagpalit. Tinapon ko rin ang gloves at hair cover sa basurahan bago lumabas.
Parang pinipiga ang puso ko sakit noong makita ko ang nanay ni Victor na panay ang iyak. Umiwas ako ng tingin kasi ayokong makita ang ganun. Nawitness ko ang isang pagkamatay ng pasyente, tama na yon. Ayoko ng dagdagan pa.
Naglakad ako at nagtungo sa roof top ng hospital. Pagkadating ko palang ay malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Sumabog pa ang buhok ko dahilan para mas gumulo pa ito.
"Hinding hindi talaga ako masasanay lalo na kapag kamatayan ang nakikita ko," napabuntong hininga ako. Hinayaan ko lang ang hangin na humampas sa katawan ko. Nakatulala lang ako.
Paniguradong magiging bagong bangungot ko na naman ang new death case ngayon sa ICU.
Minsan iniisip ko na ang useless kong nurse kasi hindi ko naliligtas ang mga pasyente. Useless lang ang pag-aaral ko ng ilang taon at pagkapasa ko sa board exam kung may namamatay na pasyente sa kamay ko.
Pero narealize kong hindi naman kasi lahat ng bagay ay patuloy na magpapatuloy. May hangganan ang lahat at masakit man isipin ay yun ang katotohanan.
ELSA
"MAMA KO, paglaki ko gusto ko maging doctor!" puno ng sigla ang sabi niya. Napangiti ako.
Hinahaplos ko ang buhok niya. Nakahiga na kami at matutulog na sana pero ang bubwit ko ay nagkwekwento pa ng pangarap niya sa buhay. Ayoko namang i-cut off ang pagkwekwento niya. Para sa akin ay ito ang bonding namin. Hangga't bata pa siya at nagshe-share pa siya ng mga gusto niya sa buhay ay susulitin ko yon. Kapag kasi malaki na siya ay hindi na siya magiging ganito. Darating ang panahon na hindi lahat ng bagay sa kanyang buhay ay ishe-share niya sa akin.
"Talaga? Bakit naman doctor anak?" banayad kong tanong. Gabi- gabi ay iyon palagi ang sinasabi niya. Kung hindi tungkol sa stars ay tungkol naman sa pangarap niyang maging doctor.
"Kasi mama ko gusto ko pong gumamot ng mga taong may sakit po!" magiliw niyang sabi na nakapag pangiti pa lalo sa akin.
Mukhang kailangan ko pang kumayod nang kumayod para sa pangarap mo anak.
"Wow! Ang bait naman ng anak ko!" masigla kong sabi. Umalis siya mula sa pagkakahilig at humarap siya sa akin.
"Ikaw po mama? Anong pangarap mo?" tinignan ko ang anak ko. Kung sa mukha ang pagbabasehan ay mata at ang hugis ng kanyang labi lang ang nakuha niya sa akin, iyon lang. Every time na tinitignan ko ang anak ko ay naaalala ko siya.
"Ang maging doctor ka anak," ngumiti ako sakanya samantalang siya ay napasimangot.
"Eh mama madaya ka, pangarap ko yun eh!" ngumuso pa siya kaya naman pinanggigilan ko ang kanyang matabang pisngi bago nagsalita.
"Oo na ito na. Ang pangarap ko ay tumangkad ka pa kaya halika na matulog na tayo," natatawang sabi ko habang pinipisil ang pisngi niya.
"Mama tap! Tap!" tumawa ako. Ang tap ay stop. Ang cute naman ng baby boy ko! Karga karga ko lang noon siya tapos ang liit liit pa niga noon pero ngayon, 4 years old na siya.
"Sige na. Good night anak, love ka ni mama."
"Good night mama. Lab you mama ko."
"MAMA ko canton po," nag puppy eyes pa siya habang sinasabi yon. Sorry anak hindi uubra kay mama yan ngayon.
"Hindi puwede. Puru ka na canton. 3 days ka nang kumakain ng ganon anak. Masama ang masyadong canton anak," paliwanag ko sakanya. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at mabilis rin nawala ang puppy eyes na ginagawa niya kanina. Imbes na mainis ako ay mas natawa pa ako sa itsura niya.
"Pero puwede ako mag canton bukas mama ko?" puno ng pag-asa ang boses niya. Talagang paborito niya ang canton ha.
"Hindi pa rin puwede. Gulay muna ang ulam natin. Wala munang canton," tinignan ko ang rice cooker. Noong makita kong okay na ang kanin ay nagsimula akong magsandok at inilagay sa isang pinggan.
"Mama ko bakit hindi? Eh diba po sabi niyo 3 days lang po? Oh ngayon hindi ako kakain edi wala ng 3 days po. Tapos kapag kakain ako bukas, isang araw palang po yun mama ko hindi na 3 days," nakanguso siya habang nag-aayos ng kutsara't tinidor.
Napatampal ako sa noo. Jusko ano ba naman ang iniisip ng anak ko. Hay, napaka inosente nga talaga ng mga bata at ang dami nilang tanong.
"Basta hindi puwede," sabi ko nalang kasi hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pa sakanya.
"Pero mama ko kakain pa rin ako ng canton diba po?"
"Oo pero sa ngayon kumain ka ng gulay. Masustansya kasi ang gulay anak. Okay po?" nakaupo na kaming dalawa. Hindi pa kami kumakain kasi ang dami niyang tanong. Ayaw paawat eh.
"Okay po, mama ko."
"WAG PASAWAY Jay-ar ha. Wag mong pasakitin ang ulo ni Nay Nina," bilin ko sa anak ko habang inaayos ang bag niyang nakasukbit sa likod niya. Nakaluhod ako para magkalebel kami. Andito kami kila Nay Nina. Dito ko kasi siya iniiwan kung aalis na ako at tutungong karinderya.
"Opo mama ko."
"Promise?"
"Promise po. Cross my heart," itinaas niya pa ang kamay niya pagkatapos ay nag cross pa siya sa may bandang puso niya. Napangiti ako. Good boy naman anak ko. Tumayo ako at tinignan si Nay Nina.
"Nay andito na po sa bag ang lahat ng kailangan niya. Tumawag lang po kayo kung may problema," sabi ko kay Nay Nina at tumango siya.
"Oo, tatawag ako kapag may problema. Oh siya, humayo ka na at baka madami ng naghihintay sa karinderya. Andon na ba si Lina at Borg?" tanong niya. Tumango ako. May susi kasi si Lina ng karinderya. Binigyan ko siya ng spare key sa kadahilanang kapag nahuli ako sa pagdating ay buksan na nila ang karinderya upang may mga customers pa rin kahit na wala ako. Minsan kasi ay may tantrums si Jay-ar at kapag ganon ang nangyari ay nalelate talaga ako sa pagbubukas ng karinderya kaya naman ay napagdesisyonan kong magbigay ng spare key kay Lina.
"Opo nay," lumuhod ulit ako at hinalikan ang anak ko sa noo. Sorry nak, kailangang magtrabaho ni mama para sa mabigyan ka ng magandang buhay.
"Babye mama ko!" kumaway pa siya at kumaway rin ako bago tumalikod at pumunta sa pilahan ng mga tricycle para makasakay na at makapunta na sa karinderya.
"ATE. Magandang umaga," bati ni Lina. Maaliwalas ang kanyang mukha. Bente anyos siya at working student. Maganda si Lina at alam kong madaming gustong manligaw sakanya pero ang sabi niya sa akin ay wala siyang panahon sa mga love life kasi mas inuuna niya ang makapagtapos ng pag-aaral.
Ako rin naman ay walang panahon sa mga ganoong bagay. Mas inuuna ko ang trabaho dahil alam kong para rin naman iyon hindi lang sa akin kundi pati na rin sa anak ko. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay kahit pa alam kong hindi kami buo at kami nalang dalawa.
"Magandang umaga Lina. Si Borg andito na ba?" tanong ko saka ko inilapag ang bag ko sa baba ng kaha.
"Ah opo ate, nasa kusina na."
Tumunog ang wind chimes hudyat na may customer. Inihanda ko ang isang ngiti sa customer na dumating.
"Maganda umaga po! Ano po ang sainyo?" magiliw kong tanong. Wala na si Lina sa kung saan ko siya kausap kanina. Nakita kong nag-aayos na siya ng mga mesa.
"Dalawang lomi with egg po ate. Tapos isang kape po na great taste white po," nasa harapan ko ngayon ang isang bata at matanda. Sa tantya ko ay nasa edad fifteen years old siya at lola niya siguro ang kasama niya.
"Yun lang ba?" tanong ko ulit. Nakita kong bumaling siya sa matanda at nagtanong.
"May gusto pa po ba kayong kainin maliban sa lomi lola?" nakita kong umiling ang matanda. Bumaling ulit ang bata sa akin.
"Yun lang po ate. Magkano po?"
"95 pesos po lahat," sabi ko. Nag-abot siya ng isang daan at sinuklian ko siya ng limang piso kasabay ang pagbibigay ng stick na may numero.
Napatingin ako sa papalayong bulto ng mag lola. Napangiti ako. Iilang kabataan nalang ang mga katulad niya. Yung iba kasi ngayon ay imbes na alagaan ang mga lola at lolo nila ay nandidiri pa sila dahil matatanda na daw. Hay nako talaga ang ibang kabataan.
"Borg, dalawang lomi with egg," sabi ko sakanya noong makapasok ako sa kusina. Sumaludo naman siya habang nagtitimpla ako ng kape. Inilagay ko lang yon sa tray at inihatid. Mamaya pa yung order nilang lomi.
"Salamat ate," nginitian ko lang ang bata.
"LINA sa table 3 to. Dalawang order ng lomi with egg," itinuro ko ang tray. Tumango naman siya at agad na kinuha ang tray. Andito kasi ako sa kusina. Nagluluto. Malapit na kasi ang lunch time, tiyak na maraming customer mamaya ang darating.
"Okay na ba yung kaldereta?" naghihiwa ako ng sibuyas at si Borg naman ay nanghihimay ng karne.
"Yes madam!" nag thumbs up pa siya. Si Borg ay may pamilya na. Pero mas matanda nga lang ako sakanya ng isang taon. Kaya naman noong tinawag niya akong ate ay agad ko siyang sinita. Bente-uno palang naman ako habang siya ay bente.
"Sira. Anong madam!" natatawa kong sabi. Ginisa ko na ang sibuyas.
"Eh kasi naman ayaw mong tawagin kitang Ate edi madam nalang," natatawa niyang sabi. Umiling nalang ako.
Ito ang rason kung bakit ayokong malugi at maisara ang karinderya kaya naman buwan buwan ay regular akong nagbabayad ng renta. Mabuti na lamang at mabilis kong nakausap ang may-ari nitong pwesto ng karinderya. Ibebenta na kasi dapat ito pero nakiusap ako at sa awa ng Diyos ay pumayag.
Masaya naman ako sa pagkakarinderya. Hindi lang maiiwasang mapagod kasi halos oras oras ay may mga customers na dumadating lalo na't malapit lang kami sa ospital. Pero agad rin namang natatanggal ang pagod ko kapag may magandang feedbacks ang mga customers. Mas lalo lang akong nainspired.
"Ate, may naghahanap po sainyo," pumasok si Lina at halata ang inis sa mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. May nambastos ba sakanya or nanigaw sakanya?
"Sino ang naghahanap sa akin?" takang tanong ko. Wala naman akong ineexpect na bisita.
"Si kuya Tonyo ate," mabilis niyang sabi na siyang nakapagpataas ng kilay ko.
Ano na naman bang ginawa ng lalaking iyon? Kung kailan busy ang lahat saka naman siya manggugulo?
"Ano na naman bang ginawa niyang kalokohan?" tanong ko kay Lina. Nakita ko ang pagsimangot niya at nagpadyak siya.
"Eh kasi ate ayaw umorder kung hindi daw ikaw ang kukuha ng order niya. Nakapila pa naman siya ate eh hindi makaorder yung ibang customer dahil sakanya," bakas ang inis sa mukha niya. May pilahan kasi sa karinderya ko. Personal kong ipinaliwanag sa mga customers yun para maiwasan ang tulakan at gulo.
"Oh siya sige ako na sa kaha, ikaw nalang muna ang taga bigay ng order nila," inilapag ko ang kutsarang hawak ko at lumabas.
"Borg, ikaw muna dito. Sa labas lang ako."
"Yes ma'am!"
Pagkalabas ko ay agad kong nakita ang animal. Nasa unahan talaga at nagawa pa niyang kumaway sa akin. Nagngitngit sa galit ako sa galit. Ang lalaking yon! Argh!
Pagkarating ko sa kaha ay agad ko siyang tinaasan ng kilay. Nakakairita, kaya naman pala miski si Lina ay nainis rin.
"Anong kailangan mo ha?" hindi na ako nag atubiling itago ang inis sa boses ko. Pero sapat lang para marinig naming dalawa yon.
"Good morning ganda!" sobrang lapad ng ngiti niya. Nagtaas at nagbaba pa siya kilay.
"Walang maganda sa morning kung ikaw lang rin ang bubungad," madiin at seryoso kong sabi. Kinuha ko ang papel at ballpen sa tabi ng kaha.
"Meron kaya. Ikaw," itinuro niya pa ako tapos nag heart sign siya. Napatampal ako sa noo. Kung wala lang mga customers sa loob ng karinderya ay baka nabato ko na to.
"Puwede ba Tonyo. Ano bang order mo at ng mailista ko at makaalis ka na. Ang dami pang nakapila at gustong kumain."
"Ito naman ang sungit. Teka, may dalaw ka ba?" inilagay niya ang daliri niya sa kanyang baba at hinagod ako ng tingin. Jusko!
"Tonyo! Lumayas ka na nga! Nakakaistorbo ka!" I half shouted. Hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko. Nako naman itong animal na to.
"Grabe ka naman ito na o-order na. Isang pansit 80, tapos coke," sabi niya. Hindi siya nag abot ng bayad at kinuha ang stick na may numero. Napabuntong hininga ako. Sanay na ako kay Tonyo. Halos araw- araw ba naman dito sa karinderya yan hindi ko na alam kung hindi ka pa masanay sa kalokohan at kakulitan niya.
Hindi ko alam kung bakit trip niya talaga akong pag high blood-in. Palaging ayaw umorder kung hindi ako ang kukuha ng order niya at ayaw niya ring ipalapag sa mesa ang inorder niya kapag si Lina ang maghahatid. Parang gusto ko nalang hambalusin ng upuan pero nagpipigil lang ako. Baka makulong ako.
Hay nako Tonyo.
End of chapter.