CHAPTER- THREE
ELSA
“ISANG pansit na 80 at coke. Ayan na,” inilapag ko ang pansit sa mesa ni Tonyo. Nilingon ko siya at ang gago nakangisi at nakapatong pa ang dalawang kamay niya sa baba niya habang pinagmamasdan ako. Masasabi kong nag eenjoy siya sa nangyayari. Masasabi kong nag eenjoy siya sa ginagawa ko, halatang halata sa mukha at kilos niya at hindi siya nahihiyang ipakita kung ano man ang gusto niyang ipakita sa akin. Napaka vocal niyang tao at hindi siya natatakot na masigawan ko. In short, nagpapapansin siya.
“Salamat, ganda,” nangingiti ang loko at bakit ba nandito to eh alas dose pa lang naman. Dahil sa palaging kumakain si Tonyo ay alam ko na ang oras niya kung kelan siya papasok sa trabaho. Hindi ko naman tinatanong pero sinasabi niya. Hula ko mamaya ay sasabihin niya ulit ya or baka hindi na kasi baka mapalayas ko na naman to mamaya like the last time. Oo, minsan ay pinapalayas ko siya at ang loko tuwang tuwa pa. Paano ba naman pinagtutuunan ko kasi ng pansin.
“Tsk,” nasabi ko nalang at umalis na. Ang dami pang customer. Wala akong panahon para makipag lokohan sakanya. Kapag kasi sinimulan na niya akong kulitin ay wala ng katapusan yon gusto niya ay magchikahan kami forever. Pwes, manigas siya jan kasi walang forever.
“Lina, sa table five pakilinis naman,” itinuro ko ang mesa na hindi pa naayos. Mabilis ang galaw ko at nagtungo sa kaha. May mga customer kasi.
“Yes po? Ano po ang sainyo?” ngiti ko sa customer.
“HAY nakakapagod,” nag-unat ako at ganon din si Lina. Medyo nabawasan na ang mga kumakaing customer. Konti nalang at baka mamaya ay kakain na kami.
“Oo nga ate pero okay lang. Ang saya dahil ang dami nating customer!” pumalakpak pa si Lina at napangiti ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Ang tagal na naming nagkakarinderya at hindi pa rin talaga pumapalya. Ang dami pa rin kumakain sa karinderya at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil doon. Sa lahat ng ginagawa ko ay nagpapasalamat talaga ako sa Kanya.
“Oo nga eh. Oh siya mauna ka nang kumain Lina ako nalang muna dito,” sabi ko kay Lina sabay ayos sa takip ng mga ulam.
“Sige po ate,” sabi niya at nagtungo siya sa kusina. Sinabihan ko si Borg kaninang kumain na eh. Ewan ko nalang kung kumain na ang isang yun.
Nandito ako sa kaha at inaayos ko lang ang mga paninda rito. Noong matiyak kong okay na ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuan ng karinderya. May mga grupo ng mga doctor at nurse na masayang nagkwekwentuhan. May mga construction worker naman na kumakain. May mga estudyante at kabataang masayang nagkwekwentuhan habang kumain at mayroon ring pamilyang masayang nagkwekwentuhan habang kumakain.
Doon nagtagal ang tingin ko. Napahawak ako sa kwintas na suot ko. An pendant ng kwintas ko ay ang wedding ring namin.
Two years na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang sakit. Hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan sa nangyari. Napaka unexpected kasi ang lahat. Ang akala kong saya na panghabang buhay ay nawala sa isang iglap dahil lang sa isang pangyayaring hindi ko inisip na mangyayari. Totoo nga yung sabi nila na, there are things that you don’t expect to happen, happened.
Kaya naman simula ng mangyari ang pangyayaring hindi ko inaasahan ay nawalan na ako ng interes sa pakikipag relasyon sa iba. Nawalan ako ng gana at hindi ko na muli pang binuksan ang puso ko para sa iba. Hindi ko na kaya pa munang magkaroon ng isa pang sakit sa puso at isa pa mas pinagtutuunan ko muna ng pansin ang aking anak. Siya ang priority ko.
“Ate, ako na po muna dito. Kumain ka na po,” napabalik ako sa kasalukuyan noong marinig ko ang boses ni Lina. Masyado talaga akong nag-isip ng kung ano ano kaya naman hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya.
“Oh siya sige. Ikaw na muna dito,” umalis ako at nagtungo sa kusina. Pero bago ako makapasok sa kusina ay nakita kong may kumakaway sa akin at ang walanghiya hindi pa talaga nahiya sinigaw pa ang pangalan ko.
“Mahal kong Elsaaaaaa~”
Agad ko siyang binigyan ng matalim na tingin bago pumasok sa kusina. Walang hiya ka talaga Antonio, mamaya ka sakin!
“Mapapatay talaga kitang lalaki ka. Argh!”
“ATE Elsa, bakit ba ganyan si kuya Tonyo sayo?” curious na tanong ni Lina.
Taka akong tumingin kay Lina. Nakatingin siya kay Tonyo ngayon. Nandito kasi kaming dalawa sa kaha. Wala namang customer na dumarating kaya may oras kaming mag-usap at magchikahan.
“Ang ano Lina?” tanong ko naman kasi hindi ko talaga maintindihan ang tanong niya. Hindi na ako nakatingin kay Lina at nakatingin na ako kay Tonyo ngayon. Nakaupo lang siya at nagse-cellphone. Kanina pa siya tapos kumain pero ayaw pa atang umalis kasi hindi pa tumatayo at umaalis sabi ko nga ayaw pa niyang gumorabels. Ang gulo ba? Ahh basta yun yon.
“Ang kulit niya sayo ate. Halatang halata rin na gustong gusto ka niya, ihhhh. Wala ka po bang balak payagan siyang manligaw sayo? Ang bait niya naman ate at ang sipag pa,”
Lumapad ang ngiti niya habang ako ay ngumiwi. Hindi ko ba alam sa lalaking iyon kung bakit napakulit niya to the point na minsan ay ang sarap na niyang isako.
“Sus, nantritrip lang yan Lina,” nasabi ko nalang at umalis sa kaha. Wala akong panahon para pag-usapan ang mga ganyang bagay. Gaya nga ng sabi ko, I am not interested sa mga ganyang bagay. Ni hindi ko nga alam na nanliligaw pala siya. Ngayon pa lang at kay Lina pa galing. Saan niya ba napulot ang mga bagay na to?
“Mas importante ang anak ko at ang trabaho ko kesa sa love life,” bulong ko sa sarili bago nagpunta sa mesa niya. Pinili ko ang maglakad sa may gilid dahil nakatalikod siya kapag doon ay dumaan.
Hindi pa ako masyadong nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang mga sinasabi niya. Nakaharap ang malapad na likod niya sa akin kaya hindi niya nakitang nagtungo ako sa direksyon niya.
“An enemy has been slain.”
“Triple kill.”
“Maniac.
“Ampucha naman. Ang bobo! Nasaan ba kayo ha? Mga gago, nasa likod, nasa likod nga! Asan ba kayo? Back up rito. Ay tanga!” rinig kong sabi niya. Ang bilis rin ng pagpindot pindot niya sa screen ng cellphone niya. Ah so naglalaro siya ng ML? Malamang Elsa, bobo ka ghorl?
“Tng*na naman. Ang bobo, delete niyo na ML niyo. Asar,” halata ang inis sa boses niya. Hinampas niya rin ang mesa. Napasinghap ako sa ginawa niya at nainis dahil baka masira niya ang mesa. Palayasin ko kaya to?
“Hindi ka pa ba aalis?”
“Ay pucha!”
Sobrang bilis niyang umikot paharap sa akin at kamuntikan pa siyang mahulog sa kinauupuan niya. Ang cellphone na hawak hawak niya kanina habang naglalaro ay nabitawan niya na at nasa mesa na. Halata ang gulat sa mukha niya.
“Elsa ko naman! Bakit ka ba nanggugulat? Aatakihin ako sa puso eh,” nakahawak pa siya sa dibdib niya ang dalawang kamay niya akala mo naman talaga ay mahuhulog ang puso niya.
“Pakialam ko naman,” masungit kong sabi saka ko pinag-krus ang dalawang kamay ko sa aking dibdib.
“Grabe ka ha. Kapag ganon ang nangyari ay maaga kang mabyubyuda,” nakanguso siya habang sinasabi niya yon at halatang nagpapacute. Well, hindi siya cute. Nagmukha lang siyang isang asong nawawala at pimples na masarap tirisin.
“Pakialam ko nga?” mataray kong sabi. Nagpunta ako sa mesa niya at sinimulan kong ayusin yon.
“Hala ang sungit. May dalaw ka ba ngayon Elsa ko?”
Halos maibato ko na sakanya ang pinggang hawak ko. Mabuti nalang talaga ay nakapagpigil pa ako at hindi ko nagawa. Itinigil ko muna ang pagliligpit at humarap ako sakanya.
“Walang may pake at puwede ba huwag mo kong tatawagin ng ganon,” sita ko sakanya. Pinandilatan ko pa siya pero ang loko hindi man lang natinag at tuwang tuwa pa nga siya.
“Ano den itatawag ko sayo?” nagtanong pa talaga siya. Eh kung ihampas ko tong pinggan sa bungo niya at ng malaman niya.
“Wala. Basta wag mo akong tatawagin sa kahit na ano,” ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ko at umalis saglit para kunin ang tray na paglalagyan ko sa pinggan at kumuha rin ako ng pamunas.
Noong makabalik ako ay iba ang itsura ni Tonyo. Nakalagay pa ang daliri niya sa baba niya na para bang nag-iisip siya. Hindi ko na sana siya papansinin ng bigla siyang nagsalita.
“Alam ko na kung anong itatawag ko sayo Elsa ko,” nakangiti siya habang sinasabi niya yon. Ang nakalagay na daliri sa baba niya ay nawala na pero ang dalawang kamay na niya ang nasa magkabilang pisngi niya.
“Ano naman?” itinigil ko ang paglalagay ko ng pinagkainan niya sa tray. Sabi ko naman sainyo hindi niya yan ipapaayos kung hindi ako ang nag-aayos, napaka arte. Nakapeymang akong nakaharap sakanya. Umayos siya ng upo at nag ehem pa siya. Seryoso? Ang kulit talaga ni Tonyo.
“Ehem. Baby? Babe?” hindi pa siya sure jan? Bakit patanong pa yan?
“Gago! Mukha ba akong sanggol at baboy ha?” naiirita kong sabi. Nagpipigil lang talaga ako para hindi ko siya mahampas ng pinggan at matusok ng tinidor. At ang animal hindi man lang natinag at patuloy na nagsalita.
“Sugar? Pumpkin? Cuppycake?” kumikislap ang mga mata niya sa saya. Wow, ang saya niya ha. Samantalang ako dito ay nagpipigil para hindi ko siya masaktan. Mukha ba akong pagkain!
“Gago. Hindi ako pagkain at puwede ba wag ka na magsabi ng kung ano ano jan,” wala na. Nahigh blood na talaga ako. Hula ko lahat ng galit sa buong mundo ay napunta nasa akin. Badtrip!
Hindi siya nakinig sa sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
“Ah! Alam ko na. Honeeyyyyyyy… My looveeeeeeee… soooo sweeeeetttttt….”
At kumanta pa nga! Kamuntikan ko na siyang tusukin ng tinidor. Agad agad kong dinampot ang tray at mabilis na naglakad papunta sa kusina.
Akala ko ay makakatakas na ako sa kakulitan niya pero ang mokong sumunod pa sa akin.
“Honeyyyyy.. my loveee.. so sweeeetttt bakit ka umalis? Ayaw mo ba sa tinawag ko sayo? Dapat ba, you’re my honey bunch sugar my plum—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya noong bigla akong humarap sakanya at matalim siyang tinitigan. Nagulat pa nga siya at gusto kong matawa sa itsura niya pero mas nananaig ang inis ko sakanya.
“Tumigil ka na ah. Baka mahampas ko sayo tong tray,” hindi ko mapigilan ang talim at inis sa boses ko. May iilan na ring nanonood sa amin na mas lalo pang nakapag-init ng ulo ko.
“Wow! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo,” pilyong sabi niya. Halos maging kamatis na ako dahil sa pamumula ng mukha ko dahil sa galit. Nakaka high blood si Tonyo! Para siyang batang nangungulit sa magulang para mabigyan ng limang pisong pambili ng ice candy sa tindahan!
Pero mas malala pa sa bata ang kakulitan niya. Alam na ng lahat ang ugaling meron siya pagdating sa akin. Hindi naman kasi sa lingid ng kaalaman ng iba na kinukulit ako ni Tonyo. May mga nagsasabing ang cute daw namin tignan at bagay daw kami.
Haler?! Anong cute? Baka nakakata-cute! At anong bagay?! Eh halos ayoko ngang makita ang lalaking yan. Hindi ko naman siya puwedeng hindi papasukin sa karinderya at baka suhulan niya pa ang mga doctor at nurse sa ospital na wag ng kumain dito.
“Umalis ka na nga dito. Tapos ka na kumain diba? Shoo alis, bawal ang tambay dito,” pagpapalayas ko sakanya. Hawak hawak ko pa rin ang tray at nangangawit na ako. Ano ba kasing eksena namin ni Tonyo dito?!
“Hindi ako tambay honey my love so sweet,” napangiwi siya bago nagsalita, “ang haba naman pala. Mahal nalang ulit tawag ko sayo. So ayun nga, hindi ako tambay. Nurse ako.”
At nakita kong nag chin up pa siya at sumaludo sa akin. Sa gigil ko ay ibinaba ko ang tray sa pinakamalapit na mesa at sinigurado kong walang kumakain don kasi syempre diba ang bastos naman non. So ayun na nga, pagkalapag ko sa tray ay kinuha ko ang tinidor at pagkatapos ay humarap ako kay Tonyo.
“Anong gagawin mo jan mahal? Kakain ka pansit?” nagtatakang tanong niya. Nginitian ko lang siya ng pagkatamis tamis saka ko itinutok sakanya ang tinidor. Dahan dahan akong naglakad at dahan dahan rin siyang umatras.
“Itutusok ko sayo.”
“Hah?” nakita ko ang paglunok niya at mas lalo ko lang siyang tinakot sa pamamagitan ng pag ngiti ko. Hindi kasi ako ngumingiti kay Tonyo, ngayon lang at may hawak pa talaga akong tinidor.
“Anong ha mo? Itutusok ko sayo to dahil nakakairita kang animal ka! Oh bakit ka umaatras?!” mabilis pa sa sa bus ang pagtakbo ni Tonyo palabas ng karinderya. Natawa ako pero nawala rin agad yun noong narinig kong sumigaw si Tonyo.
“Ba bye mahal kong Elsa!”
“Tonyo, masasakal talaga kitang lalaki ka!”
End of chapter.