Audrey ISANG linggo na halos ako sa kompanya at maayos naman ang naging trabaho ko. Kayang-kaya ko naman dahil masipag at matiyaga namang magturo sa akin si Liam. Mukhang bumait na siya ngayon nang kaunti, siguro nga dahil nag-matured na rin siya. Sa wakas ay may sarili na akong cubicle, hindi kasi ako makapag-concentrate kapag naroon ako sa loob ng opisina niya dahil panay lang ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung nagagandahan ba siya sa akin o nag-iisip siya ng mga ipagagawa. Nang sumapit na ang hapon ay sininop ko na ang aking mesa at pagkatapos ay pinuntahan ko si Ashley sa kabilang bahagi ng gusali. Naabutan ko siyang abalang-abala sa pagtitipa sa kanyang computer. “Ashley, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya. Kapag uwian na kasi ay palagi niya akong dinaraanan sa puwes