Audrey PAGDATING ko sa bahay ay hindi ako mapakali sinabi ko kay Ate Cindy ang tungkol sa aksidente naming pagkikita ni Liam kanina sa mall. Ipinakita ko rin sa kanya ang calling card na binigay sa akin ni Liam. Ayon kay Ate Cindy ay kilala raw at hindi pipitsuging kompanya ang City Global Builders. Sa katunayan, ay isa raw ito sa mga namamayagpag na kompanya pagdating sa larangan ng construction. Tila napanatag ako sa sinabi ni Ate Cindy. Excited na ako dahil mukhang ito na ang senyales na magkakaroon na talaga ako ng trabaho. Kapag ganoon ay baka makalimutan ko na rin ang ginawang panloloko sa akin ni Liam. Hindi na ako magagalit sa kanya at tatanawin kong isang malaking utang na loob ito. Pinalantsa ko na ang aking isusuot kinabukasan, as usual nanghiram ulit ako kay Ate Cindy. Kapag