KJ MINSAN ay naiisip kong hindi patas si Tito Rafael sa aming dalawa ni Liam. Madalas na ibigay niya sa akin ang malalayo at mahihirap na trabaho. Kagagaling ko lang sa business trip samantalang si Liam ay nakaupo lamang sa opisina. Kunsabagay, mas pabor sa akin ang ma-expose pa at masanay sa ganitong uri ng negosyo. Sabi nga sa akin ni Ninong Jess, just grab the good opportunities that can give you benefits. Pero ang lubos kong ikinagulat nang bumalik ako ay ang makitang nasa kompanya si Audrey—my ultimate crush. Masayang-masaya ako na nakita ko siyang muli. Sayang nga at hindi kami nagkaroon ng oras na makapag-usap. Tambak kasi agad ang trabaho pagdating ko. May mga naging girlfriend din naman ako pero hindi nagtatagal dahil hindi kami magkasundo, workaholic daw kasi ako bagay na hindi