Audrey DAHIL maaga pa naman ay naisipan naming mamasyal nina Chona at Mimi sa Sabang beach pagkatapos ng aming huling subject. Masarap kasi tumambay roon bukod sa mura na ang entrance ay napakaganda pa ng lugar. Kakaunti lang naman ang tao dahil school days ngayon. Nakita ko ang cottage na huling inupuan namin noon. Naalala ko tuloy si KJ kung saan siya huling nakaupo. Parang kinurot ang puso ko. Ewan ko ba kung ano’ng mayroon sa lalaking iyon at hindi ko makalimutan kahit dalawang taon na ang nakalipas. Bukod kasi sa guwapo ay napakabait pa, bagay na bihira sa mga kilala kong lalaki. Kung mayroon mang guwapo pero minsan masama naman ang ugali, kagaya na lamang ni Liam. Pero in fairness, medyo mabait na ngayon si Liam sa akin. “Ay, kabayo ka!” nasambit ko sa sobrang gulat ko nang may kum