Audrey HINAYAAN kong lang na manligaw si Liam sa akin. Alam kong magsasawa rin siya kapag hindi ko siya sinagot sa loob ng isang buwan. Pero tila nagkamali ako nang akala dahil ni hindi ko siya nakitaan ng pagsuko. Mas lalo pa nga itong nagpursige sa panliligaw hanggang sa hinahatid na niya ako sa bundok tuwing weekend. Minsan naman Linggo pa lang ng umaga ay nasa bahay na siya. “Ako na nga ang maghahakot niyan pagkatapos ko rito,” sabi ni Liam habang saglit na tumigil sa pagsisibak ng kahoy. Ako naman ang tagakuha ng kaniyang mga sinibak na kahoy at hinahakot ko iyon sa loob ng bahay. “Para nga mas mabilis matapos, ‘di ba? Baka sabihin mo inaalila ka rito sa bahay namin,” sabi ko na abala sa paghahakot. “Huwag kang mag-alala, Audrey, kayang-kaya ni Sir, ‘yan,” sabi naman ni Jorge. Nak