KJ HALOS isang taon at kalahati akong nakatira kina Ninong Jess. Hinintay kong manumbalik ang lakas ko kagaya nang dati. Naging matagumpay naman ang surgery ko at nakalakad na akong muli. Kaya naman ay napagpasyahan kong bumalik na sa mansiyon at subukang mamuhay mag-isa. Noong una ay ayaw akong payagan nina Ninong Jess, pero kalaunan ay pumayag na rin sila. Paminsan-minsan ay binibisita nila ako, minsan naman ay ako ang pumupunta sa kanila. Hindi ako pinababayaan ni Ninong Jess, siya ang gumagabay sa akin lalo na sa pag-aasikaso ng mga naiwang negosyo ni Daddy. Subalit hindi ko kayang hawakan ang lahat lalo na ang construction company ni Daddy. Masyadong malaki iyon at kaunti pa lamang ang aking kaalaman sa pagpapatakbo ng kompanya. May takot akong sumugal na hawakan iyon dahil baka ma