Audrey HALOS hindi ako nakatatayo sa kinauupuan ko sa dami ng ginagawa ko idagdag pa ang maya’t-maya na tawag sa telepono. Nagsiuwian na rin ang mga kasama ko. Si Liam ay hindi ko pa nakikitang lumabas sa kanyang silid. Napatingin ako sa aking computer, alas-otso na pala. Kahit yata dito ako matulog sa opisina ay hindi ko matatapos ang pinagagawa sa akin ni Liam. Mukhang pinagti-trip-an lang yata ako ng boss ko. Muntik na akong mapaigtad nang biglang nagbukas at nagsara ang pintuan ng silid ni Liam. Lumabas na siya dala ang kanyang briefcase. Napalingon ito sa gawi ko at nagkasalubong ang paningin namin. Umarko ang mga sulok ng labi nito. “I need that tomorrow morning, okay?” sabi nito. “Sir, nagbibiro ka ba? Mabuti sana kong ipi-print lang ito? Kahit printer yata nito ay susuko,” rekl