Audrey NAGING excited ako sa pagpasok sa opisina mula nang nagpahayag si KJ sa akin ng panliligaw. Si Liam naman ay hindi pa kami gaanong nag-uusap ng personal pagkatapos ng pangyayaring iyon na sinampal ako ni Karen. Kung mag-usap man kami ay sandali lang at tungkol iyon sa trabaho. “Ma’am, may nagpapabigay po nito sa inyo.” Dala-dala ni Paulo na aming messenger ang dalawang pompon ng mga bulaklak. “Para kanino ba ang mga ‘yan?” takang tanong ko. “Para sa'yo po, Ma’am?” “Talaga? Sa akin?” Agad kong kinuha ang dalawang pompon ng mga bulaklak. At tiningnan kung kanino nanggaling ang mga iyon. Ang isa ay pompon ng mga pulang rosas at ang isa naman ay kombinasyon ng white and pink roses. Nagtaka ako kung bakit dalawa. Agad kong tiningnan kung kanino nanggaling ang mga pulang rosas