KJ WALANG pagsidlan ang saya ko nang sa wakas ay tinanggap na ako ni Audrey bilang kanyang nobyo. Pinapangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko siya sasaktan, mamahalin, at aalagaan ko siya. Ang madalas kasi na reklamo sa akin ng mga nagiging girlfriend ko ay wala raw akong oras sa kanila bagay na nagiging sanhi ng hiwalayan. Lahat naman ng mga naging girlfriend ko ay minahal ko rin talaga. Pero ewan ko ba kung bakit kakaiba talaga ang karisma ni Audrey. Noon pa man ay gustong-gusto ko na siya. Kahit lumipas ang ilang taon napagtanto ko na hindi iyon nawala at ramdam ko pa rin iyon noong muli kaming nagkita. I think she’s my first love and now that I've found her I will never let her go again. Tumingin ako sa aking pambisig na relo, pasado alas-onse na ng gabi. Bumusina ako sa gate
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books