Audrey MATAGAL akong nakaupo sa tambayan namin dahil hinihintay ko si Liam na lumabas sa kanyang huling subject. May pinadala kasi si Inay na isang piling ng hinog na saging, ibigay ko raw kay Liam. Sina Chona at Mimi naman ay nauna nang umuwi. Mula nang maging kami ni Liam ay hindi na kami nagkakasama ng mga kaibigan ko na kagaya dati. Si Liam kasi ang madalas kong kasama. Pero apat na araw na ngayon na hindi kami nagkakasama ni Liam. Kung magkausap man kami ay sandali lang. Abala kasi siya sa practice nila sa larong basketball. Naalala ko sabi pa niya sa akin ay hindi na muna siya maglalaro. Pero makalipas lang ang ilang araw ay mukhang nabuhay na naman ulit ang passion niya sa sports kaya abala na naman siya. Noong Friday ay inaasahan kong ihahatid niya ako pauwi ng baryo pero hindi