Liam MULA nang binalaan ako ni Daddy sa maaring gawin niya kay Audrey at sa pamilya nito ay unti-unti akong lumayo kay Audrey. Naawa ako sa kanya sa tuwing lalapit siya sa akin at ako naman ay naghahanap ng dahilan para makaiwas sa kanya. Sa ginagawa kong ito ay para na ring hindi ako naging tapat dahil hindi ko kayang sabihin ang totoo. Pinilit kong makabalik sa team namin at hinikayat kong maglaro kaming muli kahit matalo kami ay wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaiwas kay Audrey kahit na ang kapalit pa niyon ay ang magalit siya sa akin. Mas lalo ko siyang minahal dahil sa pagiging inosente niya at minsan ay tatanga-tanga pa. Napapangiti niya ako sa mga corny at simpleng joke niya. Masarap maglambing sa kanya pagkatapos ko siyang inisin. Mga bagay na hinding-hindi ko makakal