KJ INAASAHAN ko na ang magiging pakikitungo sa akin ni Liam pagkatapos ng sagutan namin. Tiyak pag-iinitan na niya ako lalo dahil sa pakikialam ko sa kanya tungkol kay Audrey. Kilalang-kilala ko na si Liam. Ayaw na ayaw niyang pinakikialaman ang kanyang diskarte maging ito man ay personal o sa trabaho. Pero hindi maaari na hindi ako puwedeng makialam lalo na’t alam kung may na-a-agrabyado siyang tao at nagkataong si Audrey pa iyon. Nag-init talaga ang dugo ko nang makita kong sinampal ni Karen si Audrey, na wala man lang ginawa si Liam kundi ang manood. Kung hindi lang ako nagtitimpi ay baka nagkagulo na kami sa opisina. Naawa ako kay Audrey dahil handa niyang tiisin ang panunuyang ginagawa sa kanya basta huwag lang siya mawalan ng trabaho. Kasalukuyang nasa swimming pool ako dahil g