Audrey KAGABI kahit maraming tao ay umaasa akong makikita ko pa rin si Liam sa coronation night hindi nga ako nabigo dahil nakita ko na siya noong unang pasok pa lamang niya sa entrance. Nasa ikatlong hanay siya ng mga upuan nakasuot ng itim na jacket at sombrero. Kahit itago pa niya ang kanyang mukha ay kilalang-kilala ko ang kanyang tindig. Hindi ko alam kung may kasama siya pero hindi ko naman nakita ang kanyang mga bodyguards, malamang ay nasa paligid lang ang mga iyon. Naging ganado ako sa aking pagrampa sa stage dahil tila lumakas ang loob ko dahil alam kong nanonood siya. Pero ginawa ko iyon dahil ayokong mapahiya siya nang dahil sa akin. Gusto kong ipagmalaki niya ako bilang girlfriend. Natutuwa ako sa tuwing papalakpak siya sa akin kaya naman ay lalo kong ginalingan. Siya ang in