KJ “Kanina pa kita hinahanap. Teka, Kuya, saan mo ba pinarada ang kotse mo? Hindi ko yata nakita ngayon?” pansin ni Cathy nang lumapit sa akin. “Dala ng pinsan ko. Teka, vacant time mo?” tanong ko. “Yup. So, puwede bang makiupo dito sa tabi mo, Kuya?” pinagdidiinan niya ang salitang kuya. “Of course, wala namang nagbabawal sa’yo.” “Meron, ikaw.” Pinisil ko ang ilong niya, “Huwag mong sabihing uungkatin mo na naman ang mga sama ng loob mo?” “Hindi na, nakapag-move on na ako sa pamba-basted mo sa’kin.” Natawa na lang ako. Hindi pa rin kasi sumusuko si Cathy at paulit-ulit niyang sinasabing mahal niya ako. Naawa na nga ko minsan kasi hindi ko naman masuklian ang pagmamahal na kagaya ng gusto niya. Kundi pagmamahal lang na parang isang kapatid ang turing ko sa kaniya. “Hay, naku, pasa