KJ Taong 1997, Manila MAAGA akong umalis ng mansiyon kanina dahil maaga rin ang pasok ko. Kaya naman nagmamadali na akong umuwi sa mansiyon dahil alam kong ngayong araw darating sina Tito Rafael. Sa wakas ay may makakasama na ako sa mansiyon hindi na ako nag-iisa. Iniwasan ko rin kasing pumunta kina Ninong dahil kay Cathy. Mula noong nagtapat siya sa akin na mahal niya ako ay naiilang na ako sa kanya. Ayoko kasing may masabing hindi maganda si Ninong sa akin. Sa university ko na lang nakikita si Cathy at hindi na rin niya ako sinusundo na kagaya ng dati. Nang makarating ako sa mansiyon ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay. Siguradong narito na sina Tito Rafael dahil nakita ko na agad ang sasakyan niya na nakaparada sa loob. “Sina Tito Rafael?” tanong