CHAPTER 27

2623 Words

Audrey NAG-UMPISA nang maglagay ang mga waiter ng pagkain. Simpleng dinner lang naman daw ito para sa mga staff sa opisina. Pero bago nag-umpisang kumain ay nagpasimuno ang ilang staff na kantahan muna namin ng birthday song si Sir Liam. Pagkatapos ay masaya naman siyang nagpasalamat. Medyo hindi ako sanay sa mga pagkain sa ganitong lugar kaya hindi ko kinakain ang hindi ko kilala. Ang hirap pala talaga mag-adjust kapag galing ka ng probinsiya. Nakakahiya tuloy sa mga kasama ko. Ewan ko lang kung nahahalata iyon ni KJ. Nakakailang din sumubo dahil kaharap ko siya. Kahit na tapos na kaming kumain ay marami pang natira sa mesa. Naisip ko tuloy si Itay at ang mga kapatid ko kung nakakakain pa ba sila ng masarap. Kapag nakaipon na ako ay papupuntahin ko rin sila dito sa Maynila. Mayamaya pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD