"Wala ka na don kung anong course kukunin ko!" Tinulak ko siya at lumabas na sa registrar office. Sabi naman ng babae tatawagan na lang daw iyong parents ko para sa ibang babayaran. Bigla akong nahiya, hindi ko naman kasi in-expect na nandon siya sa loob. Nasa likod ko pala siya, nakamasid lang sa pag-fill-up ko. Nang makalabas, sakto namang bumalik na sila kuya. Nagtaka pa siya dahil nakita niya akong galing sa loob. "What are you doing inside?" Iniling ko ang ulo, kinunotan niya ako ng noo at hindi na nagsalita pa. Pasalamat na lang ako dahil hindi lumabas si Harris kaya hindi nila alam na nasa loob ang isang kaibigan nila. Isa sa dahilan ko kaya hindi ko pinaalam kay kuya na gusto kong mag-aral sa Xavier University, dahil baka asarin niya ako. Gustong-gusto niya talagang magkas