Bakit may mga taong ang hirap basahin? Iyon bang hindi ka sure kung anong naramdaman nila towards you? Minsan mapapatanong ka na lang kung bakit nagiging mahina ka sa mga bagay-bagay na hindi mo kayang dalhin at panindigan. Hindi mo alam kung ano ba ang ginagawa mo?Kung tama pa ba ang mga nagagawa mo sa buhay? Bakit mo nagawa ang isang bagay na alam mong makakasira sa'yo. Na alam mong ikakapahamak mo, pero hinayaan mong mangyari kasi gusto mo. Hindi ka makapalag, basta-basta na lang nangyari ang lahat. Sa isang iglap lang, malalaman mo na lang na nagawa mo na ang bagay na alam mong pagsisihan mo sa bandang huli, kahit alam mong mali pero pinagpatuloy mo pa rin. "A-Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pigil ko sa kanya kaso hindi siya nakinig. Biglang nawala ang pagkalasing ko pagkakita ko