Tahimik kaming dalawa sa sasakyan. Walang nagtangkang magsalita talaga. Lutang naman ang isip ko buong byae. Ewan ko ba, pero pabalik-balik sa utak ko iyong mga sinasabi ni Harris sa akin bago kami sumakay sa kotse niya. Biglang nahiya ang kalooban ko, hindi dahil nainsulto ako kundi sa ibang bagay na para sa akin mahirap ipaliwanag. Natutuliro ako, para akong nabubuang kong anong sasabihin ko pagkadating namin sa bahay. Magiging soft ba ako sa kanya? O magsusungit? Hindi kasi ako sanay na mabait ang boses ko sa kanya, iyong tipong malumanay. Sanay akong pasindak palagi, tapos siya mukhang laging galit naman ang boses, o di kaya naiirita sa presensiya ko. Pinahid ko ang kamay sa suot na pantalon, biglang nangingimi ang bibig ko pagkadating namin sa labas ng gate. Tahimik ang bahay namin