Chapter 6: Kiss

1790 Words
Nagsi-alisan na sila Jordan para puntahan ang pool area. Nang kaming dalawa na lang ang nandito sa loob ng bahay taas kilay niya akong hinarap. "Saan ka pupunta? Bakit masyadong maiksi ‘yang ayos mo? Walang binili si Mommy na ganyang damit." Kahit nahihimigan ko na ang pagtitimpi sa boses niya ay nagawa ko pa ding ngumisi. "Binili ko ito sa online shop. Maganda ba kuya? Nababagay na ba ito sa pagsalo-salo natin?" Umikot ako sa kanyang harapan para ipakita ang suot ko. "What the hell, Jessy! Anong pumasok sa isip mo, at ‘yan ang suot mo ngayon?! For god sake! Nasa bahay ka lang naman bakit kailangan mo pang magsuot ng ganyan ka-iksing damit. And god knows, your cleavage are showing." Tinuro niya ang dibdib ko na para sa akin hindi naman masyadong klaro ang cleavege ko. Nakikita lang ang v-line doon pero hindi masyadong halata. "Seriously kuya. Sabi mo gusto mo akong makisalo sa inyo. You also said na puwede akong maki-join sa pag-party niyo. So here I am, nagbibihis ako para rito.” "I can't believe you little sis. Pwede ka namang magsuot ng simpleng damit na pambahay, bakit kailangan mo pang magbihis ng ganyan. Maraming lalaki tayong kasama.” "Hindi naman sila bastos, right?" Nguso ko. "And besides nagdadamit naman ng sobrang sexy ang mga kaibigan mong babae. Hindi lang naman ako ang sexy magasuot doon. Bakit napaka-sensitive mo masyado. Gusto mo naman diba na makihalo ako sa inyo, kaya heto. Ayaw ko namang magmukhang ewan.” "You can wear your simple shorts and a top. But not this one. Hindi mo kilala ang mga lalaki sa loob ng bahay. ‘Yong mga babaeng kasamahan namin, nagsusuot sila ng ganon dahil nababagay na sa kanilang edad. You're still eighteen, Jess." Napahilot siya sa noo. So what? Todo pigil ako sa pag-ikot ng mata. Naintidihan ko naman siya na protective lang talaga sa akin at naninibago siya sa itsura ko ngayon. Hindi ba puwedeng magbagong buhay? Magbago ng appearance? "I thought they are your friends. Their good person. Hindi naman siguro ako babastosin, and besides nandiyan ka naman,” pagmamatigas ko. Kahit gustohin ko mang sumang-ayon sa sinabi niya na hindi talaga puwede sa akin na magsuot ng ganitong klaseng damit dahil kaka-debut ko pa lang. Pero anong masama kung gusto ko ngang magsuot ng ganito? Meron ngang fifteen years old masyado nang magarang magdala ng damit.Ako pa kaya na eighteen na? Wala na nga siyang magawa si kuya Andrew dahil sa suot ko. Panay pa ang tanong niya kung anong pumasok sa isip ko kung bakit gusto kung makihalo sa pag-party sa kanila ngayong gabi, when in fact ayaw ko namang makihalo sa mga nakakatanda sa akin. Dahil nandidiri ako na makihalo sa puro matatanda. Tinawanan ko lang siya. At hindi na sumagot, baka ano pa ang mabuong konklusyon sa isipan niya. Nang makapasok kami sa pool area. May naligo na agad doon sa gitna. Nag-aasaran, may babae ring nakihalo na sa pagkakaalam ko si Coleen at Brenalyn. Inaya nila akong mag- swiming kaso inilingan ko lang sila. Wala pa ako sa mood para maligo. May hinihintay akong tao, ayaw kong masira ang ayos ko. Natigil ako sa biglang pag-iisip, huminga ako nang malalim. Sa gilid ng pool may nag-barbeque doon at ang iba, kumakain. May mahabang lamesa rin doon sa pinaka gilid kung saan nandon silang lahat nag-iinoman. Kahit panay na ang tawag ni Jordan sa akin hindi ko siya pinansin, pati ang ibang kaibigan ni kuya. Dahil busy ako kakamasid sa paligid. Hinahanap ang presensiya ni Harris. I don't see him. Pupunta kaya siya? Bakit, wala siya ngayon? "Jessy, dito ka!" tawag ni Jordan sa akin at Oliver. May malaking space sa gitna nilang dalawa kaya naman umupo na ako roon. Naninibago pa rin ako dahil ganito pala sila. Marami sila sa lamesa. Hindi kasali iyong nasa pool na nag-aasaran. Maraming mamahaling alak sa lamesa nila at nagsimula na silang uminom doon at nagkwentuhan nang nakakatawa. "Huwag niyong pa inomin ‘yan," banta ni kuya Andrew na naki-upo sa tabi ko kaya naman napa-atras si Oliver. Ang katabi ko sa magkabilang gilid, si Jordan at kuya Andrew na ngayon. "`Yon oh! Sa wakas nakisali ka na rin sa amin!” hiyaw ni Kasper. "Sa tuwing iniimbita ka ng kuya mo para sumali palagi ka raw tumatanggi. You hate us, Jess?" Si Nick naman na tuwang-tuwa. "Busy lang talaga ako. Pero ngayon, I can join you here." Ngiti ko na lang Kahit pa nawalan nang gana dahil wala ang taong kanina ko pa hinahanap. Mukhang hindi yata pupunta. Pati rin iyong babaeng si Rianne. Nakita kung hindi rin naka punta. Magkasama kaya sila ngayon? Nag-date? Wala sa sarili akong nakinig sa bawat binabatong asaran nila. Minsan nakikisali ako pero balik lang din sa walang ganang pakiramdam sa tuwing sumasagi sa isipan ko na magka-date si Rianne at Harris ngayon kaya hindi nakapunta. Gosh! Nag-ayos pa ako, nagpaganda nang suot, tapos mauuwi lang sa wala ang lahat. Mabuti na lang talaga napigilan ko pa ang sarili na magtanong tungkol sa dalawa. Tahimik lamang ako sa tabi habang tinitigan ang baso. Nasa kalagitnaan na ako sa pagtawa dahil sa joke ni Kasper at Nick nang biglang tumahimik ang lamesa namin. At sabay silang napatingin sa likod ko. "Oh! Nandiyan na pala ang lovebirds eh. Nahuli yata ka’yo,Bruh?” tanong iyon ni Kallel. "Mukhang galing date ‘yan,” tawa naman ni Oliver. "Pre, bago nanaman? Saan si Rianne?" tanong naman ni kuya Andrew. Tumuwid ako sa pagkaka-upo nang mapagtanto kung sino ang ka bagong dumating. Dahan-dahan kong binalingan ang pintuan ng pool. Nakita kung may kasamang ibang babae si Harris, nasa tabi niya. Sa likod naman nandon si Giovann Mercedez na ka-akbay nito ang Girlfriend na si Ella Torres. Magkasama silang apat sa pagdating. Parang may bumundol sa lalamunan ko nang makitang nakakapit ang babae sa braso ni Harris. Nakangiti siya sa amin habang kasalungat naman ang kasamang lalaki. Seryoso lang ang kanyang mukha habang sinuyod kami isa-isa sa pagtingin. Tumigil lang ang mata niya nang dumapo sa akin. Galing sa seryosong mukha, biglang dumilim ito. Kumunot rin ang noo niya at nagtaas ng kilay. Mariin ang tikom ng kanyang bibig nang matitigan ang suot ko. Kahit pa naka-upo ako at hindi niya masyadong makita ng buo ang dress ko ngayon pero halos lamunin ako sa kahihiyan nang bumakas sa mata niya ang pang-iinsultong titig. Sinundan niya pa nang tingin ang kamay ko na pilit binaba ang dress. Nagtaas pa lalo siya ng kilay at nag-smirk sa akin. That smirk. Bakit nanliit ako doon. Why he is really intimidating? Para bang siya lang ang tao na hindi ako welcome dahil nandito ako nakihalo. "Bago, pre?" tawang-tawang sabi ni Andrew kay Harris. Nag-apiran silang lahat. Nag-fist-bump ‘yong iba sa ka bagong dumating na kaibigan nila. "Shut up, Mejares," madilim niyang sabi kay kuya. Sumulyap siya sa akin sandli bago hinarap ang kasamang babae na mukhang nahihiya pa sa aming lahat. Masyado siyang mahinhin sa paningin ko lalo na nung ngumiti siya sa akin. Hindi man lang ako makangiti pabalik. "Mr. Mercedez, tagal niyo ah!" Sabi naman iyon ni Oliver. "Sana bigyan niyo naman kami ng chix, dre" ngising saad ‘yon ni Nick. "Tss... Why don't you get on your own. Gamitin mo 'yang karisma mo sa mga babae. Nawalan ka na ba ng panangga,” pang-asar ni Vann sabay pinaghila ang girlfriend nito ng upuan. "Yeah, right. But next week, magdadala ako ng co-model para naman may partner ka’yo rito...Hi Jessy, finally you are here.” Baling ni Ella sa akin. "Hi.” Ngiting pilit ko. "I thought you are not coming?" Pilit kong winaglit ang pigura sa harapan ko. "Na-late lang, galing pa kami sa modeling agency at dumeretso na kami rito." Mabait si Ella Torres iyan ang nakikita ko sa kanya samantalang iba naman ang aura ng boyfriend nito na si Vann. 'Yong isang tingin mo lang sa kanya, may aura talaga siyang nakakatakot mong alamin. All of them are good looking at sa pagakakaalam ko habulin ng mga babae. "I see," I said in a low voice. Tumikhim ako para ayosin ang postura. Bigla akong nakaramdam ng pagtabang sa sariling tanong. Nag-asaran pa sila pero wala na akong marinig lalo na't nasa harapan ko lang si Harris naka-upo at ang babaeng kasama niya. "Pakilala mo naman kami sa kasama mo pre?" sabi ‘yon nang lahat kay Harris. Sabay hiyawan nang malakas. Ngumuwi ako at ‘di na umimik. Nakita kong umahon ang mga kaibigan ni kuya galing sa pool para maki-usyoso sa dalang babae ni Harris Moonzarte. Kahit sa pink na pisngi nito parang natural lang. Napakaganda niya. Parang may sumagi sa dibdib ko na matalim na punyal nang makitang may binulong ang babae sa kanya. He just shrugged and look at me. Mabilis kong hinarap si Jordan na kinausap ako. Dahil sa titig ni Harris sa akin na makapanglumo ng damdamin. "You look uncomfortable, gusto mo mag- barbeque na lang tayo?" Bago pa bumukas ang bibig ko narinig ko na ang boses ni Harris na sinagot ang tanong ng mga kasamahan namin sa lamesa. "She is my girlfriend. Meet my new girl, Sandara.” Biglang nabaling ang mata ko sa harap. Pang ilang beses kong pinoproseso ang sinabi niya. Suddenly bumalik sa isipan ko iyong sinabi ng mga kaibigan ko kaninang umaga. Si Harris ang taong hindi nauubusan ng babae. Tama nga sila. Nakakatawang isipin, ayaw ko pang maniwala pero ngayon halos gumuho ang mundo ko sa nalaman. He is off-limits, at may girlfriend pala siya, ibang babae. "Hindi ako maniniwala. Kiss mo nga ‘yan,” tawang-tawang utos ni kuya. "What?” he ask. "Kuya!" iritang bulong ko, tama lang na siya ang makarinig. Hindi ko alam kung ba't ganon bigla ang iritasyong namuo sa akin. Gusto ko siya sipain sa ilalim ng lamesa, pero namanhid na lang ako bigla. "Kiss!Kiss!" sigaw ng lahat. `Yong Sandara naman nahihiya na. "Ano ba kayo, hindi kami PDA ni Harris, " bulong nito kay Harris, namumula lalo ang pisngi niya. Para akong nanood ng sweet na couple. Pumikit si Harrison Molnzarte at bumalandarya sa kanyang mga labi ang madilim na ngisi. Pakiramdam ko nahigop ko ang hininga dahil sa ngising iyon. Bigla akong nakaramdam lalo ng irita nang tinawanan lang niya ang birong ‘yon. Nag-hiyawan ang lahat lalo na't hinarap niya ang babaeng dala. "God damn!" He breath before he kiss his girlfriend. Not just a kiss but a french kiss. I closed my eyes so tight, para hindi ko makita ang dila niya na pinapasok sa bibig ni Sandara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD