Naghiyawan ang lahat dahil sa nangyari. Halos lahat sila sumisigaw at nag-iingay pa lalo. Parang may pyesta ang lamesa. Ako lang yata ang parang na bato sa kinauupuan. Para ring naubusan ng dugo. Nanlaki rin ang mga mata ko sa pangyayari sa harapan ko.
While looking his tongue inserted on her girlfriend’s mouth. Para akong naubusan ng hininga habang pinapanood ang pagalaw ng kanyang dila, na para bang napakagaling sa gano’n. Expert talaga siya sa paghalik ng marahas. Walang tutol naman ang babae.
Nagtaas baba ang dibdib ko. Parang kulang na lang sisigaw ako na itigil ang ginagawa nila.
But I can't do that so...
Iniwas ko na lamang ang tingin ‘tsaka tumayo nang mabilis. Hindi makatingin sa lahat, dahil sa init ng dibdib at humahapding damdamin. Mariin kong kagat ang pang ibabang labi. Nanginginig ang tuhod. Hindi mawari kung bakit gan'to ang reaction ng katawan ko. Why? I am so affected?
Kuyom ang dalawang kamao ko nang binalingan ako ng lahat. Ang kaninang nag-iingayan ay parang nadaaan ng multo. Lahat ng mata sa akin naka direkta. Nagulat sa padarag kong pagtayo.
"I-I didn't know na ganito pala kayo ‘pag nagsama...K-Kissing like uh..." Huminga ako nang malalim dahil mas lalo lang nanginig ang labi ko. Hindi ko na alam kung anong tamang salita na ibuka sa bibig.
Hindi ako makatingin sa harapan ko. And, I think tumigil na sila sa paghahalikan pero kahit na gano’n hindi pa rin ako makatingin sa gawi ng dalawa.
"I'm sorry to enterupt," huling sabi ko dahil naghaharumentado pa lalo ang damdamin ko.
Mabilis akong naglakad paalis sa lamesa nila. Tinawag ako ng ibang lalaki pati si kuya kaso hindi ko na sila binalingan pa. Tanging huli kong narinig ang boses ni Harris na pinagsabihan si kuya.
"She's just a child, Mejares. Bakit mo pa kasi sinali rito. She didn't know what we are doing in this damn party. See... She walk out because she's still innocent child. Hindi siya nababagay rito. Mas bagay sa kanya ang manood na lang ng cartoons sa kwarto niya.”
Damn you, Moonzarte!
Mas binilisan ko pa sa paghakbang ang paa. Kulang na lang takbohin ang distansiya nang ikalawang palapag galing sa pool area. Todo pigil ako sa luhang gustong maglandasan dahil sa nakakahiyang pahayag niya kay kuya Andrew.
Kung makapag sabi siya nun. Akala mo hindi ko marinig o sinadya niya talagang ipa-rinig sa akin ‘yon. Napaka Napakgago niya talaga para insultohin ako.
Nagpaganda na ako at nagsuot ng pang-mature na damit ngayon, tapos tingin niya pa rin sa akin. Isang batang musmusin. Really huh? Kailangan talagang sabihin na dapat manood na lang ako ng cartoons kay sa makisali sa kanila? He is really full of his self.
Nakakapikon ang pagiging bossy niya.
Ang sama niya talaga. Naghalo-halo ang naramdaman ko. Nainsulto at nahihiya, dahil mukhang pinamukha pa yata ng Harris na ‘yon na kasalanan ko pang naputol ang kiss nila ng Girlfriend niya at ang pagmamayabang niya kung gaano siya ka galing humalik, dahil sa nakisali ako sa kanila naputol ang kasiyahan.
I admit, nakakita na ako nang naghahalikang tao nang harap-harapan, pero hindi katulad ng ginawa niya kanina. Grabe ang mga galawan niya.
Hindi ba pwedeng, sa ibang lugar nila ‘yun gawin? Pwede namang tumanggi siya sa gusto ni kuya, bakit ginawa niya talaga iyon? Nagpa-empress ba siya sa lahat kung gaano siya kagaling humalik? Ganoon ba?.
Napakagago niya kung ganu’n. Gago siya! I hate him! Ayaw ko na sa kanya. Napakasama niyang tao! Ang hilig niyang magpahiya.
Para akong malulusaw kanina dahil sa mga kabulastugan niya, pati bibig walang pinagkaiba. Walang preno, sumusobra ang ugali niya na nakakainis masiyado!
"I hate you, Harris!" sigaw ko nang makapasok sa loob ng kwarto.
Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin na nasa sulok. Namumutla ang mukha at mga labi ko. Hindi pa rin makapaniwala.
Hanggang ngayon hindi mawala-wala sa isipan iyong nakitang halikan na ginawad ni Harris doon sa babae.
Pati si Sandara, hindi man lang nahiya. Gusto ko siyang sabunotan. Bakit hindi niya napigilan si Harris kanina? Babae siya dapat siya ang magdesisyon. Hindi ‘yung tinugonan niya pa talaga ang paghalik ng lalaki sa kanya? Ano? gusto niya rin ba?
Napatawa na lang ako sa isipan. Oo nga pala! Moonzarte na ang humalik sa kanya. Sino ba siya para pumigil. Gustong-gusto iyon ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Iyon lang yata ang hiling ng mga babaeng naka paligid kay Harris. Ang hawakan sila at halikan ‘tsaka pansinin sila nito.
Ngayon ko lang talaga napatunayan na dapat, lumayo-layo nga talaga ako sa grupo ni kuya. Dahil hindi ako nababagay sa ganoong cycle. Puro sila matatanda, marami ng alam. Hindi sila naglalaro ng pambatang gawain. They all act like a matured, childish games is out of their habbits.
At iyung inasta ko kanina, nagpapatunay lang na masyado pa talaga akong bata para makihalo sa kanila. That's too childish na mag-walk-out.
Kahit anong pilit kong makipag sabayan, hindi ko kaya. Siguro iyong pag- utos nila na halikan ni Harris ang babae sa harapan namin baka ‘yun talaga ang gawain nila. Ganyan sila magbiruan at magpikonan. Diyan sila sumaya. Pero sa akin, hindi ako nakaramdam ng saya. I felt betrayed.
"Jessy!"
Natigil ako sa pagkatulala sa kawalan dahil sa boses ni Oliver sa labas ng kwarto ko. Panay katok niya roon. Nakarinig pa ako nang ingay. Nag-uusap sila sa labas. Malamang hindi siya nag-iisa.
"Jess. We're sorry about what you saw. Ganoon lang talaga kami kami ‘pag nagdala ng panibagong babae bawat isa sa amin. Sinisigurado namin. Pero biruan lang ‘yun. We're sorry if we offended you.” Boses naman ‘yun ni Jordan.
Bumangon ako sa pagkakahiga. Hindi alam kung haharapin ba sila sa labas. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko kanina lang. Sinabayan pa nang sinabi niya ngayon.
Talaga ba? Biruan nila iyon? Bakit hindi ako natawa.
"O-Okay lang naman. Nagulat lang ako. Don't worry, I'm okay. Bumaba na kayo. Matulog lang ako.” Pinilit kung pinasigla ang boses.
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanila para kumbinsihin na okay lang sa akin ang naganap, na hindi ‘yun big deal sa akin. Nagmumukha kasi akung kontrabida sa kasiyahan nila kanina kaya hindi ko sila maharap.
Hindi ko naman kasi inaasahan na ganon ang maging reaksyon ko. Nagulat ako dahil harap-harapan talaga. Tapos first time ko pang makihalo sa kanila kaya naman laking paninibago sa akin ito.
"You don't look okay. Namutla ka kanina. Ayos ka lang ba talaga?" Si Jordan pa rin na halata talaga ang labis na pag-alala.
"Jess, pasensiya na talaga. Nakalimutan kasi namin na ngayon ka pa lang nakisali sa bonding naming magbabarkada. And we thought, that it's okay with you so..." Si Kallel na panay katok.
Huminga ako nang malalim para harapin sila. Hindi kasi sila aalis hangga't hindi ko sila makakausap ng harap-harapan.
Pagkabukas ko ng pintuan nandoon ang tatlo sa pinto. Nag-aabang sa pagbubukas ko. Hinarap nila ako ng mabuti nang makita ang mukha ko sa pintuan.
"Ano ba kayo. Okay lang ‘yun no, naiintindihan ko naman na ganoon talaga. Naging bastos ako kanina. Pasensiya na rin naputol tuloy ang kasiyahan niyo." Ngumiti ako ng malaki. "I'm good. Don't worry." Nag-approve ako.
Nakita kong nag-alala pa rin sila sa akin. "Nakakita na akong may naghahalikan. Hindi na ‘yun bago sa akin. Medyo ‘di lang talaga sanay. Don't worry next time. Makigulo na ako. For now, I need to sleep. Inaantok na talaga ako."
Sa likuran nila. Nakita ko ang pigura ni kuya Andrew na kakaakyat lang. Nawala ang ngisi ko. Siya ang dahilan kaya nag-iba ang mood ko bigla. Siya ang nag-utos kay Harris na halikan ang babae. Napakagago rin talaga ng kapatid ko!
"Sige na. Goodnight sa inyo. Mauuna na ako sa pagtulog." Mabilis kong sinarado ang pintuan ‘tsaka sumandal doon.
Narinig ko na kinausap sila ni kuya sandali bago ko narinig ang yapak ng tatlong lalaki paalis. Ilang sandali pa narinig ko na ang katok ni kuya.
"Little sis. I'm sorry,” sabi pa nito. "I'm such an asshole para ipakita iyon sa’yo. I thought Harri----"
"I'm fine kuya. Matulog na ako. No need for you to say sorry. Alam kung biruan niyo iyon,"
Hindi ko pa rin binuksan ang pinto baka pag nagawa ko siyang harapin baka supalpalin ko siya ng ka malditahan ko. I know this is too much, pero aaminin ko na hindi ko talaga nagustohan ‘yung kanina. So I will pretend right now, that It's alright. When it's not.
"Look... I was just teasing that asshole. Alam ko kasing hindi niya gagawin ang inutos ko pero kanina nagulat ako. That's the first time he made us shout in shock. Hindi namin inasahan na hahalikan niya talaga ang babae. Dahil noon pa man, he never did that infront of us. Ayaw niyang inuutosan. He's arrogant, Jess. Ngayon lang namin nakita siyang hindi kinakahiya ang mga babae niya.”
So ngayon nakita niyong sinunod niya ang utos niyo. Masaya na ba kayo!?
"It's okay kuya. I need to sleep. Inaantok na rin kasi ako." Huminga ako nang malalim. Sige lang, try to convince yourself that it's okay Jessy!
"Alright. Goodnight little sis. Aalis na rin sila ‘pag natapos na ito.”
Naglakad na siya palayo sa pintuan. Nang mawala ang yapak ng kapatid, agad akong nagtatakbo sa kama at doon humilata. Isang buntong hininga ang kumuwala sa akin bago ko pinikit ang mata.
Sayang ang pag-aayos ko. Nauwi lang sa wala. Nauwi lang din sa pang-iinsulto ni Harris. Bakit ba ayaw na ayaw niya sa akin? Kahit hindi niya sabihin iyon ng deretsahan pero ramdam kong ayaw niya talaga sa presensiya ko. Naiinis siya kapag nakita ako, lalo na't ‘pag nag-uusap kaming dalawa. He always irritated at me.
Pangalawang beses pa nga lang kaming nagkaharap pero ganito na ang impact sa akin. Hindi na ako makalma. Hindi na ako mapakali, how much more, kapag ipag patuloy ko pa ang kahibangan na ito.
Gusto kong umakto na hindi ko siya nakikita o napapansin ‘pag nandiyan lang siya sa paligid ko. Pero anong magagawa ko kung ako na mismo ang kusang naglalapit sa sarili ko para lang makuha ang atensyon niya. This is not right! I need to stop this. Ayaw kong magpaka-bitter sa kanya. Ayaw kong makompirma ito, dahil ngayon pa lang hindi ko na gusto ang kahinatnan.
Gusto kong isipin na masyado pa akong bata para sa ganyan pero sa kabilang banda naman, naiisip ko rin na sana mabilis akung tumanda para naman maging open minded na ako. Kasi ngayon pakiramdam ko, masyado pang hilaw ang isipan ko para pumasok sa kakaibang mundo ng mga hindi ko ka level na tao.
Nagdaan ang mga araw na hindi na ulit nag-imbita si kuya sa bahay namin ng mga kaibigan niya. Pero imbes na sumaya ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko, dahil takot akong makatagpo nanaman ng ganoong eksena, pero lalo lang lumungkot ang buhay ko sa loob ng bahay.
Nagsho-shopping ako paminsan-minsan para maibsan ang bagot pero hindi ko rin na enjoy dahil wala ang mga kaibigan ko na sasamahan ako lagi. Nakakaboring.
Wala akong ginawa kundi ang magmokmok na lang. Ayaw ko namang magtanong kay kuya kung kailan ulit niya iimbetahan ang mga kaibigan niya dahil baka iisipin niyang masyado na yata akong matanong tungkol doon.
"Kuya kailan balik nila, Mommy?" tanong ko sa hapag.
"Next week na. Nga pala gusto mong sumama sa amin? Island hop? Limang araw lang tayo. Hindi makakauwi sina Mommy at Daddy, nandito na tayo sa bahay."
Natigil ako sa pag-inom ng milk. ‘Yan ba iyong sinabi sa akin ni Jordan na pupunta silang Island? Sasama ba ako? Nakakatakot magdesisyon dahil baka malaman ito ng parents namin.
Nagpapasalamat na lang din ako kay Ante Cecelia na kasambahay namin dahil hindi siya nagsumbong kina Mommy. Naiintindihan niya kami. Kahit pa napupwerwisyo na siya sa amin, ay pinilit niya paring iniintindi ang pagpa-party ni kuya nitong nagdaan.
"Ayaw ko,” labas sa ilong kong sabi. I'm sure nandiyan si Harris at ang girlfriend niya.
I rolled my eyes.
Mas lalo akong natigilan. Ano ngayon sa’yo, Jessy? As if naman harang ka sa pag mamahalan nung dalawa. Huwag kang masyadong magpaka-bitter diyan. Huwag kang magpa-apektado sa lalaking Harris na ‘yun. Huwag kang magmokmok, ipakita mo sa kanya na balewala lang siya sa’yo.
"Sayang naman. Alam kung nababagot ka na sa bahay. Ayaw mo talagang sumama?" Ngisi niya.
Kinunotan ko siya ng noo."Saan ba kayo pupunta?"
"Bantayan Island little sis. Maganda ang beach doon." Ngisi niya pa rin.
"Pag-iisipan ko,” wala sa sarili kong sabi.
"Huwag mo nang pag-isipan. Sasama ka sa akin. Hindi ito makakarating kay Mommy at Daddy. So don't you worry."
Napangiwi pa ako sa ngisi niyang kakaiba. Bakit napaka-creepy niya masyado.
Tumahimik na lang ako at pinag-isipan ang desisyon. Sa Cebu ang destinasyon namin at malayo ang Bantayan Island. Ayaw kong sumama pero nababagot na talaga ako sa bahay. Maybe I should go.
God! Mukhang naimpluwensyahan na yata ako ni kuya. Dahil noon, ‘pag nalalaman ko na aalis siya ng malayo magagalit talaga ako, at mag-aalburoto dahil ayaw ko siyang umalis, baka mapagalitan pa siya ng parents namin. Pero heto ako ngayon, willing talagang sumama kahit saan basta nandiyan ang mga ka tropa niya.
Is it ironic? Ayaw ko sa cycle of friends niya pero heto ako. Masayang-masayang nag-aayos sa mga gamit na dadalhin ko papuntang Isla.
"Sure ka bang sasama ka talaga?" tanong ni Joyce habang pinapanood akong pinapasok ang mga damit ko sa maleta.
"Yes! Nandon naman si kuya,” maligalig kong saad.
"I thought, ayaw mong sumama sa mga matatandang kaibigan ng kuya mo? Bakit nagbago yata ang ihip ng hangin? Anyare sa’yo?" Si Marg naman ‘yun na tinawanan ko lang.
"Nakakabagot sa bahay so..." Hindi ko na dinugtongan dahil baka umusisa nanaman sila.
Madali lang ang video call na ‘yun dahil tinawag na ako ni kuya para bumababa dahil nandiyan na raw ang service Van na maghahatid papuntang airport.
"Ayos na ba lahat?" tanong ni kuya nang makababa ako. I simply nod.
"Sinong kasama natin sa Van?"
"Si Kasper, Oliver, Jordan, Nick, Alexis, Kallel at ‘yong mga girls?"
Wala si Harris!?
Napapikit ako dahil sa naisip na iyon. What the hell Jessy!Akala ko ba babalewalain mo ang lalaking yon. Bakit hanap ka pa rin ng hanap sa kanya?
"Yong iba saan?" kunot noong pag-usisa ko.
"Dalawang Van lang ang dala natin. Nasa kabila ang iba. Nasa atin kasi ang mga gamit kaya tayo-tayo lang sa loob... Let's go, ikaw na lang ang hinintay.”
Nalaglag ang panga ko. Mukhang natagalan yata ako sa pag-ayos ng gamit.
Nakasuot lang ako ng high waist shorts at isang sleeveless croptop na pinatungan ko ng cardigan. I am also, wearing a sandals, na bumagay lang din sa suot ko.
Inayos ko ang shades sa ulo bago ko tinulungan si kuya na ipasok ang maliit kung maleta sa likod ng Van.
Inaninag ko ang isa pang Van na nasa likod ko. Kaso masyadong tinted kaya hindi ko rin makita kung sinong kasama nila roon.
Nang maipasok ang maleta ko. Sabay kaming pumasok ni kuya sa family Van, na sa pagkakaalam ko, kina Harris ito, pati iyong isa.
"Dito ka, Jess,” sabi ni Jordan habang nilaanan ako ng upuan.
Yung driver namin ay si Kasper, katabi niya naman sa front seat si Coleen na nagngingiti sa akin.
Sa second row si Alexis, Brenalyn, Nick at si kuya. Sa pinakalikod kami ni Jordan, ako, si Kallel at Oliver. Nasa gitna ako ni Jordan at Oliver samantalang nasa binatana naman si Kallel.
"Whoo! Bantayan Island, here we come!" hiyaw ‘yun ni Kallel. Natawa na lang kami.
"I thought you're not coming?" tanong ni Oliver.
"Sinama ako ni kuya," sagot ko na lang
"That's good,” singit naman ni Jordan.
"Alis na tayo!" sigaw ni Kasper na mukhang hyper rin.
Masaya rin pa lang kasama ang ganito. Napapangiti na lang din ako dahil masyado silang maingay.
Hindi pa ako nakapunta ng ibang lugar kasama ang mga friends ko dahil na rin masyado pa kaming minor kaya bantay sarado. Ngayon pa lang ako dadayo sa ibang lugar, at kasama ko pa talaga sila kuya mag-beach.
Hays! Mas maganda sana kung magkapareho kami ng sasakyan ni Harris. Kahit meron ang girlfriend niya okay lang. At least nakikita ko siya.
Kamuntikan nang umikot ang mata ko sa kawalan. Anong klaseng pag-iisip kaya ang meron ako at gano’n talaga ang naiisip ko? Desperada na ba talaga ako dahil lang sa napakamasungit na lalaking ‘yun?
What's with me? What's with that man?
Saktong pagkatunog ng makina, nang may kumatok sa bintana namin. Sabay kaming napatingin sa taong seryoso ang mukha habang kaharap ang tinted windows ng upuan namin sa likuran.
Halos lumuwa ang mata ko nang masilayan ko ang kumatok sa may bandang bintana namin. Kahit sa shades na suot nito at isang itim na t-shirt. Parang malaglag na ang puso ko sa pagtibok.
"Si Moonzarte, pre, may sadya yata,” sabi ni Kallel na binuksan ang bintana sa gilid niya para makausap ang lalaking kahit naka kunot noo, ay nag-uumapaw pa rin ang kakaibang postura.
Bagay talaga sa kanya ang kahit na ano. Pati shades niya na sobrang itim, na napakabagay kahit saang anggulo.
His hair is messy, and he really look so masculine. Binababa niya ang suot na shades nang nagdahan-dahang bumababa ang bintana.
Hindi mo mabasa ang mga tingin niya, lalo na nung binuksan na talaga ng tuluyan ang bintana at agad sa akin dumerekta ang mga mata niya, bago sa tatlong katabi ko.
"Ano iyon pre? May kailangan kayo?" Si Jordan.
Walang mababakas na emosyon ang kanyang mata, ngunit halata ang panandalian iritasyon sa kanyang mukha nang magtagal ang mata niya sa akin.
"We need two person in our Van. Masaydo pang maluwag doon" His pitch, and grey eyes, is still blank looking at me.
"Okay nanaman kami rito, Harris. Hindi naman masikip. Okay na iyon. 'Di mo na kailangan----"
"You!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang tinuro niya ako. Nanlaki ang mata ko.
"A-Ako?" nagugulohan kong tanong.
"Come down," utos niya na ikatahimik ng lahat. "Now!"
Ilang beses akong kumurap. Hindi pa rin makapaniwala, na pinapansin niya ako ngayon.
"Maganda na ang pagkaka-upo ni Jessy dito, dre" singit ni Jordan.
"Faster, Jessy! Come your ass down on that seat!" madilim niyang utos. Binalewala ang sinabi ni Jordan.
"Per----” apila ko sana, kaso natigil dahil pinutol ni kuya Andrew.
"Sige na, Jess. Bumababa ka na, doon ka na sa kabila. Mukhang masikip na kayo riyan sa likuran."
"Pero kuya. I'm fine here!" Binalingan ko si Harris sa labas, na ngayon binuksan niya ang pintuan nang malaki. Masama ang tingin ko sa kanya pero tanging walang ganang tingin ang ginawad niya sa akin.
"Tss... Get out now, I don't have time. Waiting your complain,” masungit niyang wika.
"Ako na lang ang baba Harris. Sa Van niyo na lang ako sasakay," naka ngiting sabi ni Coleen. Napatingin ako sa kanya. Sunod kay Harris na hindi man lang binalingan ng tingin ang babaeng nag-alok.
"Oo nga si Coleen na lang,” sabi naman ni Jordan at Oliver at hinawakan ang dalawa braso ko.
Tumaas ang kilay niya ng sinundan niya ang kamay ng dalawa na naka hawak sa braso ko ngayon.
"I want, Jessy." Pagkasabi niya nun mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Binawi sa dalawang lalaki.
Senenyasan niya si Kallel na bumaba, para makapasok siya, na agad namang sinunod ng kausap. "Come here!" madilim niyang utos sa akin, na nagpakatanga sa aming lahat. Lalo na ako.
"Si Coleen na lang, pre," medyo naiiritang sabi ni Oliver. Nakaharang siya ngayon sa pagitan namin ni Harris.
"Yeah. Nandito naman ang kuya niya----"
"Then, Andrew will come too,” putol niya kay Jordan gamit ang mabagsik na boses. "Come on, little girl. Stop making me mad."
Wala na nga akong magawa nang mailabas niya ako sa Van. Sinirado niya ang pintuan nang pabagsak. Sumunod si kuya sa paglabas ng pintuan.
Napangiwi naman ako sa sakit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. Namumula iyon dahil sa higpit ng kapit niya. Para bang takot siyang makawala ako.
"Bitaw nga!" naiinis kong sabi ‘tsaka binawi ang braso na humahapdi. Kulang na lang mapasigaw ako sa sakit nun. "Ano bang problema mo! Puwede namang si Coleen iyong kuhanin mo. Bakit ako pa talaga. Magan---"
"Oh, shut up! Zip your mouth."
"Really? I will zip my mouth? I'm not a child, para utosan mo! So stop dictating me!" galit kong singhal.
What's his problem? Nakakabaliw talaga ang asta niya sa akin, hindi ko mawari kung naiirita ba siya sa akin o gusto niya lang maasar ako.