Napag alam kung kaya pala pumunta ang mga kaibigan ni kuya Andrew sa bahay namin dahil mag-basketball silang lahat doon sa malaking Gym dito sa Village namin.
Labing dalawa silang lalaki ang pumunta sa bahay namin. Hinihintay si kuya sa sala. Kaya naman halos mayanig ang bahay namin dahil sa sobrang ingay. Lalo pa't may tatlong babae rin silang kasama. Si Ella Torres lang ang kilala ko sa mga babae, samantala iyong dalawa pa. Hindi ko kilala. Iyong mga lalaki namang kaibigan ni kuya, kilala ko ang iilan sa kanila. Kaya naman nang matapos ako sa pagbibihis sa bathroom ng pool area namin. Binati nila ako ng makalabas galing sa pinanggalingan.
"Matagal-tagal na rin mula noong huling pagkikita natin, Jessy,”tawa ni Jordan nang makalapit sa akin. Pinapalibutan ako ng mga kakilala ko lang na ka tropa ni kuya.
‘Yung ibang lalaki na nasa sulok lang pasulyap-sulyap sa akin. Kausap din nila ang kasamahang mga babae. Sa sofa nandoon si Giovann Mercedez na tinanguan lang ako habang kausap nito ang Girlfriend na si Ella. Nakangiti namang kumuway sa akin ang Girlfriend ni Vann.
Nginitian ko sila isa-isa ‘tsaka hinarap si Jordan na panay kausap sa akin. Gustohin ko mang umalis para umakyat sa itaas hindi ko magawa, dahil pinapalibutan ako ng mga lalaki. Para bang close na close talaga sila sa akin. When in fact, hindi ko sila masyadong pinapansin. Kapag kasama sila ni kuya. Ngayon lang talaga.
Nakikita ko namang friendly sila masyado sa akin kapag nakita ako, ngunit ngayon ko lang napagtanto na grabe pala sila kong maka-react ‘pag nakita ako nang harap-harapan.
"Ngayon ko na lang ulit kayo nakikita,” ngiti ko sa kanila.
"Paano ba naman, sa tuwing nandito kami hindi ka lumalabas ng kwarto mo. Nakakatampo ka na, hindi naman kami nakakahawa. Wala kaming sakit para pagtaguan mo,” biro ni Kasper.
Inilingan ko na lang ito. "Busy lang ako minsan kaya hindi ako makakalabas ng room ko kapag nandiyan kayo.”
Gusto kong matawa sa sariling dahilan. Really huh? Halos ayaw ko nga sa mga kaibigan ni kuya dahil puro matatanda. Kaya nga kapag nandito sila sa bahay ayaw kong lumabas dahil nag-iinit ang ulo ko sa inis lalo pa't nagpaparty sila sa loob. I hate them, but now... I think dapat na akong masanay.
"Hindi eh, galit ka raw sa amin. Sabi ni Andrew. Pinagbabawalan mo siyang magdala ng kaibigan sa bahay niyo,”halakhak naman ‘yun ni Nick. Sumang-ayon naman ang iilang nakapalibot sa akin.
Agarang namula ang pisngi ko sa kahihiyan. Gusto kong sapakin si Andrew dahil nagsumbong pa talaga siya sa mga kasamahan niya dahil sa ugali ko. Well, that's true okay! Pero bakit pakiramdam ko ang sama-sama ko ngang kapatid dahil napaka-arte ko pagdating sa kanila.
"Ano ba kayo! Hindi ko ‘yun sinabi ah! Gusto ko pa ngang nandito kayo lagi." Pahapyaw akong ngumisi para naman maibsan ang pagkahiya sa kanila.
I didn't expect na masabi ko iyon sa kanila. I don't know if I am being such a liar o mapagkunwari lang talaga na okay lang ang lahat. Kahit na kasalungat iyon sa gusto ko ang lumabas sa bibig ko. I think noon iyon, ayaw kong nandito sila pero ngayon... Parang may nagtulak sa akin, na sana dito na lang sila parati.
"Talaga? Aba! Ayos ‘yan! Akala talaga namin ayaw mo sa amin. At naiingayan ka." Si Oliver naman iyon.
Umiling ako nang paulit-ulit. I was going to speak when I saw Harris, galing siya sa dinning area namin kung saan nandoon din ang kitchen. Nagtitigan kami sandali, umangat ang upper lips niya habang pinakatitigan itong mga lalaking pinapalibutan ako.
His face harden. He looks very mad nang makalabas siya galing pinanggalingan. Mas lalo lang lumalala ang pagkagalit ng pagmumukha niya nang makita ako. Para bang salot ako sa mga mata niya dahil naalala niya yata ang nangyari sa pool na nilabasan ko siya ng ka- malditahan kani-kanina lang. Napakadilim ng kanyang abong mata. Nakakapasong titigan.
I felt my heart race. And my legs turns jelly sa simpleng pagtitig ko lang sa kanya. I felt my stomach crumpled.
Nang maramdaman kong nag- iinit ang titig naming dalawa. Agaran akong nag- iwas nang tingin ‘tsaka nginitian ang mga lalaking patuloy akung kinakausap. Tinatanguan ko lang sila at para nang nabingi dahil sa kakaibang pintig ng damdamin.
Sinulyapan ko ulit si Harris nang makitang kung may nakasunod sa kanyang babae. Hinahabol siya at mukhang may pinag- aawayan ang dalawa. Lumabas sila ng bahay kaya naman nawala na sila sa paningin ko.
Kinagat ko ang labi para pakalmahin ang sarili. Hirap akong lumunok ng laway sa lalamunan lalo pa't napasulyap sa akin ang babae. Kahit nag nasusungit ang mukha nito pero nang makita ako umaaliwalas ang mukha niya.
"Harris...Wait!" tawag nito bago patakbong sinundan ang lalaking igting ang panga nang makita ako.
Anong ginagawa nila sa kusina namin? Sila lang bang dalawa ang nandoon? Bakit mukhang galit na galit iyong si Harris. What's the reason?
"Nag-aaway pre?" Ngisi iyon ng isang kasamahan nila na hindi ko kilala. Kinausap niya ang katabing lalaki.
And there! Nasagot rin ang tanong ko. Nag-aaway pala ang dalawa? Ang tanong? Bakit naman?.
"Siguro. Lagi naman iyong nag-aaway" Sabi rin nung isa habang sabay na sinundan ng tingin sina Harris.
"Nagseselos iyon pre. Kinakausap niyo kasi ang babaeng gusto niya" Isa pang komento ng lalaki na kasama nila sa sofa.
"Sino? Si Rianne? gusto niya iyon diba?" Si Kallel naman ang nagsalita, kaibigan rin ni kuya.
Buong atensyon ko nasa kanilang pag- uusap. Kahit pa may kausap din ako rito pero nagkukunwari akong nakikinig pa rin sa kanila Jordan, na nagtatawanan na dahil sa mga joke nila na hindi ko masyadong makuha. Sinasabayan ko na lang para hindi ako magmukhang awkward.
"Hindi, si Rianne ang may gusto sa kanya. Hindi ko pa yata nakita ‘yang si Harris na nagkaguusto sa isang babae. Kahit pansinin niya ang nagkakandarapa sa kanya hindi niya magawa iyan. He is damn unbreakable heartless man," sabi pa noong Chinito na pa iling-iling ng ulo. "Kaya niyang magpaluhod ng babae, walanghiya iyan," tawang-tawa na dugtong nito.
Namanhid ang pisngi ko dahil sa huling sinabi ng lalaki. Ganyan na ba talaga kalakas ang karisma ng Harris na ‘yun para magpaluhod ng babae? Napakadesperada naman ng mga babaeng iyon kung ganon. Hindi ba sila makapaghintay na ang lalaki na mismo ang lalapit sa kanila? Nakakababa ng dignidad ‘yan, tapos sa huli ire-reject lang sila ng lalaki.
That Harris is a damn asshole para gawin ‘yun sa mga babaeng nagkagusto sa kanya. Kahit naririnig ko lang bawat detalye sa kanya ngunit hindi ko maiwasang mas lalong umusisa sa totoong pagkatao ng Harris Moonzarte na ‘yan. Naiinis ako bigla sa mga babaeng umaaligid sa kanya.
Naalala ko pa ang pag-uusap namin sa pool kanina. He is so rude, nakakabawas iyon nang p*********i niya dahil sa sakit niyang magsalita dahil sa suot kong two piece.
He is straight to the point, walang preno-preno ang bibig. Hindi inalintana kung may nasaktan ba siya sa mga pinagsasabi niya o wala. Kahit saang angulo tignan kung nakakabawas ba iyon sa p*********i niya. But I didn't notice how unattractive he is. Bagkos he is like a good brother in my eyes, para siyang striktong nakakatandang kapatid sa akin habang iniinsulto ako kanina. Nagalit ako pero naisip ko rin na tama siya. Baliw na ba ako para isipin iyon?
"This coming sunday sama ka sa amin. Pupunta kaming Island para mag libang ngayong summer. Sama ka sa amin, Jessy?" Sabi ni Jordan sa kalagitnaan ng pag-uusap ng lahat.
Sakto namang bumababa na si kuya Andrew na kanina pa nila hinihintay kaya naman natuon ang pansin sa kanya. Minumura siya at tinatapon-taponan ng kung ano-anong biro. Dahilan para hindi na ako maksagot sa sinabi ni Jordan.
Pinakilala ako ni kuya sa ibang kasamahan nila lalo na sa mga babaeng kasama nila. On the second thought, apat silang babae na kasama nilang lahat. Mukhang manonood lang sila sa laro, kasama na iyong Rianne na sa pagkakaalam ko siya rin ‘yung katabi ni Harris no’n sa picture na nakita ko noong nagpa-party sila sa bahay nung nakaraan.
Pagkatapos akong ipakilala ni kuya umakyat na ako sa kwarto ko. Iniisip pa rin ang nakitang imahe na mukhang nag-aaway pa yata sa kusina namin.
"May girlfriend ba ‘yang si Harris?" tanong ko sa mga kaibigan ko sa video call, isang umaga.
Nagbe-breakfast si Joyce. Si Margie naman nag-gym sa kanilang bahay. Habang si Natasha nakahiga pa sa kanyang kama. Sabay nanaman silang natigilan tatlo dahil sa tanong na iyon galing sa bibig ko.
"Ba't mo natanong?"magkasalubong na tanong ni Natasha.
"Aminin mo nga attracted ka ba sa nakakatandang anak ng mga Moonzarte? Ba't interesado ka yata sa kanya. Nakaraang araw ka pa tanong nang tanong patungkol sa kanya,” makahulugang saad ni Joyce.
"I agree. Bakit mo natanong, babae? Interesado ka yata ng biglaan kay Harris? Nakita mo na ba siya in person?" seryosong tanong ni Marg.
Para akong lalagnatin sa mga tanong nila. Humalakhak ako para maibsan ang kaba na namuo sa akin.
Gusto ko na talagang supalpalin ang bibig dahil hindi talaga matigil sa pagtatanong nang kung ano-ano tungkol kay Harris. Nagtataka na tuloy itong mga kaibigan ko. This is new to them. Mostly si Abram ang laging bukang bibig ko sa kanila. Ngayon puro na ako Harris Moonzarte. Pati ako, ‘di ko na alam sa sarili ko ba't ganto.
Pati tuloy ako naiinis na sa pagiging mausisa sa pagkatao ng lalaking ‘yon. I don't know myself, nagmumukha na yata akong katawa-tawa ngayon. Biglaan na lang nagka-interest sa lalaking na sa picture ko lang nakita noong una. Hangga't sa makita ko siya sa dinning habang kumakain ako at pangalawang beses na kaming nag-uusap na kaming dalawa lang. God damn, Jessy! What happened to you!
Halos sakopin ng lalaking iyon ang isipan mo nitong nagdaang araw. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung para saan itong pagtatanong ko tungkol kay Harris.
"Wala noh, hindi pa kami nagkikita nung Harris. All I know he is a friend of my brother. I told you sa picture ko lang talaga siya nakita. Ba't naman ako magkaka-interest sa lalaking iyon" pag-deny ko pa sa kanila.
"Kung gano’n bakit siya ang bukang-bibig mo? Tinanong mo pa talaga kung may girlfriend na ‘yong tao, when in fact halata naman sa itsura nun,” masungit na sabi ni Natasha na ika-lunok ko.
"M-May girlfriend na si Harris?" hindi makapaniwalang tanong ko. Halata ang labis na pagkagulat.
Iyong Rianne kaya?
"Oo may girlfriend na ‘yun. Sa pagkakaalam ko papalit-palit iyon ng Girlfriend”.
"Are you sure na may Girlfriend siya, Natasha?" biglang irita kong tanong.
Ewan bigla akong nainis. Feeling ko tuloy nagsinungaling siya. Akala ko ba mailap sa babae ang lalaking iyon? Tapos ngayon malalaman kong papalit-palit siya ng babae.
"Naku! Pagmumukha pa lang nun, girl. Hindi iyon mauubosan ng babae. Nasa kanya na ang lahat, kaya malamang, ‘pag may aalis may maraming darating. Maraming uhaw sa mga Moonzarte Brothers. Lalo na sa kanya. Para silang virus, mabilis makakuha ng delobyo. Babae na ang lumalapit," iling ni Marg.
Dahil sa pag-uusap na iyon. Mas nagpursige pa ako na balewalain na lamang si Harris. Mukhang may girlfriend nga siya. Hindi lang ‘yung Rianne pero mukhang may pagka-playboy siya dahil sa dami ng Girlfriend. Sino ba ang hindi magkakandarapa sa ganoong mukha. He is in the right age to have a many girlfriend. And I make sure na magkasing-edad niya lang ang hanap niya. Hindi katulad ko, bata.
Nagbuntong hininga ako. What now! Bakit problemadong-problemado ako bigla dahil sa naiisip. Hindi naman ako bata, I'm on my legal age, pero tingin sa akin nung Harris na iyun, bata pa rin ako.
Ginulo ko ang buhok nang makarinig nanaman ako ng mga sasakyan na papasok sa bahay namin. Kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis na rin sa hapong iyon.
Nakasuot ako ng kulay pink dress na in-order ko pa talaga galing sa online. I have many dresses pero nakita kung nagmumukha akung musmosing bata sa mga damit ko. Kaya naman nag-order ako, wala na rin kasi akong time na mag-mall.
Kung noon, pinabayaan ko na lang iyong mga sasakyan na papasok sa garahe namin, ngayon naman halos magtatalon ako sa saya habang sinisilip ang mga mamahaling sasakyan sa labas ng bahay namin at garahe.
Confident akong nanood sa kanilang lahat na palabas ng kotse. Hindi naman kasi ako makikita sa labasan dahil tinted window itong kwarto ko.
As usual sila pa rin ang dumating. Kahit galing sa pool naririnig ko na ang sigawan ng iilang kaibigan ni kuya Andrew na dumating, pati ang ingay ng sound system na nasa ibaba.
Nang makalabas sila, nag-apiran ang lahat. Sinuyod ko ang labasan at kahit maski anino ni Harris. Hindi ko mahagilap. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili. Nagbibihis pa naman ako ngayon ng magandang damit. Tapos...
"Kanina pa kaya siya dumating? Nasa ibaba na kaya siya? Nasa pool?" hindi magkamuwang-muwang na tanong ko sa sarili.
Nagkibit balikat ako. Biglang nabuhayan ng loob. Mabilis akong naglagay ng lipstick sa labi, na for the first time ngayon ko lang ginawa. Hindi naman kasi ako naglalagay ng ganito. Feeling ko kasi wala namang magbabago kapag naglagay ako.
Pero kahapon, habang nakikita ko ang pulang lipstick sa labi ni Rianne nang lumabas sila ni Harris galing kusina, para akong nanliit sa kakaibang ganda niya. Maputi siya at natural ang kanyang kutis. Maganda din siya manamit. Bagay na bagay sa kanya ang lahat ng porma na suot. I don't admire her, but I like her style. He looks very matured. Kaya heto, ginaya ko siya ng pananamit. He is wearing heels yesterday pero nasa bahay lang naman ako. Baka magtaka si kuya kung magsusuot ako ng gano'n.
Ang hilig pa naman nun na asarin ako at ilalagay ako sa hotseat. Mabilis din iyun makahalata kaya naman nang makababa pa lang ako at tanaw niya ako sa hagdanan nalaglag agad ang panga niya. Narinig ko naman ang whisle nang mga kaibigan niya na kakapasok lang ng bahay.
"Where are you going, Jessy? " kunot noong tanong ng kapatid ko. "May lakad ka ngayon?"
I don't how to answer him, kaya nagkibit balikat na lang ako ‘tsaka kinausap ang mga friends niya para hindi siya makasingit. Dito lang ako sa bahay pero nahihiya akong aminin iyon sa daming kaibigan niya na nakikinig.
"Mabuti at dumating kayo rito? Mag-party nanaman ba kayo?" Maligalig kong tanong. Pinalibutan nila ako kagaya kahapon. ‘Yong ibang lalaki, tinanguan ako ‘tsaka binati bago dumeretso sa pool area kung saan nandon ang handaan ng pagkain.
"Nagyaya itong si Andrew! Sino ba kami para tumanggi, gusto rin namin magsaya dahil summer" Si Jordan ‘yun.
"Ganon ba. Enjoy lang kayo ah!" Naka ngiti pa rin ako.
Ramdam ko na ang tumutusok na titig ni kuya Andrew sa akin kaya naman binalingan ko siya. May kausap siyang isa sa mga kaibigan niya. Napailing siya at seryosong sinuyod ang kabuoan ko. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala sa anyo ko.
"Ang ganda mo pala, Jessy!" Ngisi ni Oliver habang panay whisle na sinita pa ni kuya Andrew dahil hindi nagustohan. Pinuri rin ako ng lahat.
"Uh...Thanks," tanging sabi ko sa kanila.
"Ngayon lang talaga kitang nakita na masyadong maayos. I mean you’re always representable the way you handle your self. Pero ngayon, nag iba eh. You look trying to be mature" Si Jordan nang may nahalata sa akin.
Nanlaki ang mata ko.
"What? Ganito naman talaga ako lagi. Minsan niyo lang kasi ako makita sa bahay kaya ganon," hindi magkamuwang-muwang kong paliwanag.
"Hmmm. I see.” Ngumisi si Jordan. "But you look stunning by the way. Mas lalo kang gumanda" Kindat nito na ika- hiyaw ng iilan.
"Jessy, Come here," Si kuya Andrew iyon.
Nagpaalam ako sa kanila para lapitan ang kapatid ko na hindi mapakali kanina pa magmula ng makababa ako kanina.