Naglakad ako papunta sa kabilang Van. Hindi na maechura ang mukha ko. Naka nguso akong sumakay sa loob. Binati nila ako nang makapasok. Nginitian ko silang lahat nang pilit.
Hindi na mawala-wala ang pagiging badtrip ko sa mga pinapakitang trato ng lalaking 'yun.
Masiyado siyang bilib sa sarili niya, akala niya naman mapa-Oo niya lahat ng tao?
"Sa likod kayo, Jessy,” sabi ni Anton. Puno na sila roon sa first row at second row. Sa pinaka likod, walang umupo roon.
"Okay,” malumanay kong sabi bago sinirado ang pintuan ng sasakyan.
Pumunta ako sa likuran. Naramdaman ko ang presensiya ni Harris sa likod ko, kaya naman hindi na ako magkamuwang-muwang, 'di ko mawari kong galit ba ako sa kanya o ano?
May parte sa akin na nagalit sa asta niya kanina. May parte rin sa sarili ko na masaya, dahil mukhang magkatabi kami sa upuan. Kakaisip ko pa lang kanina na sana magkapareho kami ng Van. Tapos ngayon, kasama ko pa talaga siya sa buong byahe. Hindi ko ipagkakailang, mukhang nababaliw na nga talaga ako ngayon.
Kanina lang ayaw ko pang lumabas sa kabilang Van, tapos ngayon nakaramdam agad ako ng kakaibang saya habang papasok sa loob ng sasakyan. Pumunta ako sa pinakagilid ng bintana para tanawin ang labasan.
Tumuwid ako sa pagkaka-upo nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Medyo nasagi niya ang braso ko dahilan nang ika-lunok ko ng wala sa oras.
Galit ka, Jess! Sigawan mo pa siya! Pero hindi na ako makapag salita.
Pumintig din ng ilang ulit ang dibdib ko dahil sa lapit naming dalawa. Sumakay na rin si kuya kaya naman kaming tatlo na ngayon ang nasa likuran naka-upo.
"Akala ko ba ayaw mo nang may katabi, Harris?" patuyang saad ni kuya Andrew. "Nag- iisa ka lang naman sa likuran sa tuwing umalis tayo," iling nito.
Natigilan ako sa tanong na ‘yun nang nakakatandang kapatid ko.
Sinandal ko ang ulo sa glass ng binata at nakinig na lang sa usapan ng dalawa. Okupado na ang isip ko sa magkadikit na braso namin ni Harris. Para akong napapaso, gusto kung ilayo ang braso ko kaso mas gusto ko yata na ganito kami.
"I didn't say that," malamig niyang sabi. Umayos siya sa pagkaka-upo ‘tsaka tumikhim.
Gumalaw siya sa kinauupuan niya at medyo lumayo sa akin. Dahilan para lumayo ang braso niya sa akin. Napatingin ako sa kanya, at sa braso niya. Laking igtad ko nang makitang, nakatitig siya sa akin gamit ang grey niyang mata na akala mo kakainin ka dahil sa lalim ng titig niya lagi, sa tuwing nasasagupa ko.
"Hindi ba? Wala kasi ang girlfriend mo kaya naghahanap ka ng katabi,” biro pa ni kuya.
Binalik ko ang mata sa bintana at biglang tumabang ang naramdaman. ‘Yan ba ang dahilan? Saan ba ang girlfriend niya?
"Shut your bulls, Mejares!" mabagsik niyang sita.
Tama nga si kuya? Bakit mukhang galit pa yata siya riyan. Totoo naman talaga na mukhang ako na lang ang pinalit niya sa pagtabi kasi wala ang girlfriend niya.
"Tulog na muna ako gisingin niyo ako pag nasa airport na tayo." Nasulyapan kong nagtakip na ng mukha si kuya Andrew gamit ang suot niyang cap sa ulo at nag nasuot ng headset.
Tumahimik na ang lahat. Busy rin ang nasa harapan namin sa kapanood ng movie at paglalaro ng online games. Naka headset din sila kaya naman halos mahimatay na ako sa lakas ng pintig ng puso ko.
Bakit masyado naman yatang masikip dito. Mas malaki naman ang Van na ito kesa doon sa kabila. Bakit doon sa sinakyan ko noong una, apat kami sa likuran pero comportable ako. Bakit dito halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng naramdaman.
"You must sleep, little girl,” biglang bulong niya sa may bandang tenga ko.
Uminit agad ang ulo ko dahil sa tawag niya.
little girl?
Nanaliksik ang mata ko nang bumaling sa kanya.
"What the hell. What did you just called me? little girl? Don't call me that, Mister! I told you, I'm not a child!" pigil na pigil kong sigaw nang mariin, tama lang na marinig niya.
Huminga siya ng ilang sandali bago sinulyapan ang harapan. Umigting ang panga niya. Bago ko pa mabalingan ng tingin ang mga kasamahan namin sa pinaka unahan. Mabilis niyang tinakip ang maliit na kurtina sa pagitan nung upuan. Kaya wala na kaming view sa harapan.
"I don't do baby fight. Sit there and stop yelling, " he said using his baritone pitch.
"Iniinsulto mo ba ako? Hindi ako nakikipag-away. I'm just telling----"
"No need for you to tell me what's the best thing to do. You're still a child. Anong masama do’n kung tatawagin kitang little girl? You're still a little spoiled brat,” madilim niyang wika. Pinikit niya ang mata ng ilang sandali.
"Hindi ako spoiled br----"
"Will you shut up your mouth, please. I don't do fights with you. Hindi ako pumapatol ng away bata.”
Natahimik naman ako dahil sa pagalit niyang boses. Nang bumukas ang mata niya, isa iyong nakakalasing na titig ang sumalobong sa akin. Ang kanyang grey na mata ay halos lamunin na ako nun.
"Sana pinapunta mo ang girlfriend mo para may katabi ka rito. Hindi iyong manghila ka pa ng tao para may katabi ka sa Van!" mariin kong banggit. Hindi pa rin mapigilan ang bibig na mainis. Mahina lang yon, sakto lang din na marinig niya ng buo. "Look at my arm!"
Pinakita ko ang braso na namula. Tiningnan niya naman ‘yon gamit ang walang emosyong pagmumukha.
Hindi siya nagsasalita. Nagtitigan ulit kami ng ilang segundo. Bago ako nag-iwas ng tingin.
Naramdaman kong medyo lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang braso ko na medyo humahapdi at namumula dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin kanina.
"Is it hurt?" malumanay niyang tanong. Seryoso ang kanyang mga matang sinusuri ang braso kong nagmamarka ng daliri niya.
"Tingin mo! " masungit kong saad, sabay bawi ng braso ko kaso hindi niya pinakawalan. Humigpit ang kapit niya roon pero niluwagan din agad nang napangiwi ako. "Napaka sadista mong lalaki! Ang sakit niyan!”
Bayolente siyang huminga nang malalim sa tabi ko. Pinisil ang braso ko nang mas maingat.
"This is what you get, if you didn't listen right away.”
Natanga ako don. Gusto ko siyang palakpakan. Kahit kailan talaga eh, no? Kahit na siya ang may kasalanan kaya namumula ang braso ko dahil sa higpit nang hawak niya tapos parang sinisisi niya pa ako kung bakit nagkaroon ako ng marka.
"Eh sa gusto ko naman talaga doon, eh. Namimilit ka masyado na dito ako sumakay. Nandiyan naman si Coleen! Sana siya na lang ang pinasakay mo!"
Umangat ang tingin niya sa akin. Nakitaan ko agad siya ng pagkadilim sa mga mata niya. Mariin niya ding tikom ang bibig.
"Gusto mo talagang tumabi sa tatlong lalaki na ‘yon? " His face harden
"Ano ngayon? " Pagmamayabang ko kahit na hindi naman talaga totoo. Aaminin ko na mas gusto ko rito kesa doon sa kabila. Pero ayaw kong ipakita sa kanya na gusto ko nga dito sa tabi niya.
"Mas maganda doon. Dahil hindi ako sinasaktan. Hindi katulad mo, kulang na lang pa dugo-in mo itong braso ko!" galit ko pa ring saad.
Tumahimik siya ng ilang sandali. Nakipag kompetensiayahan ako sa kanya ng titig. Akala mo ikaw ang mananalo ngayon?
No way!
Tingnan natin kung hangga't kailan yang pag titimpi mo Harris Moonzarte.
"’Yang bibig mo" mariin niyang banggit habang nilalapit niya ang mukha sa akin.
Inatras ko naman ang ulo ko para hindi kami masyadong magkalapit. Nakakatameme kasi ang mga titig niya ngayon. Nawawalan ako ng sasabihin.
"A-Anong meron sa bibig ko, ha? Naiingayan ka! Ikaw naman kasi ang nagsimula nang lahat----"
“Shh… I said you’re mouth,” he said seductively.
“Why? What is your proble----”
"Yang bibig mo... kaya ko ring pa dugo-in ‘yan, pag hindi ka pa tatahimik diyan. Try me, little girl.”
Tumingin siya sa labi ko pataas sa mata kong natuliro.
"Try me." Ulit niya bago siya lumayo sa akin. “Don't pull the trigger inside in me. You won’t like it.”