Chapter 9: Protected

2239 Words
Para sa akin gusto ko na lang walang katapusang byahe na lang iyon. Kahit pa hindi ako mapakali habang katabi si Harris ngayon sa upuan. Panay ang lunok ko habang pinakiramdaman siya sa tabi ko na gumagamit ng cellphone. Gusto ko sanang sumilip kaso baka mapagalitan nanaman ako ng bibig niyang napaka sakit magsalita. Hindi mawala sa sistema ko iyong sinabi niya kanina. Pilit kung iniintindi kung may humor ba, pero wala akong maramdaman. Plain niya lang na sinabi sa akin ng harap-harapan. Panay ang kabog ng dibdib ko sa byahe papuntang airport. Gustohin ko mang makinig ng music hindi ko magawa dahil hindi ko dala ang earphone ko. Nakita ko namang may dalang headphone si Harris sa kanyang leeg. Hindi niya ginagamit. Gustohin ko mang hiramin iyon, hindi na lang ako nagsasalita.Takot ko lang talaga sa kanya. Ilang sandali pa. Nakatulog ako sa upuan. Nagising na lang nang may tumapik sa braso ko. "Hey...Wake up." Sobrang lamig ng boses na 'yon sa pandinig ko. Ngunit may rahan. Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit. Pumikit pa lalo ako at niyakap ang matigas na bagay. Naramdaman ko rin na parang may naamoy akong mabango. Sobrang bango talaga. Suminghot ako at mas lalong inamoy ang pabango. Inawang ko ang bibig ng lumapat iyon sa mainit ngunit malambot na bagay. "D-Damn! My neck," I heard someone said that. "You smell my goddamn neck. Please wake up, little girl." Tinapik ako nung nagsalita. "Hmm..." "We're here," bulong niya. "Wake up now. Stop kissing my f*****g neck!" Dinilat ko ang mata ko. Halos lamunin ako ng kahihiyan nang mapagtanto kong nasa leegan ako ni Harris naka sandal, at panay ang amoy ko roon. Hindi ko ipagkakailang ang bango niya at nakakahiya dahil nakayakap pa ang kamay ko sa braso niya habang tulog. Mukhang iyong malambot na nahalikan ko kanina, leeg niya iyon. I kiss him in the neck, and he is so angry right now! Mabilis akong lumayo 'tsaka tumikhim. Sobrang pula na siguro ng mukha ko. Ilang minuto ba akong nakatulog sa balikat niya. Matagal ba masyado? Gusto kong lamunin sa kahihiyan. You're so stupid,Jessy! "S-Sorry," hindi mapakali kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya. Sinulyapan ko lang siya sandali pero nang magkatagpo ang mata namin para akong napaso sa mga tingin niya, dahil siya na walang ka-reaksyon sa pagtulog ko, sa balikat niya, samantalang hindi naman makatingin ang mata ko sa kanya. "Kanina pa nangangalay ang leeg ko. You have a heavy head. And you kiss my neck?" Nanlaki ang mata ko lalo na't dumaan sa kanya ang iritasyon, tila hindi nagustohan iyong posisyon ko kanina sa balikat niya. "I didn't kiss your neck. Hindi ko iyon sinadya. I sleep and I didn't know," depensa ko. "Tss. You have your salive, little girl." Namula agad ako. Mabilis kong pinahid ang pisngi ko, mas lalong nilamon ng kahihiyan dahil sa saad niya. "W-Wala naman," hindi makatingin kong apila. Wala akong nakapang basa sa pisngi ko. Isa pa, hindi ako tulo laway kong matulog. Kahit confident ako na ganon nga, hindi pa rin ako mapakali. "Why, I felt wet in my neck then?" Nagtaas siya ng kilay. Hindi ko akalain na masyado siyang maarte. Tiningnan ko ang leeg niyang may marka ng labi ko.That's my lipgloss! "Ewan! Hindi ko alam! Basta hindi ko iyon saliva. Kahit check mo pa ang pisngi ko," mangiyak-ngiyak kong sabi dahil sa kahihiyan. Hindi ko na alam kung paano depensahan ang sarili para lang manalo sa bangayan na ito, na alam kong mauuwi lang din sa pang-iinsulto niya. "You kiss my neck earlier. Is that your saliva right?" "N-No!.." Gusto kong sabihin sa kanya na lipgloss ko ang dumikit sa leeg niya, pero dahil mukhang iinsultohin nanaman niya ako itinikom ko na lang ng maigi ang bibig. "Wipe this wet thing in my neck?" Tinuro niya ang leeg ko. Mabagsik ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Now!" Kulang na lang sumigaw ako sa gulat dahil sa sindak niyang boses. Sakto namang huminto na ang family Van hudyat na nasa airport na kami. Gumising na rin si kuya sa tabi niya kaya mas lalong hindi ako maka-imik. I want to wipe my lipgloss on his neck na nagmarka pa talaga ng labi ko roon. Kaso wala akong dalang tissue, nasa maleta ko iyon. "Jess? Ba't namumutla ka?" tanong ni kuya Andrew akin. Namumula ang mata niya dahil kakagising lang . Pabalik-balik ang titig niya sa akin at sa katabi niyang lalaki na hindi ako tinantanan sa pagtitig, hanggang ngayon, dahil gusto niya talagang mawala ang basang naka marka sa leeg niya. "I'm fine,kuya. Ahm...may tissue ka?" mahinang tanong ko, medyo kabado. Magsasalita na sana si kuya Andrew nang sumingit iyong nasa harapan namin. Winaklis nila ang kurtina na naka takip sa amin dito sa likod para matingnan kami. "Nandito na tayo, pre!" sabi iyon ni Jevy. Binalingan niya ako. "Jess, we're here". Tinanguan lang siya namin ni kuya. Bumalik sa pagtakip ang kurtina nang bumaba na si Jevy kasama ang iba pang kasama. Tanging natira sa Van. Kaming tatlo na lang na nasa likod. "Aanhin mo ang tissue,Jessy?" Si kuya, halata ang pagtataka. Tiningnan ko si Harris na hanggang ngayon iritado pa rin. Bubuksan ko na sana ang bibig ngunit nakita ko ang pag-iling ni Harris sa akin, tila hindi talaga nagustohan ang ginawa kong pagsandal sa kanyang balikat kanina, dahil sa natamong lipgloss na dumikit sa leeg niya. "Nevermind. Just do it later," he said, then he went out. Iritado pa rin talaga. Napakagat labi na lamang ako. Bakit ang arte masyado ng lalaking iyon? Hindi ko naman sinasadya na ganon ang mangyayari sa leeg niya. Nagsisi pa tuloy ako kung bakit naka tulog ako sa byahe. "Bakit galit na galit 'yon?are you two fighting?" tanong ni kuya Andrew. Umiling ako ng ilang ulit. "No! Tara na kuya!" Ngumiti ako ng pilit pagkatapos lumabas na. Sumunod naman siya sa akin. Nagsilabasan na rin sila Jordan sa Van. Dala niya ang maleta ko nang makalapit siya sa akin. "Thanks." Kinuha ko ang maliit na maleta sa kanyang pagkakahawak. Hinanap ng mata ko si Harris kaso hindi ko na siya mahagilap dahil sa dami namin na nasa parking lot ng airport. "Sayang hindi ka sa amin naka sakay." Halakhak niya. Nilapitan ako nila Kasper at Oliver, kinausap ako sandali. Nakipag kulitan, at sinabayan ko na lang din. Habang naka ngiti sa pakikinig ng buong ride nila, na puro lang daw hiyawan at asaran, kwento pa ni Oliver. Biglang lumitaw si Harris na may katawagan sa cellphone niya. Kumunot ang noo niya habang tiningnan ako pagkatapos binaba ang tawag, at kinausap ang isa pang lalaki na magkamukha niya. Ang kaibahan lang palangiti ang kausap niya. Matangkad si Harris at palaging madilim ang aura. Samantalang ang kausap niya maaliwalas ang pag mumukha. Naka ngisi na akala mo may binabalak, at may tinatago sa kanyang ngising pinapakita sa lahat. He is handsome, yet mysterious just like Harris. "Kuya Andrew, hindi ko nakita na kasama natin iyang kasama ni Harris sa Van.Sino siya?" Nasa unahan namin ang dalawang tinutukoy ko. May binubulong iyong magkasing ka mukha ni Harris sa kausap niya tapos tumawa nanaman. Habang minura naman ng english ang kausap. "Si Rohan iyan, kapatid niya rin. Pang pito sa magkapatid ng Moonzarte Brothers. Naka sunod lang siya sa Van natin, sakay ang sports car niya. Sasama siya sa atin sa Cebu." Tiningnan ko ulit iyong Rohan. He is dangerous. Iyan ang nakikita ko sa mga mata niya. Kung si Harris puro kadiliman ang nakikita ko sa mukha niya kahit sa labas at loob na anyo.Masyado siyang delikado sa paningin ko. Unlike his brother. Makikita mo talaga ang kabaitan nito pero may tinatagong kadiliman sa kaloob-looban. Puno ng alahas ang kamay niya. Nag kikislapang relo, singsing, may black earings siya sa bandang tenga. He is a materalistic man base on his appearance. Habang nilalakad namin ang airport doon ko lang napagtanto na hindi basta-basta itong mga kasama ko. Pinagtitinginan kami ng lahat. May iba na kinukuhanan pa kami ng litrato. Nagbubulongan at ngingiti pa ang iba. Para silang mga artista dahil nagtatalon sa kilig ang mga babaeng nakakita sa mga kasama ko. "Pogi pa picture!" Hindi napigilan ng iilan na lumapit para magpa-picture nga. Tumigil ang iilang lalaki para magpa picture nga don sa mga babaeng gusto silang kunan. Napansin kong may tatlong babaeng nag si lapitan kay Harris para magpa-picture sa kanila. Lumapit ako ng ka-onti para marinig ang pinag-usapan nila. "We're not celebrities. For f**k sake! Get your filthy cameras in my face," pagalit niyang sabi. Siniko ko siya para patigilin sa bibig niya. Kahit kailan ang sungit talaga. "Ako na ang kukuha ng pictures sa inyo," alok ko na ika-lingon ni Harris sa akin. Alam kong kanina pa siya naiirita sa presensiya ko. Ayaw ko namang magmukha siyang bastos sa paningin ng iba. Nginitian ko na lang siya at saka kinuha na ang tatlong cellphone ng mga teenager na ka-edad ko lang. "Smile," saad ko habang naka ngiti sa pagkuha sa kanila. Pinagitnaan nila si Harris na naka simangot ang mukha. Natetense tuloy na lumapit iyong tatlong babae sa kanya. "Dumikit pa kayong tatlo kay Harris!" utos ko. Sinunod naman ng tatlo ang inutos ko. Hindi ko maiwasang matawa sa mukha ng lalaki na nasa gitna nila. Busangot ang mukha at 'di maipinta. Kunot rin ang noo at mukhang galit. Palagi naman! "Thank you po!" masayang sabi ng tatlo nang maibalik ko ang cellphone nila. tiningnan nila ang kuha ko. "Kahit hindi naka ngiti si kuya pero ang astig niya," komento ng isa habang paalis na ang tatlong babae. "Napaka gwapo pa!" sang-ayon nang kasama niya. Lumayo na ako kay Harris dahil papalapit na siya sa akin. Alam kong iinsultohin nanaman ako ng demonyo na ito. Nag lakad ako pabalik sa puwesto ko kanina ngunit laking pagkatigil sa paa ko nang may humarang na dalawang matatangkad na lalaki sa dinaraanan ko. "Miss, napaka ganda mo naman. Pwede pa picture." Chinito ang dalawa at matikas ang tindig, ka edad ko lang din kaya kapag ipag tapat sila kay Harris. Walang-wala ang dalawang ito. "Sure," naka ngiti kong sabi. Kinuha nila ang cellphone nila. Ngunit bago pa ako makunan kasama sila may humila na sa kamay ko palayo sa mga lalaking iyon. Pagtingin ko sa humila sa akin si Harris pala, na mas lalo lang naging iritado ang tingin sa akin. "We're not yet done!" sabi pa nito gamit ang nakakatakot na boses. Siya na rin ang humila sa maleta ko. "Don't turn your back at me!" Nasa unahan na rin ang mga kasama namin, nagpatuloy na sa paglalakad. Naka sunod naman ang kapatid niya sa amin. Natatawa pa sa gulat kong echura, dahil sa paraan ng paghila ng kapatid niya sakin. "Kuya hindi ganyan ang paghawak ng babae," maloko niyang sabi sa nakakatandang kapatid. Naagaw ang mga mata ko kay Rohan na mukhang tuwang-tuwa talaga sa busangot na mukha ng kuya niya. Nginitian ko siya ng pilit para maibsan ang kahihiyan. Ngumisi pa ulit siya 'tsaka umiling. "Don't look at him, little girl" Pilit niyang hinarap ang mukha ko na natuon sa kapatid niyang pa iling pa rin ng ulo habang naka sunod sa amin sa likuran. "Dahan-dahan sa paghila kuya Harris, hindi ko 'yan aagawin!" natatawang sabi ng kapatid niya. "f**k off bulls head! Not a fvcking funny joke!" Mas hinila pa ako lalo ni Harris palayo sa kapatid niyang nagpipigil ng tumawa. Hindi ko man lang siya maawat sa pagkaladkad sa akin. Natanaw kami ni kuya Andrew at agad kumunot ang noo niya ngan makitang hawak ako sa braso ng kaibigan niya. Pati sila Jordan napatingin rin sa gawi namin.Nag tatanong kung bakit galit na galit ang kasama nila habang mariin ang pagkakahila sa akin. "Bantayan mo yang kapatid mo. She's too young, para lumandi." Para akong laruan na pinag pasahan. Itinabi niya ako kay kuya na ngayon mukhang hindi nagustohan ang sinabi ni Harris. "What did you just say dude?" "Your sister-----" "Shut up, Harris!" pagalit kong sigaw na ikatigil niya. Pumagitna na ako dahil nagkaroon na ng tensyon ang dalawa. Hinila ko si kuya Andrew palayo. Ang ayaw niya talaga iyong binabastos ako. Lumandi? Really,huh? Saang parte ako lumandi do'n? Kahit kailan talaga napaka rude niya masyado. Walang pinipiling lugar kung anong ibubulgar niyang salita. "Ano bang ginawa mo,Jessy? Bakit tinawag ka niyang malandi?Do you think hahayaan ko lang na tawagin ka niya ng ganon. Kahit kaibigan ko siya kaya kong basagin pagmumukha nun? Kanina ka pa niya pinag- iinitan ah!" Galit pa rin siya kahit nasa loob na kami ng airplane. Magkatabi kami ng upuan.Tapos nasa may 'di kalayuan naman umupo si Harris at ang kapatid niya kaya hindi niya kami maririnig. "Wala naman kuya. May mga lalaki lang na nagpa-picture sa akin tapos akala niya nakipag landian ako sa kanila. Huwag ka ng magalit kay Harris. He treat me like a sister kaya ganon na lang ang reaction niya. Kagaya mo, diba ayaw mo akong mapalapit sa mga lalaki. Same as Harris" Pampakalma ko. "Pag nalaman kung binabastos ka ng lalak----" "Harris protected me!" Nagulat siya sa sigaw ko. Bumuntong hininga siya at hindi na nagsalita. Hindi na rin siya nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD