Malapit na sumikat ang araw nang marating namin ang paanan nitong tinatawag nilang Giant Hill. Matiwasay kaming nakalabas sa gubat ng walang mga nilalang na nakakasalubong maliban sa mababangis na hayop, na wala namang ginawang masama sa amin. Napapatingalang pinagmasdan ko ang tuktok ng bundok na ngayon ay aakyatin namin. Hindi pa kami nagsisimulang umakyat pero pakiramdam ko ay pagod na pagod na agad ako. “Pwede bang balikan n'yo na lang ako rito? Hintayin ko na lang kayong makabalik,” ani Asher at pagkatapos ay umupo sa lupa habang nakatingala rin sa bundok. “Nahihilo na agad ako hindi pa man tayo nakakaakyat,” dagdag naman ni Ethan at tumabi kay Asher. Naiintindihan ko ang nararamdaman nila dahil literal na higanteng bundok talaga ang nasa harapan namin ngayon. Kung pagsas