Naguguluhan pa rin ako kung paano nangyari na naiintindihan ko sila, subalit desidido ako na bumaba at makipag-usap. Baka sakaling may magawa ako para mapadali ang pagbaba namin ng bundok. I looked at the man beside me. I want to tell him my decision. I was about to speak when I heard someone shouted.“Oh, f-ck!” Napalingon ako sa kung sino man iyon ngunit ang mas nakakuha ng aking atensyon ay ang palaso na ngayon ay papunta sa direksyon ng gintong ahas. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumalon pababa at saluhin iyon bago pa tumama sa ahas. Narinig ko pa ang sabay-sabay na pagsigaw nila sa pangalan ko ngunit wala akong oras para pansinin iyon. Nakatayo ako ngayon sa harap ng mga dambuhalang ahas na ito at lahat ng atensyon nila ay nasa akin. “What the f-ck are you thinking?”