Chapter Four

2918 Words
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang nakasakay sa sasakyan. My first day at Mourose University went well. “Masaya akong nakikita kang masaya, little pumpkin," ani Mr. Tummy. “Yes po, Mr. Tummy. They treated me so well. At alam mo po ba, sobrang gaganda ng mga kaklase ko?” Hindi na ako makapaghintay na pumasok ulit bukas. “But not as beautiful as you, Celestine.” Natatawang sagot niya. Nakita kong paliko na kami sa malaking tarangkahan ng aming mansion. “No, Mr. Tummy. Pantay-pantay lang po ang gandang taglay ng bawat isa sa atin. Wala pong nakakalamang, wala ring naiiwan.” Ano ba ang basehan nila ng ganda? Para sa akin kasi lahat ng nilalang ay pare-pareho lang na maganda. Tumatango naman siya habang nakangiti sa akin. “Of course, little pumpkin. Pero hindi lahat katulad mong may mabuting puso," aniya bago bumaba ng sasakyan. Maingat na inalalayan niya rin ako pababa. “Thank you po.” “How’s my Celestine?” Nakangiting bungad sa akin ni Grandmama. She’s standing in the front door, patiently waiting for our arrival. Tumatakbo akong lumapit sa kaniya, isang araw lang na hindi kami magkasama pero namiss ko na agad siya. “Be careful, darling.” May bahid ng pag-aalala sa kaniyang boses. “I’m happy po. Students and professors were too good to me. I also have new friend, Elizabeth. I will introduce you to her soon, Grandmama." Nasasabik akong ikwento sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin ngayong araw. Elizabeth was the first witch-friend I got. “Masaya ako para sa’yo, apo.”  Napansin ko ang pagsungaw ng mumunting luha sa kaniyang mata. Niyakap ko agad siya, iniiwasang makita ang luhang iyon. I don’t want to see my grandmama crying, it’s breaking my heart. “Basta lagi mong tatandaan na hindi lahat ng makikilala mo ay magugustuhan ka. Umiwas ka na lang sa mga nilalang na sa tingin mo ay walang magandang gagawin sa iyo," dagdag niyang muli bago hagkan ang aking ulo. “I owe a lot to you, grandmama. Mahal na mahal po kita.” I showered her sweet little kisses. “I love you too, Celestine.” she kissed my cheeks before letting me go. “Go and change your clothes so we could have our dinner. Alam kong gutom na si Mr. Tummy.” “Yes, madame. I might eat three horses if we didn’t eat now.” Narinig ko ang malakas na halakhak ng aming butler. Nag-aalalang sinulyapan ko siya. “Don’t you ever try eating horses, Mr. Tummy. Just like us, they also deserve to live.” Malungkot na saad ko. Nalulungkot ako sa isiping may mamamatay na hayop dahil kakainin niya. Muli siyang humalakhak na ipinagtaka ko. “I’m just kidding, little pumpkin. Of course, I won’t eat any creatures because I know you’ll get sad. And I don’t want you sad.” “Kaya bilisan mo nang magbihis dahil baka hindi lang tatlong kabayo ang kainin niya.” Natatawang ani grandmama kaya nagmamadali akong umakyat sa hagdan. I could even hear them saying that I’m too innocent for this world. Naiitanong ko tuloy sa sarili ko kung hanggang kailan ako magiging inosente sa mundong ito? - “HI, CELESTINE.” Nakangiting bungad sa akin ni Elizabeth kinabukasan. Siya pa lang mag-isa sa loob ng classroom nang dumating ako. “Good morning, Elizabeth.” I walked towards her and gave a peck on her cheeks. Nakita ko siyang bahagyang natigilan at namula ang buong mukha. “My god! H’wag kang bigla-biglang nanghahalik, baka himatayin ako.” I was shocked with her sudden outburst. Tumayo pa siya mula sa pagkakaupo kanina. Galit ba siya? “Uh, I’m sorry Elizabeth.” Nag-aalinlangang sinulyapan ko siya. She’s just looking at me, still has a flushed face. “N-nasanay lang ako kay grandmama na hinahalikan ko siya kapag binabati ko. A-are you mad at me?” Is it not applicable to other creatures? “OMG! No.” Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya. “Hindi ako galit. N-nahihiya lang ako sa’yo. Sobrang ganda mo na kahit yata babaeng-babae ako ay hindi malabong magkagusto ako sa’yo kapag laging ganoon!” Mabilis na sagot niya na halos hindi ko nasundan. “I thought you’re mad at me. H-hindi kasi ako sanay na mayroong may galit sa akin." Sa buong buhay ko, hindi pa nagagawang magalit ni Grandmama at Mr. Tummy sa akin kaya hindi ko alam kung paano iha-handle kapag nangyari iyon. “I am sorry again.” I kissed Elizabeth’s cheeks. Napahinga na lang siya ng malalim dahil sa ginawa kong iyon. “Sa ganda mong ‘yan, walang sinuman ang makukuhang magalit sa’yo. Bampira o lobo man ‘yan,” sagot niya na nagpangiti rin sa akin. I could feel her light aura. Parang lagi siyang masaya. “Bakit pala ang aga mo? Wala pang alas-sais, ah?” Naupo na siyang muli sa upuang katabi ko. Bahagyang inayos ang salamin habang tinitingnan ako. “I’m just excited to see you, our professors and classmates. I’m excited to meet new creatures.” Nakangiting sagot ko. That’s true. Excited akong makita silang lahat. Ginising ko pa ng maaga si Mr. Tummy para maihatid ako sa university. Nag-alala pa nga si grandmama dahil sobrang aga pa, but I assured her that I would be fine. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakali. “And I’m happy that you’re already here. Hindi ko naman alam na wala pala masiyadong pumapasok ng ganito kaaga.” Bahagya akong napalabi dahil doon. Paano pala kung hindi ko naabutan si Elizabeth dito? Napapantastikuhan naman siyang nakatingin habang nagsasalita ako. “Oo, lagi akong maaga pumasok. May mga tungkulin kasi akong kailangang gawin dito sa university. I’m a scholar. Hindi naman ako mayaman na kayang bayaran ang tuition dito sa university. Sa katunayan, kakatapos ko lang maglinis ng classroom natin, kaya nagulat akong nanghahalik ka bigla. P-cha, amoy pawis ako samantalang ikaw mukhang hindi yata magmumukhang dugyot kahit kailan.” Mataman lang akong nakikinig sa kaniya. Natutuwa sa pagkukuwento. She’s doing some hand gestures while talking and that makes her more adorable. “Don’t worry. You don’t smell bad. At wala namang kaso iyon sa akin," sagot ko. “And what is dugyot, Elizabeth? Is that a food?” Ngayon ko lang narinig ang salitang iyon. It sounds like a food to me, does it tastes good? “Uhm, dugyot is…” I’m just looking at her. Nakatingin siya sa itaas habang iniisip ang sagot. I could even see her heaving deep sighs. “Dugyot is when you look madumi. Charot! P-cha! Bakit ang inosente mo, Celestine?” Napapailing na aniya habang nakangiti sa akin na kalauna’y naging halakhak. Napakunot ang noo ko. May mga salita siyang hindi ko maintindihan. I think Grandmama and Mr. Tummy forgot to tell me those words. “What’s charot, Elizabeth? And p-cha? What is that?” I could hear the frustrations in my own voice. When I got home later, I’ll make sure to learn extra vocabularies so I won’t get confused when I’m talking to others. Nagulat naman ako nang hindi pa rin siya tumitigil. Pulang-pula na ang kaniyang mukha at halos hindi na rin makahinga. Kanina pa rin niya hinahampas iyong upuan na nasa harapan. Wala akong matandaan na sinabi kong nakakatawa? “Are you alright, Elizabeth?” I’m kinda worried now. “Oo, Celestine. W-wait… sumasakit ang tiyan ko kakatawa sa pinag-uusapan natin.” Nakita ko ang paghinga niya ng malalim para pigilin ang tawang kanina pa lumalabas. Isa pang buntong-hininga bago siya seryosong tumingin sa akin. She slightly tapped my cheeks. “We are friends now, Celestine. H’wag kang lalayo sa tabi ko kapag nandito tayo sa university. Hindi mo pa masiyadong kilala ang mga nilalang dito. You are too innocent for them. Hindi ko tuloy alam kung tama bang ipinasok ka rito?” seryosong pagpapatuloy niya. “To tell you the truth, Elizabeth. I am home-schooled all my life. I’m not allowed to go outside our mansion. Buong buhay ko hindi ko naranasang makatuklas ng ibang bagay sa labas ng bahay namin, kaya sobrang saya ko noong nagpasya na ipasok ako rito. Kayo ang unang mga nilalang na nakita ko bukod sa mga kasama ko sa bahay. I may be too innocent but I’m willing to learn. Tutulungan mo naman ako, hindi ba Elizabeth?” I could feel my eyes teared up a little, I’m always emotional when I’m thinking of the things I missed in my life. She sympathetically looked at me and hugged me. “H’wag kang mag-alala. Hindi naman kita pababayaan.” I could feel my heart jumped out of glee. Hindi ko napigilan ang sariling halikan siya sa pisngi at ako naman ang napatawa nang makitang namumula na naman ang mukha niya dahil doon. “Good morning, Elizabeth and Celestine.” Magkasabay kaming napalingon sa pinto kung saan nakatayo si Olivia. She’s the girl with the bob haircut yesterday. Isa rin siya sa mga unang lumapit sa akin kahapon. “Hello, Olivia.” I stood up from my chair and kissed her cheeks that made her stunned. Kung ano ang reaksyon ni Elizabeth kanina ay ganoon din ang naging reaksyon niya. Napahagikhik ako. Why are they so adorable? “I’m just a simple girl, Celestine. Naiinlove rin sa kapwa ko babae kapag pinapakitaan ng kasweet-an sa katawan.” Dahan-dahan siyang umupo sa upuang katapat namin habang pinagmamasdan ako. “Marupok ako, Celestine.” Lalo akong napatawa nang mabosesan ang pagmamakaawa sa boses niya. “Please expect me giving you kisses every morning," ani ko sa kanilang dalawa. “Oh, bless our hearts!” they utter together that made me burst in laughter. Nagpatuloy ang aming pag-uusap hanggang sa maya-maya pa’y pumasok na ang mga kaklase namin kasunod si Professor Alarcon. Napatingin ako sa relong pambisig at saktong alas-otso na pala. Masyado kaming nawili sa pag-uusap na hindi na namin namalayan ang oras. Isa-isa silang kumaway at bumati sa akin na malugod ko namang tinugon. “Magandang umaga sa pinakamagandang nilalang sa buong Thorndale,” nakangising ani Leola, iyong babaeng may kulay violet na buhok. Isang bampira. Nginitian ko naman siya at binati rin pabalik. “Good morning, everyone. Please prepare yourselves and we will proceed at the arena. I’ll just give you a minute and wait you outside.” Hindi na niya nagawang hintayin ang sagot ng mga kasamahan ko dahil sa isang iglap lang ay wala na siya sa loob. Namamangha naman akong tiningnan ang mga kaklase kong gumagamit na ng ability para matapos sa pag-aayos. They are already using their super speed but I could still clearly see what they are doing like it’s just their normal movement. I looked at what I’m wearing, a sleeveless black jumpsuit and a cream pumps. I just put my hair in a high ponytail. Bahagya ko lang itong pinasadahan ng aking kamay bago sumunod sa kanilang paglabas. Inayos ko rin ang suot na badge. Nagulat ako nang hindi lang ang mga kaklase ko ang nasa labas. Maraming nagkalat na hindi pamilyar na mukha ang nasa hallway. Nawala sa isip ko na hindi lang ang mga kasama ko sa loob ng Room 411 ang mga nilalang sa university na ito. Hindi agad ako nakagalaw nang halos sabay-sabay silang lumingon sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o maglalaho na lang sa harapan nila. Nagpapasalamat na lang ako na agad lumapit sa akin si Elizabeth. “H’wag kang lalayo sa akin, Celestine. Lahat ng estudyante ay pupunta rin sa arena. Takaw tingin pa naman ‘yang ganda mo," bulong niya at humawak sa braso ko. Nakatungo lang ako habang naglalakad dahil nararamdaman ko ang paninitig ng mga hindi pamilyar na mukha sa akin. I could even hear them murmuring. “Oh f-ck! Who is she?” “So binibisita ba tayo ng anghel ngayon?” “T-ngina! Saang lupalop nagtago ang ganiyan kagandang babae at ngayon ko lang nakita?” “Sinong Imperiali kaya ang mabibihag ng ganoong ganda?” Napahigpit ang kapit ko kay Elizabeth dahil sa mga naririnig ko. If only I could cover my face or just vanished into thin air. Nahihiya ako sa mga sinasabi nila. “Don’t mind them. Hindi sanay ang mga nilalang dito na makakita ng tulad mo," biglang saad ni Elizabeth nang maramdamang hindi ako mapakali. “You are too good to be true. Your beauty is incomparable. Kaya h’wag ka na magtataka dahil siguradong makukuha mo ang atensyon ng lahat ng nilalang na pumapasok dito sa Mourose.” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Olivia na kanina pa palang nakasunod sa amin. Why they are always saying that my beauty is incomparable? They are all beautiful creatures! Hindi ko makita ang ipinagkaiba ko sa kanila. Ang alam ko lang pare-pareho kaming biniyayaan ng mukha at walang espesyal sa akin para pagtuunan ng ekstrang atensyon. Halos mapuno na ang arena nang dumating kami. Nalulula namang iginala ko ang aking paningin dahil sa dami ng mga nilalang na nandirito ngayon. “Nandito na raw ang Imperiali.” Bakas ang excitement sa boses na iyon. “Siguro kaya ngayon lang din matutuloy ang orientation ay dahil ngayon lang sila nakabalik.” “Mayroong magandang estudyante raw sa Room 411. Narinig kong usap-usapan kanina.” “Maganda ba daw talaga? Ang dami kasing tao, hindi ko tuloy nakita.” “Yeah. They said that even the Adraea sisters or Accalia couldn’t compare with the beauty that she has.” “P-cha! E 'di lalo pala tayong nawalan ng pag-asa sa Imperiali nito?” Ayaw ko man pakinggan lahat ng mga pag-uusap sa paligid ay hindi ko maiiwasan. I have the ability to hear even the lowest voice inside this arena and I could see the tiniest thing even it’s kilometers away from me. Para namang may dumaang anghel nang biglang mawala ang kanina lamang ay maingay na paligid. Napalingon ako sa entrance nang makitang lahat sila ay nakatingin doon. “They are the Imperiali, Celestine," bulong ni Elizabeth sa akin. Tinutukoy ang apat na nilalang na pumasok. Dalawang matitipunong lalaki at dalawang babae na malaki ang pagkakatulad ng mukha, ang pinagkaiba lamang ay ang kulay ng kanilang buhok. Naglalakad sila na parang pag-aari nila ang lugar na ito. Walang mababakas na ngiti sa mga labi kahit isa man sa kanila. Hmm. They are… vampires. “They’re not complete. Wala pa iyong tatlo,” dugtong naman ni Olivia. Nakita kong nagtungo sa gitna iyong isang babaeng blonde ang buhok samantalang ang natitirang tatlo naman ay naupo sa upuang nakalaan para sa kanila. “Good morning, Mourose students. I am Princess Amori Adraea from the Kingdom of Adraea," bungad niya habang iginagala ang tingin sa lahat ng estudyante. “Since the three remaining Imperiali were not here, I'm the one who will discuss the following rules and regulations. I’ll rip your neck if I caught you not listening.” Malinaw na nakita ko ang pagtalim ng tingin niya habang sinasabi iyon. “Chill, Amori. Don’t scare them,” ani ng isa sa dalawang lalaki na mayroong piercing sa ilong. He looks extremely good, but I could feel a playful aura from him. “Shut up, Asher. If you don’t want me to beat you!” the girl named Amori angrily said to the guy. Nakita ko namang nagtawanan lang ang dalawang lalaki bago muling nagseryoso. “Every year we are always reminding you that no one is allowed to hurt anyone especially if you are inside the school premises. And if I ever caught you, well b-tches try to run for your life!” Walang ibang maririnig na nagsasalita sa loob ng arena bukod sa kaniya. I could hear everyone’s heavy breathing. I could feel their scared aura. “Bawal manakit, pero kapag sa kanila hindi applicable ang rule na ‘yon.” Well I’m wrong, mayroon palang kanina pa bumubulong sa tabi ko. Si Elizabeth. “That b-tch! Ganda ka?" “Hush, Elizabeth. Let her finish what she’s saying," ani ko. “Hayaan mo ang bruhang ‘yon! Ilang taon na akong nagtitimpi sa kambal na ‘yan!” nagngingitngit na aniya. I will just ask her later but for now she needs to loosen up. I hold her hand to make her calm, at unti-unti ay nararamdaman ko ang pagkalma ng sistema niya. “No breaking of school’s facilities. Kulang pa ang buhay ninyo pambayad sa mga gamit na maaari ninyong masira.” I’m looking at the girl talking in front. Ramdam ko ang pang-uuyam mula sa kaniya na ikinalungkot ko. Who is she to belittle anyone’s value? Everyone’s life is worthy than any material things in this world. “To all the scholars, be sure that you are not lacking. Paano kaya kapag pinalayas ko kayo sa eskwelahang ito? Walang sino man ang tatanggap sa inyo!” Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng arena. Mas lalo akong nakaramdam ng kalungkutan para sa mga taong tinutukoy niya. I worriedly looked at Elizabeth and I saw how sad she is. She’s one of the scholar and striving for life. She doesn’t deserve this humiliation. “That’s enough, Amori!” seryosong saad noong isang lalaki, his eyes were madly looking at the girl speaking in front. “Tsk. You are no fun, Ethan," nakasimangot na sagot ni Amori bago bumaba sa entablado at nagtungo sa katabi ng upuan noong babaeng kamukha niya. “Good day, I’m Ethan Zelanna from the Kingdom of Zelanna. Sorry for the rudeness of Amori, you all know she’s like that eversince.” The guy with pair of blue eyes stood in front. His pale skin shines brighter because of the sunlight. “Every first week of January, we have a tradition called Hunter’s Game and that’s a week from now. I encourage everyone of you to practice and try harder. Let’s be on the top together. You could all go home and let’s just meet tomorrow.” Pagkatapos sabihin iyon ay sabay-sabay silang nawala sa harapan. At doon din lang yata nahanap ng bawat isa ang kanilang mga dila. Sari-saring komento ang maririnig sa kanila ngunit nasa iisang tao lang ang atensyon ko. Elizabeth. My heart hurts for her. She looks so sad. Gone the cheerful aura from her. I tapped her shoulders to get her attention. “Uh, tapos na ba? Hindi ko namalayan,” aniya, pilit pinasisigla ang boses. “Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka kung hindi naman talaga. Kapag ready ka na magkwento, nandito lang ako.” I smiled at her, making her feel that she’s not alone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD