“I’m perfectly fine, Celestine. Hindi mo kailangang mag-alala," nakangiting ani Elizabeth sa akin.
Kaming dalawa na lang ang natitira rito sa loob ng classroom. Kanina pa kami nakabalik at kanina pa rin nakaalis ang mga kaklase namin.
Katulad nga nang sinabi kanina noong isang Imperiali, wala ng klase ngayon. Tahimik na muli ang buong university. Bumalik kaming dalawa ni Elizabeth sa room dahil may naiwan pa daw siyang gamit, ako naman ay hihintayin ko pa si Mr. Tummy at gusto ko rin siyang samahan.
“Stop saying you’re fine, if the truth is not. Walang masamang umamin sa sariling nararamdaman. Hindi kaduwagan iyon, Elizabeth," saad ko.
Alam kong iisang araw pa lang kaming nagkakakilala, but I want her to feel that there is always someone who is willing to listen to her. Mahirap ang walang nasasabihan at naranasan ko iyon.
“Thank you, Celestine. Hindi lang ako sanay na may sinasabihan ng problema ko.” I nodded at her. Naiintindihan kung ano ang pinaghuhugutan niya. “I’m a proud scholar, pero minsan hindi ko na rin matiis ang mga pangmamaliit nila sa mga iskolar na tulad namin. Pare-pareho lang naman na may karapatang mag-aral dito, ang kaibahan nga lang nila sa akin, sila may pera at ako wala.” Hindi ako sanay sa malungkot na boses niya.
“First day ko noon dito, sobrang excited ako pero iyong excitement na iyon ay napalitan ng takot. Those twin sisters locked me up at the women’s comfort room and poured me the water I used for mopping the floor. Syempre takot na takot ako, sino lang ba ako kumpara sa kanila na may sinasabi sa lipunan. They are princesses and I’m just a poor witch.”
Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya habang ikinukwento iyon, pilit nilalabanan ang luhang kanina pa gustong lumabas.
“Sa mga bawat araw na dumadaan, iba-iba ang mga ginagawa nila sa akin pati na rin sa ibang scholars. One time, they purposely put the potion room on fire at idiniin nila iyon sa isang bampirang iskolar. Pinatigil siya sa pag-aaral at kahit anong pagmamakaawa niya na pabalikin dito’y wala na siyang nagawa. At noong isang taon, nalaman na lang namin na ininom niya ang sariling dugo na nagdulot nang kaniyang pagkalason."
Natigilan ako sa narinig. Hindi ko maisip kung gaano kasakit ang pinagdaanan ng bampirang iyon, lalo na ang pamilyang naiwan niya.
“Hey, why are you crying?” nag-aalalang tanong ni Elizabeth.
Naramdaman ko ang basang pisngi. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa aking mata. Nasasaktan ako sa mga bagay na nalalaman sa kaniya.
“N-nalulungkot lang ako sa kinahinatnan noong taong tinutukoy mo. I couldn’t imagine the pain that he felt during that time.” Naramdaman ko ang pamilyar na sakit sa dibdib. I may not know him, but I felt the sympathy for him.
“Kaya ganoon na lang ang galit ko sa kambal na Adraea na iyon. Hindi porke't prinsesa sila ng kaharian nila, mayaman at maganda sila ay mamaliitin nila ang ibang tao," nagngingitngit na saad niya.
May hindi pamilyar na emosyon akong naramdaman para sa mga tinutukoy niya. I feel like I don’t want to see or encounter them again, I don’t know what I might do to them.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong may kung anong mainit na bagay na gustong lumabas sa likod ko. They are fighting their way out.
“A-are you okay, Celestine?”
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. “Yes, Elizabeth. I’m okay and I hope you are alright too. Hmm.” Banayad ko siyang nginitian at ganoon din ang sinukli niya.
Nagulat ako nang bigla siyang pumalakpak ng isang beses.
“P-cha! Bakit sinalo mo lahat ng kabutihang-asal sa mundo? Hindi mo man lang tinirhan ang magkapatid na iyon!” aniya sa malakas na boses. Natutuwa akong muli siyang bumabalik sa pagkamasiyahin.
“You are always saying p-cha, yet you didn’t tell me what does it mean," nakangusong ani ko sa kaniya. Akala niya siguro nakalimutan ko na iyon.
Natigilan siyang tumingin sa akin bago humalakhak. Here we go again. Siguro kung sinasabi lang niya sa akin ang ibig sabihin noon, pareho na kaming tumatawa ngayon. Or maybe the translation of that word is funny, that’s why. Okay noted!
“Hoy Celestine, kung ano-ano na yatang translation ang nabubuo riyan sa utak mo. Pwes, hindi ‘yan, iyon!” Tinapik niya ako sa braso. Napalabi ako, paano niya nalaman ang iniisip ko.
“Ayaw mo kasing sabihin sa akin," kunwari ay nagtatampong saad ko. Napapailing naman na binalingan niya ako.
“H’wag mo na alamin iyon, okay? Hindi pwede sa mga batang tulad mo.” Natatawang sagot niya sa akin.
But I am not a kid anymore? Hindi yata effective na translator si Elizabeth. Maybe I’ll just look for another tutor. Hehe.
“Little pumpkin.” Narinig kong ani ng isang boses sa aking isip. Oh, Mr. Tummy is here.
“Sandali lang po,” ani ko sa isip.
“Let’s go home, Elizabeth. Nandiyan na pala ang sundo ko. Ihahatid ka na rin namin sa inyo.” Anyaya ko sa kaniya nang makitang maayos naman na ang kaniyang mga gamit.
Mabilis kaming nakarating sa entrada ng university. At mula roon ay makikita ang isang nakaparadang sasakyan sa harapan. May iilan pang mga estudyante ang nasa labas at sinisipat ang itim na limousine. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Elizabeth sa kamay ko nang makita ang papalapit na si Mr. Tummy.
“P-cha! H-higante ba ‘yan?” nanginginig na bulong ng katabi ko habang nakatingin sa taong nasa harapan namin. Halos dumilim ang paligid namin dahil natakpan nito ang liwanag.
“Don’t be scared, Elizabeth. That’s Mr. Tummy, he has the softest heart among all werewolves,” nakangiting ani ko sa kaibigan kong hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nilalang na nasa harapan namin.
“Hi, little pumpkin.” Marahang ginulo nito ang buhok ko. “Hello there, little woman.” Baling naman niya sa kaibigan ko.
“H-hi po," nahihiyang sagot ni Elizabeth, ramdam ko pa rin ang higpit ng hawak niya sa akin. Nakangiti namang tumango ang butler namin dito.
“Halina’t sumakay na kayo sa sasakyan para makapagpahinga na kayo," aniya habang maingat na binubuksan ang pinto ng sasakyan.
“Thank you, Mr. Tummy.” Una kong pinasakay si Elizabeth at agad din akong sumunod.
“Who is that big guy? He’s so ugly!” Narinig ko pang ani ng isang estudyante di kalayuan sa amin bago tuluyang sarhan ni Mr. Tummy ang pinto ng sasakyan.
“I know right. He looks monstrous.” Tumatakbo na ang sasakyan pero malinaw pa rin sa pandinig ko ang mga sinabi nila.
I sighed heavily. I felt sad with the way of thinking they have. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila para kay Mr. Tummy. He’s a good butler, a great father figure to me. Pangalawang araw ko pa lang na pumapasok sa university pero iba-ibang pag-uugali na ang natuklasan ko. Why are they like that?
“That’s okay, little pumpkin. Don’t mind them.” Muli ay kinausap ako ni Mr. Tummy sa isip. Para sa akin, hindi okay iyon. I will talk to them if I ever encounter them again.
“Ang sosyal naman, Celestine. Hindi araw-araw nakakasakay ako sa isang mamahaling sasakyan," bulong ni Elizabeth sa akin habang tuwang-tuwang inililibot ang paningin sa loob ng sasakyan. Pansamantalang nawala ang isipin ko sa pag-uusap ng mga estudyante kanina.
“Pwede naman tayong araw-araw magsabay, Elizabeth. Para naman hindi ka nahihirapang pumasok at umuwi.”
She is living at Bridgecoast, isang bayan sa hilagang parte ng Thorndale. Madadaanan naman ito papunta sa tinitirhan namin.
“Hindi ba parang nakakahiya naman iyon? Masyado ko nang naaabuso ang pagiging magkaibigan natin and I could ride a broomstick. Iyon naman ang madalas na ginagawa ko.” She held my hand and smiled at me. “Huwag ka masyadong nag-aalala sa akin, Celestine.”
“You are my first friend here and you will never be a nuisance for me. Basta kapag kailangan mo ng tulong, don’t hesitate to call me.” I cared for her like how I treasured my Grandmama and Mr. Tummy.
“P-cha! Sana all sweet katulad mo.”
Natatawa na lang ako sa mga salitang ginagamit niya kahit na hindi ko pa rin ito naiintindihan. I will just have my own research later so I could use those words in the future.
“Uh, iyon ang bahay ko.”
Huminto kami sa isang simpleng bahay na sa tingin ko ay iisang tao lang ang pwedeng manirahan doon, hindi nga yata kakasya si Mr. Tummy kapag pumasok sa pinto. Luminga ako sa paligid at nakitang halos mga puno lang ang nakapalibot at walang malapit na ibang bahay. Is she safe here?
“Baba na ako, Celestine. Thank you sa paghatid. Love you.”
Hindi ko na siya nagawa pang pigilan dahil dagli siyang bumaba ng sasakyan. I was about to offer her if she wants to live with us because I’m kinda worried with her safety here. I could also feel something odd with the surroundings.
Hanggang sa pag-uwi ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nabubuong desisyon para kay Elizabeth. Maybe I’ll just talk to her tomorrow, marami pa namang oras para pag-usapan iyon.
-
KINABUKASAN, pumasok lang ako ng sakto sa oras hindi katulad kahapon na sobrang aga ko. Malayo pa lang ako at naglalakad sa hallway nang mapansing maraming estudyante ang nasa harap ng room namin. Anong meron?
Tatalikod na sana ako para bumalik sa pinanggalingan ko nang mayroong biglang humawak sa braso ko at iginiya ako para magpatuloy sa paglalakad. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang si Elizabeth iyon. Thanks, God.
“Don’t even think of turning your back, Celestine. I will help you conquer your fears and the first thing you need to do is to continue walking,” sunod-sunod na saad niya na ikinatango ko.
Well, she’s right. Hindi ako masasanay kung palagi ko na lang iisipin na tumalikod sa mga nilalang na maaari kong makasalubong.
“And by the way, good morning to my beautiful friend.”
“Good morning as well, Elizabeth. Thank you, you are my savior," ani ko at bahagyang huminto para kintalan ng halik ang kaniyang pisngi. Narinig ko ang marahas niyang paghinga.
“Sabi ko naman sa’yo, magwa-warning ka muna bago manghalik!” Napatawa na lang ako sa sagot niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
“Excuse us mga magagandang nilalang, dadaan ang mas maganda!” Narinig kong ani Elizabeth habang isa-isang hinahawi ang mga nakaharang sa daan.
Hindi ko halos mabilang kung ilan bang estudyante ang naririto sa harapan ng pinto dahil sa dami nila. Napahigpit ang hawak ko sa kaniya nang sabay-sabay silang tumingin sa amin.
Kung kanina’y nakasilip sila sa pinto, ngayon naman ay halos lahat sila ay sinisipat ako ng tingin. Hindi ko alam kung paanong nangyari na nahawi ang daan sa gitna. Naramdaman ko na lang na hinihila ako ni Elizabeth para makadaan kami. Napabuntong-hininga ako habang humihingi ng paumanhin sa abalang nadulot namin.
“Sino ‘yan?”
“Bagong Imperiali?”
“H’wag ninyo akong pigilan, tatanungin ko lang kung pwede makalimos ng ganda.”
“I think I got a love at first sight.”
Sari-saring komento ang narinig ko at kalauna’y nawala rin dahil sa malakas na bagsak ng isinarang pinto. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Elizabeth na siya palang nagsara noon.
“Uh, why did you do that Elizabeth? That’s disrespectful.” Mahinahong baling ko sa kaniya. Paano kung may naipit sa labas? Nakakaawa naman sila kung nagkataon.
“They are so irritating and they are making you uncomfortable!” Ramdam ko ang inis sa boses niya. Naguilty naman ako agad dahil ako pala ang may kasalanan.
“Uh, I’m sorry. Nainis ka pa tuloy sa kanila dahil sa akin.” I saw how her face softened and immediately smiled at me.
“No. Not your fault at all. Sadyang may makukulit na lahi lang ang mga bampira at lobo. Hayaan mo, masasanay ka rin sa kanila.” Naiiling na saad niya bago humarap sa mga kaklase namin.
Ngunit nagtaka ako nang makitang mukha siyang natigilan kaya naman ibinaling ko na rin ang atensyon sa mga kasama namin sa loob na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Para naman akong natuod sa harapan nang ilang hindi pamilyar na pares ng mga mata ang ngayo’y nakamaang habang nakatingin sa amin… o mas tama yatang sabihin na sa akin? Halos maukopa na rin ang mga upuan na noong isang araw lang ay bakante pa. Katulad nang unang araw na pasok ko, namayani muli ang katahimikan sa loob.
I sighed heavily, trying to compose myself. Pinigilang hindi manginig ang mga kamay. I could also feel the awkwardness inside. Pwede bang maglaho na lang ulit?
“Imperiali.” Narinig kong bulong ni Elizabeth na lalong nagpakabog sa dibdib ko.