Chapter Three

1870 Words
Bumungad sa akin ang malawak na hallway nang magbukas ang pinto. The hallway is so spacious that I think it can hold hundreds of different creatures. Tumingin ako sa itaas at mas lalong namangha nang makitang transparent ang bubong nito. Kitang-kita ko ang asul na kulay ng langit. Nagpatuloy ako sa paglalakad at wala pa akong nakikitang kahit isang estudyante. Natutuwa akong pagmasdan ang makukulay na painting sa bawat dingding ng hallway. Gumagalaw ito na parang tunay na may buhay. Lumiko ako sa kanang bahagi at doon ay nakita ang nakahilerang mga elevator. Awtomatiko itong nagbukas nang tumapat ako sa harapan nito at hindi na nagdalawang-isip pa na pumasok dito. “What floor?” Nagulat ako nang may matinis na boses ang biglang nagsalita. Luminga pa ako para makita kung mayroon ba akong kasama, ngunit alam kong mag-isa lang ako rito sa loob. “Hi.”  Nagulat ako ng isang pixie fairy ang bumungad sa harapan ko. Hindi agad ako nakahuma dahil masyado akong nagulat. She’s the second creature I saw today. She smiled at me and I gladly returned it. “Hi,” nahihiyang ani ko. She’s tiny that I think my smallest finger could par on her size. “You… are so beautiful. Heavenly beautiful.” Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. “I’m Winona, elevator operator here at Mourose University. Where are you heading to?” muli ay tanong niya. “Hi Winona, I’m Celestine. Uhm, my room is in 411,” mahinang ani ko.  I saw the number 4 button covered with light. Hindi naman ako naghintay pa ng matagal dahil maya-maya ay nagbukas na rin ito.  “Thank you.” I smiled sweetly at her. I saw how her cheeks reddened. “It’s nice to meet you. You are too beautiful for this world. See you around, Celestine.” I waved at her once again before heading out from the elevator. Based on my schedule, my room number is 411 and my first subject is history. Isang mahabang hallway na naman ang bumungad sa akin. Mayroong iba’t-ibang pinto akong nakita at sa bawat itaas na bahagi nito makikita kung anong room number iyon. I couldn’t see what’s inside because the room was heavily tinted. Nagpatuloy ako sa sa paglalakad hanggang sa matagpuan ko ang hinahanap ko. Akala ko nawala na ang kabang nararamdaman ko kanina. I felt my system calm down a while ago but now I don’t know what to feel anymore. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o maghihintay na lang na mayroong lumabas mula rito. Halos mabingi na rin ako dahil sa kaba ko. “Uh, Miss… do you need something?”  Halos matigilan ako nang may boses na nagsalita mula sa likod ko. I’m having a second thought if I will turn around or I’ll just run away from her, but I know that’s an act of disrespect. My grandmama didn’t teach me to be like that.  I heaved a sigh before facing her. “Oh my god!” I could hear her a loud gasp when I turned around to face her. I saw a beautiful girl wearing an eyeglasses standing in front of me. She’s holding books and looks like she’s in a hurry. Her shoulder-length brown hair complemented her tanned skin. And she’s… a witch. “Hi.” Nahihiyang nginitian ko siya.  Nakatakip ang kamay sa kaniyang bibig at namimilog ang mga matang pinagmasdan ako. She isn’t moving nor blinking her eyes. Is there something wrong with my face? “Uhm, I’m Celestine. Are you… are you also a student here in Room 411?” Nagsalita akong muli para makuha ang atensyon niya.  She slowly nodded at me and I even saw how she slapped her face, twice. Rinig na rinig ko ang malakas na dulot noon. “Hey miss, don’t hurt yourself,” nag-aalalang ani ko. Why she’s hurting herself? Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi “Are you alright?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses ko. “H’wag mo akong pansinin. I’m just… stunned. You are so beautiful. No. Beautiful is not enough to describe your heavenly face,” namamanghang aniya sa akin na ikinapula ng mukha ko. “And I’m Elizabeth. Elizabeth Woods and I’m a witch.” Nakangiting pagpapakilala niya at nag-abot ng kamay sa akin. “Thank you, Elizabeth. You are beautiful as well.” I gave her my sweetest smile and I saw how her face blushed. “And it’s so nice to meet you.” I hold her hand for a handshake. “Y-you are a new student?” tanong niya na ikinatango ko.  “Kanina pa nagstart ang klase, kinuha ko lang itong libro na iniutos ni Professor Alarcon. Halika sa loob, ipapakilala kita kay prof.” Doon muling bumalik ang kabang nararamdaman ko. Pilit kong pinakalma ang sarili, walang mangyayari kapag laging ito ang pinairal ko. Kumatok muna siya saglit bago pinihit ang doorknob. Celestine, you need to calm down, okay? I whispered to myself. Naunang pumasok si Elizabeth. Nasa labas pa lang ako pero naririnig ko na ang iba’t-ibang boses na nagmumula sa mga magiging kaklase ko. Sa halip na maingayan ako, mas lalo akong natuwa habang pinapakinggan sila. Ngayon ang kauna-unahang araw na hindi lang boses nina Grandmama at Mr. Tummy ang maririnig ko. “May bago pala tayong estudyante, Mr. Alarcon.” Narinig kong imporma na Elizabeth sa magiging professor ko. “Yes. Is she already there?”  Hindi ko na narinig ang naging sagot ni Elizabeth dahil wala pang isang minuto ay tumambad na sa aking harapan ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kuwarenta ang edad. Ito na siguro si Professor Alarcon. He’s wearing a suit and tie, he looked strict at first because of his dark eyes but I saw how his face softened when he saw me. And he’s… a wolf. “G-good morning, sir. I’m Celestine Ulrich,” mahinahong ani ko bago bahagyang tumungo para magbigay respeto. I didn’t hear him say anything so I looked at him again just to saw him staring at me. Unmoving. I snapped a finger to pull him from reverie. Nagpapasalamat naman ako nang mukhang bumalik na siya sa huwisyo. He cleared his throat before speaking. “Uh, sorry. I’m Professor Alarcon, your history professor. Please come in and introduce yourself.” Nauna na siyang pumasok sa loob at wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. I lowered my gaze when I walked inside. Ramdam ko ang biglang pagtahimik ng kanina lamang ay maingay na silid. All I could hear was their faint breathing. Nag-angat ako ng tingin upang siguruhin kung bakit sila biglang tumahimik at mas lalo lang nanginig ang mga tuhod ko nang makita kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang isipin ngayon na siguro’y may mali nga sa aking mukha o sa katawan ko, dahil halos lahat ng mga nilalang na nakita ko ngayon ay pare-parehong reaksyon ang ibinibigay. Like I grew some extra heads in my body. Gusto ko na lang maglaho sa harapan nilang lahat dahil sa maiinit na tinging ibinibigay nila sa akin. “Uh, kindly introduce yourself Ms. Ulrich," mahinahong ani Professor Alarcon. Nilingon ko muna siya saglit at binigyan ng matamis na ngiti bago ibinaling sa mga magiging kaklase ko ang aking atensyon. And I think he’s kinda sick, because his whole face was red. Inilibot ko ang paningin ko sa mga estudyanteng nasa loob. Mabilis na binilang ko sila sa aking isip at halos wala pang sampu ang nandito sa loob, napangiti pa ako nang makitang lahat sila ay babae. I also noticed a lot of vacant seats. “Good morning, everyone. I am Celestine Daciana Ulrich. I am pleased to meet you all.” I slightly bowed my head and gave them my sweetest smile. I want to be friends with them. Ngunit nalungkot ako nang wala isa man sa kanila ang nagsalita. They remained staring at me like they’re reading my soul. I looked at Elizabeth and just like the other girls, she’s just looking at me. I felt my heart sank, I think… they don’t like me. “Hey, girls. Are you still with us?” I heard him clapped his hands to get their attention.  I shyly smiled at him. “Oh f-ck! You are so beautiful.” I got surprised when a girl with a bob haircut suddenly burst out. I felt my face heated up. “Are you even real?” ani ng isang petite na babae at halos lumabas ang puso ko sa kaba nang lumapit ito sa akin. She even pokes my left cheek.  “Oh double f-ck! She’s real.” Kinabahan pa ako nang bigla siyang matumba sa paanan ko. I was about to help her when she got up on her own. “Are you alright?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Napapantastikuhang tumango siya sa akin bilang sagot. “She’s an angel too.” I heard her murmuring before going back to her seat. Nalilitong tumingin ako sa kanilang lahat. Kung kanina’y wala silang reaksyon, ngayon naman ay hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanilang tingnan. The whole classroom was a mess, lahat sila ay nakatayo na waring gusto ring lumapit sa pwesto ko. “I’m suddenly confused of my sexuality now!” Narinig ko pang ani ng isang babae na kulay violet ang buhok. She slowly shook her head while looking at me. “Okay, calm down everyone. Ikalma ninyo ‘yang mga sarili ninyo!” malakas na ani Mr. Alarcon.  Nag-aalala namang tumingin ako sa kaniya. He sounds angry but immediately smiled at me when he saw me looking at him.  “You may sit now, Ms. Ulrich.” “Dito, Celestine!” sigaw ni Elizabeth habang panay ang kaway sa akin. Napangiti ako, she’s so cute. Nasa dulong bahagi siya nakaupo at agad akong nagtungo doon. I’m smiling at the girls I passed by, I could feel the welcoming aura that coming from them. “Here. No one’s sitting here.” Nakangiting ani Elizabeth ng makarating ako sa pwesto niya.  Maingat na umupo ako sa upuang nasa kaniyang kanan na kanina pa iminumwestra. She faced at me and gave me a wide smile. “Thank you, Elizabeth.” “Hindi ka lang maganda, ang sweet pa ng boses mo!” namamanghang aniya sa akin. Nakapangalumbaba siya habang pinagmamasdan ako. “Ilang taon ka na?” “Uh, I’m twenty-one. Ikaw?” “Bente-dos na ako. Pwedeng magtanong, Celestine?” Nakita kong ang lahat ng nasa loob ay nakatingin sa gawi namin. Nakikinig din sa aming pag-uusap. “Oo naman, Elizabeth.” I gave her an assuring smile so she could go on. “Nasaan ka noong nagpaulan ng kagandahan?” seryosong tanong niya na nagpakunot sa noo ko.  Nagpaulan ng kagandahan? What? “Syempre nasa labas, tulog siguro tayo noon kaya sa kaniya ibinigay lahat,” iyong babaeng nakakulay dilaw na crop top ang sumagot sa tanong niya. “Mali, nasa langit. Siya iyong mismong nagpapaulan ng kagandahan,” seryosong saad naman noong babaeng may piercing sa labi. “Girls, please calm down. Naiingayan na sa inyo si Ms. Ulrich!” Bahagyang tumahimik ang buong classroom dahil sa sinabi ni Professor Alarcon pero kalaunan din ay muling umingay. Napapailing ito habang nakatingin sa amin. “Weh, sir? Ikaw nga po hindi din kumalma kanina. Akala mo po hindi namin nakitang halos tumulo na laway mo habang nakatingin kay Celestine.” Natatawang ani noong babaeng maikli ang buhok. “Paano naman po kakalma sir, kung ganito kaganda ang babaeng kaharap mo? Lalaki lang po ba ang pwedeng maka-appreciate?” “Nag-aalala na rin po ako, sir. Baka babae na rin pala ang gusto ko.” Napapantastikuhan akong napatingin sa kanilang lahat. Hindi ko masundan ang pinag-uusapan nila. I just saw them laughing hard and I have no idea what’s the reason. They are too loud but I’m loving the noise. Nakita ko na lang ang sarili kong tumatawa at nakikisaya sa kanila. My heart is so full right now. Ito ang kauna-unahang beses na naging masaya ako nang hindi sila Grandmama at Mr. Tummy ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD