“Hindi ka maaaring umalis. May usapan tayo na sa Mourose at dito sa bahay ka lang pwedeng pumunta. Akala ko ba nagkaintindihan na tayo tungkol dito, Celestine?” grandmama said without a smile on her lips. Pagdating ko sa bahay ay wala pa siya. Hinintay ko pa siyang makauwi para makapag-paalam. Gabi na rin yata iyon nang dumating si grandmama dito sa bahay. “But, grandmama… that’s my responsibility. Nanalo po ako bilang Best Hunter kaya automatic na kasama ako sa misyon.” Umupo ako sa katabing upuan niya. “Then back out, Celestine. Bitawan mo ang titulong iyan. Ayokong kinukuha niyan ang oras mo sa akin.” Ipinikit niya ang mata at sumandal sa sofa. Naaawa naman akong napatingin sa kaniya dahil mukha siyang pagod na pagod, tapos dumadagdag pa ako sa isipin niya. “Wala pong um