Kinabukasan, kaming dalawa lang ni Mr. Tummy ang nasa harap ng hapag-kainan. Grandmama was nowhere to be found. “Saan daw po ba nagpunta si grandmama?” tanong ko kay Mr. Tummy na abala sa pagkain. “Hindi niya binanggit kung saan siya pupunta. Pero maaga pa lang kanina nang umalis siya ng bahay.” Alas-siyete na ngayon at siguradong tulog pa ako noong umalis si Grandmama. “Sige po. Salamat.” Binilisan ko na ang pagkain, noong matapos ay hinintay ko na lang si Mr. Tummy sa living area. Natapos din naman agad siya kaya hindi na ako matagal na naghintay pa. Kailangan ko ring kausapin si Amori tungkol doon sa meeting kahapon na hindi ko napuntahan. “Mag-iingat ka, little pumpkin.” Nginitian ako nito at bahagyang ginulo ang aking buhok. Nasa tapat na kami ng university, at ma