Ngayon ang unang araw ng pasok ko sa Mourose University. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naghalo-halo na lahat ng emosyon sa sistema ko. Nananabik ako ngunit mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko. Nakasakay kami sa sasakyan, si Mr. Tummy ang nagda-drive at kami naman ni grandmama ang nasa back seat.
I am wearing a simple white puff-sleeve dress that was an inch above my knee and I partnered it with a white sneaker. I’m also using the black Chanel flap bag that my grandmama gave on my birthday, last year. Hinayaan ko ring nakalugay ang buhok kong umabot na hanggang bewang.
“How are you feeling, darling?” nag-aalalang tanong ni grandmama.
Alam kong ramdam niya ang kabang nararamdaman ko ngayon. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay para pakalmahin ako.
I smiled at her. “I’m nervous and scared, grandmama,” I honestly answered. Malakas ang pintig ng puso ko na waring gusto nitong lumabas sa dibdib ko.
Am I ready? Handa na ba akong lumabas mula sa sarili kong mundo? Handa na ba akong makakilala ng mga panibagong tao? Pero ito ang ginusto ko, kaya dapat handa na ako.
Lalo kong naramdaman ang matinding kaba nang tuluyang makalabas ang sasakyan sa aming gate, at ngayo’y tinatahak na nito ang daan patungo sa paaralang papasukan ko. Pansamantalang ibinaling ko ang aking atensyon sa mga naglalakihang puno na aming nadadaanan. Manghang-mangha ako dito, simula ngayon hindi na lang kwarto ko ang makikita ko. Hindi na lang training room ang mapupuntahan ko. Nananabik din akong makatuklas ng mga panibagong bagay.
“Maraming salamat po ulit, grandmama.”
I don’t know how many times I thanked her and I won’t get tired showing gratitude to her. Dahil sa kaniya, mararanasan ko na rin ang mga bagay na kay tagal kong inasam.
“You are welcome. Grandmama loves you so much, always remember that.” Malawak ang ngiting ibinibigay niya sa akin.
“And I love you more than anything in this world, grandmama.”
Ngumiti ako sa kaniya at humilig sa kaniyang balikat. Pansamantalang kumalma ang sistema ko. Ngunit agad din iyong nawala nang matanaw ko ang higanteng gate ng eskwelahang papasukan ko.
Mourose University. Nakaukit sa ginto ang pangalang ito habang may mga simbolo naman ng iba’t-ibang lahi ang nasa paligid ng gate.
May kung anong maliwanag na bagay ang pumalibot sa aming sasakyan bago awtomatikong nagbukas ito. Mabagal na pinaandar ni Mr. Tummy ang sasakyan. I’m in awe while observing this beautiful surrounding. Silently appreciating even the smallest details. Isang mahabang pathway pa ang aming tatahakin bago makarating sa pinakadulo kung saan matatagpuan ang university.
Binusog ko ang aking mata sa mga bagay na makikita sa paligid. Unang bumungad sa amin ang mga rebulto ng iba’t-ibang lahi na nakatayo sa bawat gilid na aming nadadaanan. They were all made of gold. Wow! Maraming makukulay na bulaklak at maliliit na mga nilalang na lumilipad at nagsasaboy ng makulay na gabok. Nakakaengganyo silang panoorin habang masayang nagpapalipat-lipat ng pwesto. May mga fountain din na nagbubuga ng iba’t-ibang kulay ng tubig.
“Don’t worry, darling. Madalas mo nang makita ang mga ‘yan,” ani grandmama habang pinagmamasdan ako na parang batang tuwang-tuwa dahil binigyan ng laruan. This place feels surreal. I salute the one who made it.
Mas lalo akong namangha nang makita ko ang kabuoan ng eskwelahang papasukan ko. Mayroong malaking palasyo sa gitna, at iyon ang Mourose University. Sa kanang bahagi nito ay matatagpuan ng dalawa pang naglalakihang palasyo at sa kaliwang bahagi naman ay isang malawak na arena.
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman na naman ang kaba roon.
“Welcome to Mourose University, my Celestine,” nagagalak na ani grandmama nang huminto sa tapat ang aming sasakyan. Binigyan ko lang siya ng alanganing ngiti dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.
Unang bumaba si grandmama at hindi ko alam kung susunod ba ako sa kaniya o magpapahatid na lang ulit pauwi. Parang biglang gusto ko na lang magback out.
“Let’s go, little pumpkin.” Naramdaman ko na lang ang marahang pag-alalay ni Mr. Tummy sa akin palabas ng sasakyan.
Ang ipinagpapasalamat ko lang sa mga oras na ito ay walang ibang mga nilalang sa paligid. Siguro’y nag-uumpisa na ang kanilang klase. Nauunang maglakad si Mr. Tummy, habang ako naman ay nakahawak sa braso ni grandmama. Tinatahak namin ngayon ang unang palasyo na nasa kanang bahagi ng university. Nakatungo lang ako habang naglalakad, natatakot na baka may ibang tao kaming makasalubong.
“I’m scared, grandmama..." bulong ko sa kaniya at humugot ng malalim na hinga.
I can’t calm down. Kahit anong gawi’y hindi ako mapakali.
“You know darling, I’m also scared. Hindi ako sanay na malayo ka sa akin. Buong buhay ko sanay akong lagi kitang nakikita at nagagabayan, pero hindi habang buhay kailangan kitang ikulong sa mansion, Celestine. Kailangan din kitang pakawalan para matutunan mo ang mga bagay na sa tingin mo ay hindi namin kayang maituro sa’yo. Everything will be alright, sweetie. I know you could handle it,” masuyong sagot niya, pilit pinalalakas ang loob ko.
You may be scared but this is what you want. Pagpapaalala ko sa sarili.
Naramdaman ko ang paghinto ng nasa unahan namin, kaya ganoon din ang ginawa ko bago itunghay ang aking ulo. We’re now here in front of the Headmaster’s office. Kumatok si Mr. Tummy ng tatlong beses bago awtomatikong nagbukas ang higanteng pinto. Napangiti ako nang nakitang bahagyang yumuko ito para lang makapasok sa loob. Hinayaan kong makapasok muna silang dalawa bago ako sumunod at dali-daling nagtago sa likod ni Mr. Tummy.
“Good morning, Mr. Mourose.” I heard her greeted the headmaster.
“It’s so nice to see you again, Madame Lucianna Ulrich.” I could hear the glint of happiness from the headmaster’s voice.
I couldn’t see them because Mr. Tummy is currently blocking my way. I’m really grateful that we have him, especially at times like this. I could hide from his back and no one will see me if they are in front. Hindi ko alam kung ready akong makakita ng bagong tao ngayon.
“Where’s your grandchild? It’s her first day today, right?” kapagkuwa’y tanong ng headmaster. Napabuntong-hininga ako, marahang humawak sa likod na bahagi ng damit ni Mr. Tummy.
“Yes. She’s here with me.”
Namayani ang katahimikan sa loob. Hindi ko naramdamang nagpunta na pala sa pwesto ko si grandmama.
“Celestine darling, come here...” masuyong aniya at marahang iginiya ako papunta sa harap.
I could hear a gasp from the headmaster when he saw me. Bahagya ko itong tiningnan at agad ding nag-iwas ng tingin.
Standing in front of us is a good looking man that looks like he is on his early 30’s but I know he aged more than that. His aura is screaming that he is a vampire. Siya ang unang nilalang na nakita ko, bukod sa dalawang kasama ko ngayon.
I bowed my head to show some respect to him. I could still feel his gaze towards me and it makes me uncomfortable. Narinig ko lang ang mahinang pagtikhim ni Mr. Tummy, naramdaman niya yata ang hindi ko pagiging komportable.
“It’s nice to see you, Ms. Celestine Ulrich.” Nakangiting pagbati niya sa akin.
“I’m pleased to meet you, Mr. Mourose. Thank you for accepting me here.” I smiled at him and I saw how he got stunned before composing himself again.
“You have a very beautiful grandchild, Madame.” Bakas sa boses niya ang paghanga nang binalingan niya si grandmama.
I heard my grandmama cleared her throat before speaking. “I know, Mr. Mourose.”
“So, she is a witch just like you?” Nakita ko ang pagtango ni grandmama na ikinataka ko. But I’m not a witch? Kahit na naguguluhan ay hindi na lang ako nagkomento pa.
Mahinang pagtikhim ang ginawa ng lalaki bago bumaling naman sa akin.
“I know you already have your schedule," simula niya. “Where’s the pendant, hija?”
Ipinakita ko naman sa kaniya ang pendant na kanina ko pang hawak. Nakita kong binalot ito ng liwanag at pagkatapos ay naging isang gintong tsapa. May nakaukit na pangalan ng university sa itaas na bahagi, at sa ibaba naman ay nandoon ang initial ng aking pangalan at buong apelyido ko.
“You need to wear that badge most of the times because it will serve as a symbol that you are a student here. If you encounter any problem, don’t hesitate to come here in my office. You are always welcome here.” Bahagya siyang tumingin sa relong nasa kaniyang bisig at muling ibinaling sa akin ang atensyon. “It’s already nine o’clock in the morning and I know the classes have started already. Don’t worry, your professors knew that they have new student today. You may now go to your room now, Ms. Ulrich.”
“Thank you, Mr. Mourose," ani grandmama bago nakipag-kamay sa lalaki.
I looked at him and smiled. “Maraming salamat po, headmaster.”
“No problem, Ms. Ulrich.” Nakita ko ang pagtango niya at ang pagkamot sa kaniyang batok. Nagpaalam na kami sa kaniya at lumabas ng opisina.
“You are a witch, Celestine. Huwag mong hayaang malaman ng iba kung ano ang katauhan mo.” Bungad agad sa akin ni grandmama nang makalabas kami sa opisina.
Tumango lang ako bilang sagot. Naguguluhan pa rin pero siguro nga ay iyon ang mas nakakabuti. I smiled at her trying to cover up the confusion in my face.
“And I’m sorry, darling. Hindi ka na namin maiihatid hanggang sa classroom mo. Are you sure you can manage?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
“Yes, grandmama. I know it’s for me also. I’ll try my best to get along with other creatures. Thank you, grandmama.” Nakangiting ani ko sa kaniya bago kintalan ng halik sa kaniyang pisngi. Isasantabi ko muna ang mga iniisip ko sa ngayon. Alam kong magkakaroon din ng sagot dito.
“Good luck, little pumpkin. I’m so proud of you.” Mr. Tummy patted my head and I smiled at him. I’m so blessed to have them in my life.
Hinawakan ko ang badge na naka-pin sa aking damit. I am now officially a student of Mourose University. Huminga muna ako ng malalim bago tinungo ang pinto papasok sa university. I waved at them once again before turning my back.
Natatakot at kinakabahan ako sa mga maaari kong makilala at matuklasan sa pagpasok ko dito. But this is what I want, this is what I dreamt of, right? And I’ll make sure that all of these will be worth it.