Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko napansing pumasok na naman ang bagong linggo. Nanatili ako sa bahay sa mga nagdaang araw na walang pasok. Hindi naman ako maaaring lumabas ng bahay kung hindi sa Mourose ang punta. Gustong-gusto ko ring pumunta sa bahay ni Elizabeth para ayain siyang mamasyal sa Clayhaven, ngunit wala pa akong lakas ng loob na magpaalam kay grandmama para sa usaping iyon. Baka hindi pa handa siya handang payagan ako. “Magandang umaga sa diyosa ng kagandahan,” masiglang bati ni Elizabeth sa akin. Nakatayo siya sa bukana ng university at matiyagang naghihintay sa pagdating ko. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. “Magandang umaga rin sa iyo, Elizabeth. I missed you.” I hugged her and I heard her giggle. “Hay, ang sweet talaga.” Pinisil niya ang