“Good morning, b-tch! I will make sure that I will never see you again after this.” Iyon agad ang naging bungad sa akin ni Accalia nang magkita kami kinabukasan. Kumpleto ang Imperiali rito sa loob ng arena, ngunit wala sila Karmela at Jasper. Nagpasya silang dito na lang kami maghaharap, sakto na wala namang pasok ngayon dahil sa isang linggong pahinga ng mga estudyante. Napatingin ako sa tuhod niya na walang bakas ng kahit na anong sugat o galos. Malakas ang loob dahil nakakagalaw na? Hinayaan ko lang siyang makaalis sa pagkakaluhod nang nakauwi na ako. Akala ko kinabukasan kahit papaano ay nagbago na ang pananaw niya, ngunit mali na naman ako. A lady like her will never accept defeat. Sa sobrang taas ng pride niya, kapag bumagsak siya siguradong malakas ang magiging kalabog. “