“Did you miss my class?” Professor Alarcon jokingly asked us. Nakaupo na sa kani-kaniyang upuan ang lahat. Asher answered him, “Slight lang po, sir.” He then laughed afterwards. Narinig ko rin ang awkward na tawa ng ilan sa mga kasama namin. Iyong parang pinilit lang para masabing masaya sila. “Wala pa ba ang King Imperiali?” tanong ni Professor Alarcon habang inililibot ang tingin sa loob. Ngunit kasabay din noon ay ang pagbukas ng pinto ng silid. Matikas na pumasok doon si Andrius kasama sila Xerxes at Vulcan. “I apologized for being late. I had a business meeting early this morning outside the university.” Tuloy-tuloy siyang dumiretso sa upuang katabi ni Accalia. Parang napapasong napaiwas naman ako ng tingin nang makitang hinalikan siya ng babae sa kaniyang pisngi. “