“Let’s go to Clayhaven. Let’s unwind! Na-stress ako sa inyong lahat. Doon na rin tayo mag-lunch,” Asher said trying to lighten up the mood. Tinapos na nila ang meeting at ngayon ay nandito kaming lahat sa labas ng university. Ilang magagarang sasakyan ang nasa aming tapat, siguro ay sa kanila iyon. “Count us in, Asher. Sasama kami ni Tyler.” Ngayon ay nakangiti na si Accalia. Nakahawak muli ang kamay nito sa braso ng lalaki. Her slim arms seem so perfect around his muscular body. “Sumama ka rin, buddy.” Inakbayan ni Ethan si Jasper na nangingiti lang sa isang tabi. Tahimik lang itong nagmamasid sa kanila, ngunit ramdam mo pa rin ang saya sa kaniya. “Come with us, Celestine. Siguradong mag-eenjoy ka roon sa Clayhaven.” Anyaya naman ni Amori habang may malaking ngiti sa labi.