“Good morning, little pumpkin. Kumain ka muna bago kita ihatid sa Mourose.” Nakangiting bungad ni Mr. Tummy nang makababa ako ng hagdan. “Good morning to you too, Mr. Tummy.” I smiled at him and looked around to see if grandmama's also awake. Iginiya niya ako papunta sa dining table, akala ko ay makikita ko siya ro'n ngunit bigo ako. “Gising na po ba si grandmama?” tanong ko nang hindi na makatiis. He pulled the chair for me and I immediately thanked him. “Hindi raw siya makakasabay sa pagkain kaya kumain ka na.” Umupo na rin siya sa katapat na upuan ko. Nalungkot ako dahil doon. Ito ang kauna-unahang beses na hindi kami magsasabay mag-almusal. “Uh, pupuntahan ko na lang po siya sa kwarto niya,” saad ko ngunit mabilis siyang umiling sa akin. “Hayaan mo na munang ma