Chapter 6: Messy Day

2508 Words
Vix's POV "Sir. Nandito na po tayo." sambit ng aking driver, sandali akong napasilip sa labas at nakitang nasa Airport na nga kami. We're flying using Babi's private plane. Well, she insisted kahit na sinabi ko na sasakay na lang kami ni Cira ng Eroplanong pampubliko. Tsk! Speaking of the bruha! Sandali akong napasilip sa aking relos, mayro'n na lamang siyang sampung minuto bago ang oras ng flight. "Maghintay muna tayo ng ilang minuto." mahinahon kong sambit. "Sige po, Sir. Vix." nakayuko niyang sagot. Napatitig na lamang ako sa bintana upang aliwin saglit ang aking sarili. Cira's POV Nagmamadali akong nagbibihis, s**t. Ilang minuto na lamang ay mali-late na ako. Huhu, bwisit na alarm clock! Kailangan ko ng palitan, hindi ba naman tumunog ng saktong oras! Kaya ito, nagmamadali tuloy akong nagbibihis, habang nagbibihis ay inayos ko na ang lahat ng dadalhin kong mga gamit, pero nakaayos naman na ang aking mga damit. Simpleng black dress lang ang sinuot ko. Madali akong tumakbo palabas ng aking silid bitbit ang isang maleta sa aking kaliwang kamay habang bag at make up kit ang nasa kanang bahagi ng aking kamay. Dumiretso ako sa kitchen, ininom ko sandali ang ininit kong tubig saka sumubo ng tinapay na nasa ref, wala na akong time para initin pa ito. Nang matapos kong manguya ay mabilis akong uminom muli ng tubig at saka dumiretso sa lababo upang magsipilyo. Habang nagsisipilyo ay biglang pumasok sa aking isipin ang itsura ni Sir. Vix na kunot na kunot ang noo at masamang nakatitig sa akin. Bigla ay nalunok ko ang tubig na hindi naman dapat. 's**t!' That gave me goosebumps! Oh my God! Kung gusto ko pang mabuhay, kailangan ko ng mas bilisan pa. Kaya't mabilis kong tinapos ang pagsisipilyo, mabilis kong hinila ang maleta at hinablot ang bag sa lamesa saka mabilis na tumakbo palabas. Bago dumiretso sa pinto ay kumuha muna ako ng sapatos, wala na akong oras makapamili kung kaya't kung ano ang una kong nakuhang sapatos ay hindi ko na napagtuunan ng pansin. Mabilis akong tumakbo palabas, mabilis kong nai-lock ang pinto. Wala akong sinayang na segundo at saka mabilis na tumakbo sa hallway pababa ng aking condo. Mabilis akong nakababa, ngunit ang problema ay mukhang matumal ang Taxi ngayon, s**t paano na ako nito? Taranta akong napatitig sa aking relos na pambisig at nakitang saktong alas siyete na ng umaga! s**t! I'm doomed! Nanlalaki ang mga mata kong nagpalinga-linga sa paligid upang maghanap ng masasakyan ngunit sa kinamalas-malasan ay wala akong makita! Jusko naman! Ano bang nagawa ko at bakit parang sobrang malas ko ngayong araw?! I'm sure, sobrang galit na ni Sir. Vix. Omg! Namomroblema akong napayuko at wala sa sariling napahawak sa aking noo na wari mo ay nag-iisip ako ng malalim. Wala sa sariling napa-angat ako ng tingin ng bigla ay may pumaradang sasakyan sa aking harapan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng bigla ay makita ko ang knight in shining armor ko! Yes! "Charles!" malakas kong tili. Mabilis akong napangiti ng malawak ng masilayan ko siya, mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya. Pagkababang pagkababa niya ay mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "Woah, woah, woah! Chill, Cira my loves! Ako lang 'to, bakit mo ako niyayakap ng mahigpit? Mamaya baka isipin kong mahal mo na rin ako." pabirong saad niya. Kaya naman ay mabilis ko siyang nahampas sa braso. "Sira. Pfft! Ayan kana naman sa kagaguhan mo." natatawa kong sambit. "Bakit naman kase nangyayakap ka? Alam mo namang assumero ako e." maktol niyang saad. Napailing na lamang ako saka sumakay sa sasakyan niya. "Woah! Wait, Cira! What the!!" sigaw niya. Wala naman na siyang nagawa ng makaupo ako sa driver's seat. "Pumasok ka na if you want to go too." pa-cool kong saad. Pagkalito ang bumakas sa kaniyang mukha, gusto kong tumawa ng malakas ngunit wala na akong oras, kada segundo para sa akin ay mahalaga. Buhay ko ang nakasalalay rito! Wala siyang nagawa, sandali pa siyang napakamot saka sumakay sa shotgun seat. Ngunit kaagad rin siyang bumaba saglit. "What the hell, Charles!? Mali-late na ako bakit ka pa--" hindi ko naituloy ang sasambitin ko ng bigla ay makita ko sa rear mirror na inilagay niya sa trunk ang maleta ko. Napatitig na lamang ako sa kaniya hanggang sa makasakay siya sa shotgun seat ay iniabot niya sa akin ang bag at itinaas ang sapatos kong dala. Kaagad nanlaki ang mga mata ko ng makita kong rubber shoes ang nakuha ko! s**t! My fashion! "Oh my god! Bakit iyan nakuha ko!?" hindi ko napigilang sigaw. "Pfft, malamang sa kakamadali mo." natatawa niyang sambit. Shit, aalis na ba ako o papalitan ko pa ang sapatos na nakuha ko? Trabaho ko o sense of fashion ko? Oh my god! Bahala na! Mabilis kong pinaandar ang sasakyan habang nakapikit. "Hey! Cira, huwag kang pumikit habang nagmamaneho. Kung ayaw mong mamatay talaga tayo ng literal!" nahintatakutang saad niya. Dahan-dahan naman akong napadilat ng aking mga mata saka muling itinigil ang pagmamaneho. Malalim akong napabuntong hininga kasabay determinado kong pagtitig sa harapan at paghigpit ng aking kamay sa manibela. "Ayusin mo ang seatbelt mo kung gusto mo pang mabuhay." simple kong saad kay Charles. "What?" lutang niyang sagot. Wala sa sarili akong napangisi kasabay ng pag-iling ko. Mabilis kong pinaandar ng walang pagdadalawang-isip ang sports car niya na ngayon ay minamaneho ko. "f**k! Cira!" malakas niyang sigaw. Ngunit napangisi lamang ako ng malawak kasabay ng mabilis kong pagmamaneho. Within fifteen minutes, mararating ko ang Airport. Hindi ko na pinansin pa si Charles na halos malukot ang mukha sa sobrang takot, pfft. Napakabakla talaga nito. Sinabihan ko na kaseng ayusin ang seatbelt eh, lutang pa din haha. Nakita kong mabilis niyang inayos ang seatbelt habang mahigpit na nakakapit roon. Dahil sa medyo na-distract ako ay hindi ko nakita ang isang paliko na daan, nakalabas na ng kaunti ang sasakyan niya. Ngunit hindi na ako puwedeng tumigil pa dahil mali-late ako ng sobra kung kaya't mabilis kong tinapakan ang silinyador at mas lalong napahigpit ang kapit sa manibela. "Fuckkk! Cira! Slow down! s**t! Sinasabi ko na nga nga ba e! Ahhh!" malakas na sigaw ni Charles ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Napangisi ako ng malampasan ko ang sasakyan na iyon, ngunit kaagad ring nawala dahil sa pasuray-suray na sasakyan na sasalubong sa amin. Napatigil sa pagngawa si Charles, mukhang napansin niya rin. Napataas ako ng kilay, saka hindi tinigil ang pagmamaneho at hindi ko man lang binagalan. Tsk! "Baliw ka ba?! Mababangga ang sasakyan ko kung hindi mo ititigil ang sasakyan kita mo ng pasuray-suray ang kotseng pasalubong--Oh s**t! Ciraaa!!!" Kaagad na napakunot ang noo ko dahil sa malakas na pagsigaw ni Charles, napaka bakla talaga. Nang malampasan namin ang sasakyan ng kaunti ay binuksan ko nag bintana. "Dipshit! Hindi kana dapat nagmamaneho kung patanga-tanga ka!" malakas kong sigaw sa driver. Mukhang lasing, tsk. In a broad daylight, lasing siyang nagmamaneho! Tsk! Inis akong napatitig sa harapan ngunit napalingon din saglit ng makita kong nanlalaki ang mga mata ni Charles habang nakatulala sa akin. Napangisi na lamang ako saka mabilis na napailing. Pfft, his face is priceless! Hindi ko na lamang siya pinansin pa at saka mabilis na nag-focus sa pagmamaneho. ----- Vix's POV Masama ang tingin ko habang nakatitig sa daan kung saan maaaring dumaan si Cira. Takte! She's late for more than twenty minutes! Where the hell is she?! Napakakupad talaga pag babae! Grr!! Mabilis akong nagitla ng bigla ay may mabilis na sasakyan ang humaharurot papunta sa aming direksyon kung kaya't napaatras ako ng bahagya saka napaawang ang labi at hindi napigilan ang mapasinghal. Bwisit ito ha, sasabay pa sa init ng ulo ko! Naglakad ako palapit dito upang sigawan ngunit napatigil ako ng bigla ay ang lumabas roon ay si Cira. Napatawa ako ng hindi makapaniwala. Tsk, akalain mo nga namang may lakas ng loob pa itong bruhilda na'to magpakita sa akin. "Aba't may gana ka pang magpakita sa akin! Hoy babaita! Nagiging hobby mo na yata ang maging late at hindi ka pa nákuntento balak mo pa yata akong patayin sa takot! Babanggain mo ba ako!?" hindi ko napigilan ang mapasigaw habang nakapamewang na masamang nakatitig sa kaniya. Cira's POV Napayuko na lamang ako ng marinig ko ang sigaw ni Sir. Vix. Wala akong karapatan para attitude-an siya dahil siya ang superior sa akin, I should act accordingly to my place. Dahil kung hindi ay malamang na mawawalan ako ng trabaho. Naglakad siya palapit sa akin, ngunit pareho kaming natigilan ng bigla ay lumabas sa shotgun seat si Charles na susuka-sukang naglakad palapit sa amin. Shit, I forgot about him! Kung kaya't umalis na muna ako sa harapan ni Sir. Vix at mabilis na lumapit kay Charles. "Charles! Omg." kinakabahan kong sambit habang inaalalayan siyang makatayo. "Cira... f**k. You've got me again." nanghihinang saad niya. Napaangat siya ng tingin. Kaya naman napakagat labi ako, habang pipikit-pikit ang matang napatitig sa kaniya. Napasinghal siya sandali at napalihis ng tingin kung kaya't hindi ko napigilan ang mapangiti ng malawak at napayakap ng mahigpit sa kaniya. "Ayan kana naman Cira. Dinadala mo na naman ako sa mga pa-cute mo." mahinahon niyang sambit. Kung kaya't mas napangiti ako lalo. "Thank you, Charles. I owe you a lot." sinsero kong sambit. Napasinghal na lamang siya. "Pshh. May magagawa pa ba ako? Nandito na tayo e. Tagal-tagal kong hinanap Condo location mo eh. Tapos ngayong nahanap ko na aalis ka naman." Napakamot na lamang ako sa kilay ko. Akmang magsasalita na ako ng may marinig kaming tumikhim sa aking likuran. Doon ay natuod ako sa aking kinatatayuan ng mapagtanto kong nasa likuran ko pala si Sir. Vix. "Sir. Vix..." mahina kong sambit. Walang emosiyon siyang nakatitig sa akin. Or sa amin? Papalit-palit kase siya ng tingin sa amin ni Charles. "I'll give you ten minutes with your dude, the plane will left if ma-late ka pa ng kahit isang segundo." diretso niyang saad saka mabilis ka tumalikod. Napahinga naman ako ng malalim. "Who's he?" "He's my boss." "Boss? Boss your ass. Mayaman ka e." Napakagat-labi ako sa sinambit niya, yeah. He still doesn't know my situation. Hindi niya pa rin alam na lumayas na ako sa amin. Ilang taon rin kaming hindi nagkita ni Charles, actually ngayon lang ulit kami nagkita. Charles is my childhood bestfriend s***h, may gusto sa akin. Pero nilinaw ko na sa kaniya na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. He accepted it saying that he'll wait. Hinayaan ko na lamang siya dahil sobrang makulit siya. He's always beside me, wherever I go. Nagkahiwalay lang kami dahil nung nag first year college ako sakto na lumayas ako sa amin ay kinakailangan niyang lumipad papuntang USA. And after that, ngayon na lang ulit kami nagkita. "Cira." pag-agaw niya ng pansin sa akin. Nabalik ako sa wisyo ng bigla ay marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Huh?" lutang kong saad. Pinitik niya ang noo ko. "Ouch! What was that for?" naiinis kong saad. Bahagya akong napahawak sa aking noo. Hindi siya nagsalita bagkus ay may kinuha siya sa Driver's seat. My shoes. Hindi ako nakapagsalita ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko at dahan-dahan niyang isuot sa aking mga paa ang aking sapatos. Bahagya niyang pinagpagan ang aking paa bago isuot ang sapatos dahil sa madumi iyon dahil nakayapak na ako simula paglabas ko ng aking condo. Napatitig na lamang ako sa kaniya habang ginagawa iyon. Charles is sweet, gentleman, kindest man I've ever known. He's been like this to me ever since we were young, he always treating me like a princess. Which is I don't deserve his love, his love for me is genuine and I'm so guilty with that, Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang magustuhan. Actually, he's perfect boyfriend. Siya yung tipo ng lalaki na pinapangarap ng karamihang babae. Sadly, I'm not one of those women. Nabalik ako sa wisyo ng bigla siyang tumayo at muli ay pinitik ako sa noo. "Ouch! Ano ba Charles ha! Nakakadalawa kana." maktol kong saad. "Kahit kailan, Cira. Hindi ka na nagbago, wala ka sa mansion niyo para magpaa. Ilang taon na ang nakalipas, you're an adult now. Hindi kana bata, but looks like bukod sa gumanda ka hindi ka pa rin nagbabago." Hindi ko alam kung magagalit ako or what dahil sa sinabi niya pero masama akong napatitig sa kaniya. "Anyways, I'll come with you." "What!?" Hindi ko napigilang sigaw. s**t! He can't be with us! I'm working there! "Lower down your voice Cira. Baka nakakalimutan mo, pinahiram kita ng kotse ko. Isama mo ako since nandito na rin naman ako. Saan ka ba pupunta? Magbabakasyon ka na naman ba?" Napakagat labi ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Anong idadahilan ko? "Uh... Ano kase Charles e..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla ay may magsalita sa likuran ko. "Cira! Ano ba?! Mali-late na tayo. Late kana nga, tagal-tagal mo pa!" Shit! I am doomed! Napatitig ako kay Charles ng bigla ay kumunot ang noo, s**t. s**t. s**t. Bigla akong humarang sa daraanan ni Charles dahil sa alam kong balak niya itong lapitan. Naku, away ang mangyayari at worst baka matanggal ako sa trabaho ko! "Get out of my way, Cira. Who's he to yell at you like that?" inis n'yang sambit. "Charles please... U-umuwi ka na." nagmamakaawa kong sambit. "What? No way. Isasama kita. Bakit kita hahayaan sumama sa gagong iyan? Bakla ba iyan bakit palaging nakasigaw?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinambit niya! f**k! Charles and his foul mouth! I'm sure narinig ni Sir. Vix iyon kung kaya't mariin akong napapikit ng aking mga mata ng bigla ay napasinghal ng malakas si Sir. Vix. s**t. "Excuse me whoever f*****g you are mister. Iniistorbo mo ang dapat ngayon ay nakaalis na ang private plane namin and yet ang kapal ng mukha mong insultuhin ako?!" Mabilis akong humarap kay Sir. "S-Sir. Vix. Mauna na po kayo sa loob, Give me five minutes. I'll just bid a goodbye to him." nagmamakaawa kong sambit. Napatitig muna siya sa akin. "Five more f*****g minutes." sambit niya kasabay ng pagtalikod niya at paglakad palayo. "Cira." "Charles please. I'll explain to you everything pag nakauwi na ako. For now, I need to go. My boss is waiting for me." "Cira--" "I know you have a lot of questions but please... " Napatitig naman siya sa akin saka malalim na napabuntong hininga. "Alright, I'll listen to you. Contact me if ever na makauwi ka. Hihintayin kita. Mark my words or I'll investigate myself, Cira. Gusto mo ba iyon? You know I can do that." "S-sige." Walang salita siyang lumapit sa akin saka inayos ang suot kong damit saka ako hinagkan sa aking noo kung kaya't hindi ko napigilan ang mapapikit na lamang. "Take care, Cira." Napatango na lamang ako, kasabay no'n ang pagtalikod niya at kinuha ang maleta ko. "Now go. Before I change my mind." Napatango na lamang ako saka mabilis na napatakbo palayo. 'I'm so sorry, Charles...' To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD