Chapter 5: First day trouble

2535 Words
Third Person's POV *Cringggg Malakas na tumunog ang alarm clock na kasalukuyang nasa ibabaw ng bedside table ng dalaga. Mabilis na nagitla ang dalaga at kaagad na napatayo dahil sa gulat. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang tignan kung anong nangyari. Ngunit dahil sa lutang pa dahil bagong gising ay napatitig siya sa kawalan. Ilang minuto siyang nasa ganoong ayos ng mapatitig siya sa alarm clock na kasalukuyang malakas na nag-iingay. Nakita niyang 6:00 AM na ng umaga. Napahinga siya ng malalim saka muling humiga at pinatay ang alarm clock. 'Masiyado pang maaga bakit kaya tumutunog na ang alarm clock? tsk. sira na yata iyan. naku, kailangan ng palitan.' Sambit niya saka muling pinikit ang mga mata ngunit hanggang pagpikit niya ay hindi maalis sa isipan niya ang alarm clock na alas sais ng umaga nakatigil. Napakunot siya ng noo. 6 am... 6 am... 6 am... "What's with six AM?" hindi napigilang tanong niya sa sarili saka muling pumikit ngunit saktong pagpikit niya ng mga mata ay may tinig siyang narinig mula sa kaniyang isipan. Nagpaulit-ulit ito. 'You can start tomorrow, be here at six in the morning.' 'You can start tomorrow, be here at six in the morning.' 'You can start tomorrow, be here at six in the morning.' Natigilan siya at mariing napapikit ngunit ng bigla niyang mapagtanto ang lahat ay malakas siyang napasinghap at mabilis na napadilat ng mga mata. Nanlalaki ang mga mata niyang napatalon mula sa kinahihigaan. "Oh my God!!" Kumaripas siya ng takbo papasok sa banyo saka dali-daling kumilos, taranta ang bawat pagkilos niya dahilan para magulo ang lahat ng gamit niya. Samantala ay inip na inip na nakaupo habang nakadekwatro ang binata, kunot na kunot na ang noo nito habang masamang nakatitig sa pintuan. It's six and half in the morning, Cira is late. mahigit kalahating oras na siyang late at ngayon ay naiinip na si Vix, isa sa pinaka ayaw niya ay ang pinaghihintay siya ng matagal. "Where the hell is she!? Geez! pa-VIP iyang babaeng iyan! Sinabi mo kaseng mahalaga siya at kailangan natin siya, ayan tuloy Babi! feeling VIP na siya!" Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Babi dahilan para mapaungos na lamang ang binata. Kunot na kunot na ang noo nito habang nakatitig sa pintuan. "Calm yourself down, Vix. Bakit ba ang init ng ulo mo pagdating kay Cira?" 'So she has a name huh? What an ugly name!' "Tsk!" Hindi nalang umimik ang binata bagkus ay napasimangot habang nakapikit, it's his way for calming himself. 'Ikalma mo, Vix. Remember that you judged her yesterday so you should be kind to her, except that you need her in your team, you don't know her at all. you didn't even say sorry to her.' Sambit ng kabilang utak ng binata, sunod-sunod siyang malalim na napahinga, kasabay niyon ang malakas na pagbukas ng pinto. Dahilan para lingunin iyon ng lahat dahil sa lakas ng pagkakabukas nito. Lahat sila ay napatulala sa nakita, bumungad sa kanila si Cira na gulo-gulo ang buhok, halatang kakaligo lang ngunit hindi pa nagsusuklay. walang make up ang mukha kung kaya't maputla siyang tignan. Hindi maayos ang pagkakabutones ng blusa kung kaya't nasisilip ang dibdib niya. Nahigit ni Vix ang kaniyang paghinga kasabay no'n ang mabilis niyang pagtayo at nanlalaki ang mga matang tumitig sa dalaga. "Hoy! Ano ba sa tingin mo ang pupuntahan mo?! Bakit ganiyan ang itsura mo?!" Malakas na sigaw ni Vix, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang nararamdaman. Parang naiinis siya na ewan, basta ayaw niya ng makita pang muli na ganoon ang hitsura ng babaitang ito. "Vix!" "What!?" "Huminahon ka nga muna. Cira, let's go to my office." Hindi naman nagsalita si Cira bagkus ay kagat-labi siyang naglakad ng dahan-dahan papunta sa office ni Babi. Pagkapasok ay mabilis siyang napayuko. "What happened?" Mariin siyang napapikit ng mga mata saka napatunghay, saka mahinang sumagot. "I'm sorry po, Miss Babi, nalate po kase ako ng gising. Yung alarm clock ko, tumunog po saktong six AM." "I told you, six ng umaga nandito kana dapat, you see? Vix is sensitive. He doesn't want to wait, we never keep him waiting, mabilis kase siyang mainip." "I'm sorry po, hindi na po mauulit." Nakayukong paumanhin ng dalaga, napabuntong hininga na lamang si Babi saka tumango sa kaniya. "Alright, since it's your first day, I'll let it slide. Pero hindi naman kase araw-araw nandito ako, si Vix ang bahala sa iyo, we'll see what happens if he's the one who managed this branch." "S-sige po, miss!" Cira's POV "let's go back, we need to hurry and discuss what we need to do. Wait, before that, you need to fix your clothes." Kaagad akong napatingin sa suot kong damit at ganoon na lamang ang panglalaki ng mga mata ko ng makita kong nakabukas pa ang dalawang butones na nasa unahan. 's**t! Don't tell me na lumabas ako ng condo ko ng nakaganito?!' 'Argghh! f**k s**t! Tanga mo talaga, Cira!' Mabilis kong inayos ang aking suot nang matapos ay kinuha ko ang salamin at mabilis na naglagay ng liptint at pulbo, walang hiya mukha na naman akong bangkay. hindi kase ako mahilig maglagay ng make up. Liptint lang okay na. Nang makuntento ako sa aking itsura ay mabilis akong humarap, napatingin siya sa akin ng nagtatanong ang mga mata kung kaya't naman napatango ako sa kaniya. Tumango rin naman siya kung kaya't tahimik akong sumunod sa kaniya palabas ng silid na ito. Kagat kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang naglalakad ako kasunod kay miss Babi. Napayuko ako ng marating namin ang meeting room. Anim na katao lamang ang narito, kasama kami ni miss Babi. Kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa rin na pagmasdan ang paligid, this room looks simple yet elegant, puti ang pintura at may gray linings sa bawat gilid at sulok ng kisame at pader. Sa gitna naman ay ang round table kung saan kasalukuyan nakaupo ang lima pang katao, hindi ko pa kilala ang ito, nag-iisa lamang na lalaki si Vix. este, Sir. Vix pala. Nagitla ako ng tumama ang paningin ko sa kaniya dahil sa sobrang sama ng pagkakatitig niya sa akin. "Vixxeon Lei." “Oh my god Babi! I told you not to call me with that!” “I thought I told you not to look at her like that." "Tsk, kabago-bago sakit na agad sa ulo. She should be here, an hour earlier before the meeting. She should impress us." "Enough, we'll start with the topic." Pinaupo ako ni miss Babi sa katabi niyang upuan kaya naman tahimik akong umupo. "So I forgot, you need to introduce yourself with her. She's new with our team, I'm expecting that you'll treat her nice." "Yes,ma'am." "Opo, ma'am Babi." "Alright, start with our head. Vix, introduce yourself." "What? ano 'to? high school?" "Shut up and do what I said." "Tsk, Vixxeon Lei. 27 years old, single. I'm the head team of this department, well I'm also acting CEO of whole Andrade's Corporation." Napanganga ako sa sinambit niya, s**t! Hindi naman pala kase siya basta-basta pero kung laitin ko siya nung una naming pagkikita jusko, I don't want to remember that stupidity of mine. Napakagat-labi ako ng dumako sa akin ang paningin niya, He's already thirty na pala, pero bakit parang ang bata niya tignan? Parang ka age ko lang siya e. Tinitignan niya ako na para bang sinasabi niya na 'Kilalanin mo kung sino kinakabangga mo.' "Alright, no need to tell that your single no one asked you." "What!?" "I'm kidding, alright proceed." Sunod naman na tumayo ang nasa tabi niya, Lahat pala ng narito sa loob ay babae, maliban lamang kay Sir. Vix. "Ariana. I'm Sir. Vixxeon's secretary." "Yah! Pati ba naman ikaw?" "Sorry, Sir. pfft!" "Tsk!" "Rhea. The dress maker." "Clara. The designer too, just like Sir. Vix." "Krisha. Dress maker too." Sunod-sunod naman akong napatango, so looks like they're complete na why do they need pa here? Omg. Bakit ba nagco-conyo ako? aish! "Alright Cira. Now you know their names, feel free to approach them if you have a question or if you want a help. Maybe you're asking why would we need you because looks like we are complete as a team, well. Uunahan na kita. Yes, we are complete as a team, but we have a current project, a mass production of many designs of dress or anything. We need many designs as soon as possible, because this project will launch a year from now." "Mukha pa naman pong matagal. Makakapag-isip pa po kayo." "Yeah, that's the problem. We can think, but we don't have enough time to just think. All of the people here are professional, unlike you na nagsisimula pa lang sa industriyang ito. But the fact na we can't think new designs. Hindi naman ako makapokus dahil may mga anak ako. Si Vix, nakakapag-isip naman at nakakagawa ang problema nga lang is, hindi niya kakayanin mag-isa. We need more people to help, that's why we're hiring people." "..." "Dahil sa maarte si Vix, walang nagtatagal dito dahil sa masakit siyang magsalita." "Tsk, kung hindi kase sila tatanga-tanga, hindi ko naman sila mapagsasalitaan ng kung ano-ano." "Shut up." "Tsk!" "Anyway, let's proceed. Cira, I've seen all of your work, your designs caught my attention. These designs are new to my eyes, I've never design like this. Wait, let me show them what I'm talking about." Napakagat labi ako, takte haha. Ganito ba pakiramdam kapag pinupuri ka? Para akong hinehele. Pinagmasdan namin si miss Babi na ilagay ang flashdrive sa monitor. nang malagay ay pumunta siya sa isang folder. at ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko lahat ng mga d-in-esign ko sa past school ko ay nasa kaniya. "Paano niyo po--" "Hiningi ko sa dean ng school natin." "Omg." Wala akong masabi, napaka-makapangyarihan talaga ni miss Babi. I didn't know that she can get that because as far as I know, sobrang higpit ng security sa greece. Wala naman ng nagsalita, maya-maya pa ay isa isa niyang pinakita sa lahat ang gawa ko. Una niyang binuksan ang isang larawan. Kung saan ang design ko doon ay ang pangarap kong gowns nung nag-debut ako. Pero dahil wala naman akong kontrol sa sarili ko ay hindi ko nagawa iyon, hindi pa rin ako marunong magtahi that time, well until now hindi ko pa rin master ang pagtatahi. kaya ko, pero not enough kung maituturing professional. It was red gown, dalawa ang slit sa ibaba, hindi naman siya revealing tignan, dahil sa long sleeve iyon pero may slit din sa magkabila. hindi masiyado ang pagkakababa sa bandang dibdib, yon nga lang, backless siya. Kaya rin hindi ako pinayagan ni Daddy before na suotin ito. "What is this? For a beautiful gowns like this, this gown must be important to you." "Yeah, Miss Babi. that gown, I designed that for my debut. But because of it's design my father didn't allow me to wear that. I couldn't wear it. I designed that because I couldn't see anything that will suit my taste, if fashion we're talking about, hindi ako nagpapahuli." "..." "That was the very first thing that I've draw, I just draw what I imagined." "Imaginative person like you will make the designs more detail and unique." "Yeah, Miss. But I'm a little upset that I couldn't wear that, that's why I kept it. When I studied in New era, one prof there ask us to draw what our dream to wear when we celebrate our debut." "I see." Sunod-sunod niya pang ini-slide ang mga picture, kasabay ng bawat pag-slide niya ay pumapasok sa aking isapan ang bawat memorya na meron ako. Hindi ko napigilan na mapangiti, four years had passed since I left our home, this time sisiguraduhin kong hindi ko pagsisihan ang pag-alis ko sa aming tahanan. yeah, I'm already twenty four years old now. Fresh graduated this year. I really wanted to become a famous designer, just like with miss Babi. "You saw what she's capable of, that's why we need her in our team, umaasa ako na lahat kayo ay pakikisamahan siya ng maayos. maliwanag ba?" Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si miss Babi. Sabay-sabay naman silang napatango. Kung kaya't hindi ko napigilan ang mapangiti. This is it, my first step to reach my dream! Omg, I can't wait enough! I'll promise that I will do my best, para sa pangarap ko. "Tomorrow, we'll start working our ass to work. We only have limited time, days can't be wasted. We should produce more designs." "..." "Meeting adjourned. Cira and Vix, come with me in my office. I need to discuss something with you two." Napatulala naman ako kaagad, ako ba ang tinutukoy niya? Napaturo ako sa sarili ko at wala sa sariling napatingin kay Sir. Vix. Napasinghal na lamang siya saka ako inirapan at tinalikuran. Napatulala na lamang ako sa ginawa niya. ang taray niya talaga. Huminga na lamang ako ng malalim, patience Cira. Patience, kapag pinatulan mo iyan, ikaw ang mawawalan ng trabaho at mapupunta sa wala ang nasimulan mo. Matapos iyon ay sumunod ako sa kanila, nadatnan kong nag-uusap sila sa loob. "Here you are, may iuutos áko sa inyo ni Vix. come, sit here." Tahimik lamang akong sumunod sa sinambit ni miss Babi, hindi ko na nilingon pa si Sir. Vix dahil sa baka mapikon lang ako at mapatulan ko siya. "Vix, you remember my private island in Greece?" "Tsk, Babi. How could I forgot that? doon nga kami nagkakilala. Diba? Sinabi ko naman na sa'yo." "Excuse me, hindi mo sinabi sa akin ang lugar." "Hindi ko ba nasabi?" "Paulit-ulit?" "Aish!" "As what I'm saying, pumunta kayo ni Cira doon." "What!?" "Po!?" Mabilis na napatakip ng tainga si miss Babi, well hindi ko naman siya masisisi at talagang napasigaw kaming pareho ni Sir. Vix. "Hinaan niyo nga ang boses niyo!" Sabay naman kaming napatahimik ni Sir. Vix ng biglang sumigaw rin si miss Babi. Pero alam mo 'yung sigaw na mahinahon? Pfft. ewan ko ba dito kay miss, hindi mo malalaman ang emosiyon niya kung hindi mo pag-aaralan na mabuti. Napaka mahinahon kase ng boses niya. "I forgot something there, my sketch pad. May mga design ako na p'wede natin maisama." "Bakit po kasama pa ako?" "Tamad si Vix." "What?!" "Yeah. Tamad ka naman talaga, kaya ikaw Cira ang uutusan ko and Vix will guide you there. Don't worry, I'll give you one week para mag-stay doon." "Talaga po!?" "Omg, Babi for real?" "Yeah, puwede naman kayong hindi magsama doon, basta samahan mo lang si Cira doon sa island until mahanap niyo iyon, medyo may katagalan na nga lang, kase nalimutan ko kung saan ko doon banda naiwan e." "Alright." "Wait, papayagan ko kayong magbakasyon doon ng isang linggo pero mag design pa rin kayo roon. Remember that we don't have much time." "All right. Babi." "Sige po miss." "Don't worry, sagot ng company lahat ng cost niyo." Hindi ko napigilan ang mapakurap ng sunod-sunod sa sinambit ni miss. Babi, omg! This is it! Hahaha! Hindi kase ako nakapag bakasyon sa apat na taon na lumipas, puro pag aaral ako. Ang swerte ko naman kase yung bakasyon ko makakapag trabaho pa rin ako! Yes! Excited na ako! To be continued.... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD