Cira's POV
Kaaalis lang ng pribadong eroplano na kinasasakyan namin ni Sir. Vix. Kasalukuyan akong nakatitig sa kalangitan.
Napakagandang titigan, nakaka-relax talaga titigan ng mga ulap. It's been so while since the last time I've last seen this kind of view, probably when I was at our home.
Wala sa sariling napatingin ako kay Sir Vix at gano'n na lamang ang pagkagitla ko ng makita kong titig na titig siya sa akin.
Masamang titig to be exact. Nagtatanong ang mga mata kong napatitig din sa kaniya ngunit inismiran niya lamang ako.
Kanina pa iyan ganiyan hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang ay na-late ako ng dalawang beses. The rest about kay Charles na.
Speaking of the devil, I'm sure na sobrang curious na no'n. I'll text him as soon as makalapag itong eroplanong kinasasakyan namin.
I owed him a lot, he's been helping me since then and besides, parang kapatid na din kase turing ko sa kaniya kahit noon pa man.
Malakas akong napabuntong hininga saka ipinikit ang aking mga mata, matagal pa ang biyahe. Mabo-bored lang ako kung hindi ako matutulog.
Vix's POV
Masama akong napatitig kay Cira na ngayon ay prenteng nakaupo at kasalukuyang nakapikit, tsk. May gana pa siyang gumanyan ha? Ang kapal talaga ng mukha.
Kanina pa kumukulo dugo ko sa kaniya magmula ng siya ay ma-late. Nakakainis! Palagi na lang siyang late! Bagay na pinaka-ayaw ko ang pinaghihintay ako! Tapos takte hindi lang minuto kung hindi ay pinag-antay niya ako ng mahigpit isang oras!
Nakakasira ng araw tong babae na ito! Tapos ang landi landi pa tsk! May pa suot-suot pa siya ng sapatos sa ibang lalaki di niya ba kayang magsuot sa sarili niya lang? Tsk!
Napairap na lamang ako sa kawalan, wala akong mapapala kung iisipin ko pa ang walang kuwentang bagay, kahit sa sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kabilis mairita pag dating sa kaniya.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata.
----
'Please fasten your seatbelt, we're going to land.'
'Please fasten your seatbelt, we're going to land.'
'Please fasten your seatbelt, we're going to land.'
Iyon ang nagpaulit-ulit sa aking pandinig dahilan para magising ng tuluyan ang aking diwa. Pupungay-pungay akong napasilip sa bintana at gano'n na lamang ang pagkagulat ko ng makita kong gabi na.
Mabilis akong nag-inat ng katawan, matagal na oras pala akong nakatulog. Habang nag-iinat ay wala sa sariling napatingin ako sa aking harapan kung saan nakaupo si Cira.
Pfft. Tulog-mantika. Bahala siya jan sa buhay niya. Hindi ko alam kung tatawa ba ako or what pero natatawa ako sa itsura niya.
Haha ang panget niya, nakanganga ba naman. Hindi ko napigilan ang mapangisi kasabay ng paghikab ko at pag-iwas ng tingin sa kaniya dahil saktuhan na nagkatitigan kami the moment na binuksan niya ang kaniyang mga mata.
Kunwari ay abala akong nakatitig sa bintana, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Mga titig na nagtatanong, tsk. Napasama pa pagtingin ko sa kaniya.
I couldn't help but to look at her using my peripheral vision, mahirap na baka mahuli niya ako at kung anong isipin niya.
I couldn't deny that she's really beautiful. Kakaiba rin yung gandang meron siya, she's not a pure Filipina. That's what I can tell for sure because she has a green eyes that only the European has.
Come to think of it na we've first met here on greece. Is she a resident here?
Nabalik ako sa wisyo ng maramdaman kong nag land na ang sinasakyan naming eroplano. Good thing na pinagawan ni Babi ng Mini-Airport itong Private Island niya.
Maya-maya pa ay tuluyang tumigil ang sinasakyan namin kung kaya't naghanda na ako, mabilis kong inalis ang seatbelt at mabilis na tumayo.
Akmang aalis na ako ng mapansin kong nahihirapan si Cira sa pag-alis ng seatbelt, sandali ko siyang pinagmasdan at hindi napigilan ang mapaismid dahil sa katangahan niya. Tsk. Kahit kailan talaga.
Hindi na ako nakatiis pa at saka lumapit sa kaniya.
Cira's POV
Nahigit ko ang aking paghinga ng hindi ko namalayan na mabilis nakalapit sa akin si Sir. Vix. Bahagya pa akong nagtakha kung bakit siya lumapit at akmang magtatanong ngunit wala akong lakas ng loob.
Hindi ko maintindihan ngunit nakaramdam ako ng panghihina. Siguro dahil pagod lang ako ngunit nasagot ang aking katanungan sa aking isipan ng bigla niyang inalis ang seatbelt na kanina ko pa sinusubukang alisin.
Napakagat labi na lamang ako at hindi napigilan ang mapatitig sa walang emosiyon niyang mukha, he's handsome. Ang kinis ng mukha niya sa malapitan and he smells nice.
Damn, I think I've got attracted to his scent.
Hindi ko napigilan ang mapapikit dahil sa mahalimuyak na amoy ng kaniyang pabango, how come na ilang oras kaming tulog eh napakabango niya pa rin?
Dahan-dahan akong napadilat at napatitig sa kaniya ng makita kong ilang metro lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
I couldn't explain why my heart is thumping so fast.
*Dugdug dugdug
Naputol ang aking pagpapantasya sa kaniya ng bigla niyang ilayo ang aking ulo, dalawang daliri ang ginamit niya patulak sa aking noo.
"Ouch."
"Tigilan mo ko sa katangahan mo, nakakairita." simpleng saad niya saka mabilis na lumayo sa akin.
Hindi ko napigilan ang mapasinghal sa ginawa at sinabi niya. What did he just said? Tanga ako? Huh! Ang kapal naman ng apog niya!
Kasalanan ng seatbelt kase hindi maalis! Bwisit! Inis akong tumayo at sumunod sa kaniya.
"Hoy grabe ka naman makasabi ng tanga--ay!!" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla ay matalisod ako sa hindi ko nakitang bagay na nakaharang.
Dahilan para mapayakap ako kay Sir. Vix na nasa unahan ko.
Back hug.
Napakapit ako ng mahigpit sa kaniyang bewang upang doon kumuha ng lakas dahil sa ilang oras akong nakaupo ay malamang ná makakaramdam ako ng panghihina idagdag mo pa na walang pakundangan akong tumayo.
Vix's POV
Naglalakad ako palabas na sana ng eroplanong ito ng bigla ay maramdaman kong sumunod kaagad si Cira sa likuran ko, sandali akong napasilip sa aking likuran napaismid na lamang ako ng mahina saka nagdire-diretso sa paglalakad.
Ngunit para akong natuod sa aking kinatatayuan ng bigla ay maramdaman kong may kung sino na yumakap sa akin.
Nasa ganoong posisyon kami ng makita kami ng flight attendant nitong eroplano.
Napabuka ang aking labi upang sana magpaliwanag ngunit napagtanto ko bakit naman ako magpapaliwanag wala naman akong ginawa.
Kaya naman nanatili lang na nakabuka ang aking bibig hanggang sa makaalis ang flight attendant na may munting mga ngiti sa labi ka wari mo ay may ibig sabihin ang kaniyang nakita.
Ngunit nabalik ako sa wisyo ng bigla ay humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Cira.
At bigla ay sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang tumibok ng mabilis ang aking puso.
*Dugdug dugdug
What is this? May sakit na ba ako? Bakit ba napapadalas na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko? Sunod-sunod akong napalunok ng aking sariling laway kasabay ng dahan-dahan niyang pag-alis sa pagkakapulupot ng kaniyang mga kamay sa aking bewang.
Gusto kong sabihin na huwag niyang alisin, kakaiba kase yung pakiramdam ngunit mas pinili kong itikom ang bibig ko, baka kung ano ang isipin niya.
Malalim akong napabuntong hininga. "Yet you still deny it." iyon na lamang ang sinambit ko saka dire-diretsong naglakad palabas. Takte mahirap na.
Napabuga ako ng hangin habang naglalakad palayo. Hindi naman mainit pero bakit pinagpapawisan ako?
Nabalik ako sa wisyo ng makita ko sa di kalayuan si Mang Izhagi.
"Mang Izhagi!" malakas kong sigaw kasabay ng mabilis kong pagtakbo palapit sa kaniya, kita ko naman ang pagngiti niya.
Nang makalapit ako ay mabilis akong nagmano sa kaniya.
"Mang Izhagi."
"Señorito!" excited niya ring sambit.
Cira's POV
Naiwan akong nakatulala rito sa gilid habang hindi makapaniwala na napatitig sa dinaanan niyang. That jerk! Sumosobra na talaga siya! Grrr!
Mariin akong pumikit ng aking mga mata saka malalim na huminga ng sunod-sunod.
'Kalma self, Boss mo iyon. Baka mawalan ka ng trabaho pag pinatulan mo pa siya.'
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, bagay na mahirap gawin para sa akin, ang magpasensya at magtimpi ngunit dahil sa kailangan ay wala akong ibang pagpipilian.
Dumilat ako ng aking mga mata saka ngumiti.
"Fighting!" masiglang sambit ko kasabay ng pagsuntok ko sa kawalan.
Mabilis akong bumaba at nakita sa hindi kalayuan si Sir. Vix na nakikipagtawanan sa isang matanda.
Hindi naalis ang tingin ko sa kanilang dalawa habang naglalakad palapit sa kanila.
This is the very first time that I saw Sir. Vix laughed so hard to the point that all of his teeth were visible.
Napatulala na lamang ako habang naglalakad palapit sa kanila.
He's handsome, ewan ko ba hindi ko naman nakikitaan na pagkabakla si Sir. Vix. Siguro silahis lang talaga siya pero kaya pang mapa straight ito.
Napailing ako sa aking naiisip, bakit ba iniisip ko pa iyon? Jusko.
"Pfft. I remember that so well, Mang Izhagi haha. Alexa's face is priceless! I even got her a photo that time pfft!" natatawang pagkukuwento ni Sir. Vix.
Nang makalapit ako sa kanila ay hindi nila napansin na narito na ako kung kaya't mas pinili ko na lamang na tumahimik.
"Time flies so fast Señorito." nakangiting sambit ng matanda.
Now that I'm staring at him this closely I've recognized him. He was the one who's managing this place.
"Yeah, you were right. Mang Izhagi." pagsang-ayon ni Sir. Vix.
"Señorita Babi already told me about you staying here but I didn't know you were with someone." pagbibiro na saad nito.
Napakagat labi ako at napatitig sa ibang direksyon, baka sabihin pa nila na nakikinig ako which is totoo naman pero dapat hindi nila alam.
Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Sir. Vix, kinabahan ako saglit dahil ang akala ko ay sisigawan niya ako or what. But seems I'm wrong.
He pulled me closely towards him, saká ako inakbayan.
"Oh, I almost forgot to introduce her to you, Mang Izhagi meet my partner. Cira. Cira this is Mang. Izhagi, the caretaker of this beautiful Island." pagpapakilala ni Sir. Vix sa amin.
I just at him brightly as I slowly reach out my hand to him to shake our hands.
"Nice to meet you, Mang Izhagi. I supposed to say that you know me." nakangiti kong sambit.
He just smiled back at me and reach my hands.
"I do, Madam. It's been a while since the last time you visited this Island. What happened? Why are you with Señorito Vix now?" curious niyang tanong.
Napangiti na lamang ako sa sinambit niya, I'm right. He recognized me.
"Well, it's a long story but as for Sir. Vix, I'm working with them. I didn't know that Mrs. Andrade owned this Island?"
"Yeah, She doesn't bragged it about. Only few people knew that she was the owner of this place."
Napatango na lamang ako saka wala sa sariling napatitig kay Sir. Vix na nagtatakhang napatitig sa akin na para bang humihingi siya ng paliwanag ko.
"Ah.. remember our first met? I actually regular customer here. I'm always here when I was on our mansion here on Greece. Mang. Izhagi is the one who's always assisting me during my stay here so of course we know each other." paliwanag ko na dahilan ng pagtango niya.
"Anyway, Señorito the same old room?"
"Yes, please."
"And you Madam?"
Napangiti ako sa naging tanong niya. "I wish I could but I'm here not as a visitor anymore, I came here to work. Any rooms would do."
"But Senorita Babi said that you can stay here comfortably. She also said that whatever you both chose I must give it to you."
"Gano'n po ba? If so, then who am I to refuse?" pabiro kong saad na nauwi sa tawanan.
Ang kanina na sila ang nag-uusap at nagtatawanan ay nabaling sa akin.
Vix's POV
Walang emosyon akong napatitig kay Cira. Galing naman nitong babaita na ito nang agaw ng atensyon! Tsk!
Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. This is the very first time that I saw Cira laughed like this.
Laughing like there's no tomorrow, para kaseng ang sama ng timpla ng mukha niya palagi dahil sa make up niya.
Well, bumagay naman ang light make up niya kaso yung sa eye liner nagmumukha siyang mataray.
Hanggang sa makarating kami sa Building kung saan ang hotel.
Hanggang sa maihatid namin si Cira sa kaniyang silid.
"How you get to know her, Mang. Izhagi?" hindi ko napigilang tanong.
Papàtayin ako ng curiousity ko kung hindi ko pa itatanong iyon.
"As what she said a while ago, she's a regular customer here. She looks like a mean girl, but actually I pity that girl. She is fortunate to be born being rich and wealthy but she's unfortunate to have a cruel parents."
"Po?"
"It's a long story, why don't you ask her yourself? I'm in no place to tell you her story. Besides it's not my story to tell."
Natahimik ako sa sinambit niya.
"She's a good girl, Señorito. I can vouch her for that. She may look mean but she's actually kind and softhearted girl."
Napatango na lamang ako sa sinambit ni Mang. Izhagi.
Sa pag-uusap namin ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aking silid.
"Thank you, Mang Izhagi."
"No worries, Senorito. If you need anything just call the reception."
"Alright, thank you."
To be continued...
K.Y.