Kabanata 9

2153 Words
ANDROMEDA "Wala ka bang balak na tanggalin ang posas ko?" hinarap ko ang lalaking nasa gilid ko na kumuryente sa akin kanina.     "Ah pasensya na." tumigil kami sa paglalakad at naglabas siya ng susi tapos kinalag ako sa posas.     "Para akong preso dahil dito." binigay ko sa kanya ang posas at nagpatuloy kaming maglakad.     "Pasensya na talaga."     "Okay lang 'yon, basta huwag ng mauulit. Kapag inulit mo pa, baka doon na ako hindi magpasensya." mabilis siyang tumango. Nasa elevator na kami at kaming tatlo lang ang nasa loob.     "Hindi ko alam na... babalik ka." wika ng lalaking nakahuli sa akin kahapon. 'Yong lalaking nakuhanan ko ng baril.     "Sabi ko sayo eh." nagbukas ang pinto ng elevator at lumabas kami ng gusali. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Napakalawak talaga ng lupa dito, grabe ang ganda.     Pumunta kami sa ikaapat na gusali. Sumakay kami ng elevator at hindi ko nalaman kung saan kaming palapag huminto. Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang pader ng malawak na kwarto na gawa sa matibay na uri ng glass. Maraming mga naglalakad na babae at lalaki na nakasuot ng puting coat, ay yung iba ay naka-face mask. Malayo sa elevator ang kwartong pinasok namin, pero malawak ito at halos lahat ay puti ang kulay ng mga kagamitan.     "Abacus." tawag ng lalaking kumuryente sa akin. Nakita ko ang paglabas ng lalaki mula sa isang maliit na kwarto na natatakpan ng tela.     "Oh, Aluminum! May kailangan ba kayo?"     "Busy ka ba?"     "Hindi naman. May hinahanda lang akong gamot para sa ilang sundalo na nabaril tapos mamaya ay pupunta ako sa top floor para sa PN-0078. Bakit?"     Tumango ang lalaking katabi ko. "Inutusan kami ni Metaphor na pumunta dito at dalhin siya dito para ipa-laboratory test sayo." nagtapon ng tingin sa akin ang lalaki.     "Bakit, anong klaseng test ba ang gagawin?"     "Paternity test. Pero dalawang test ang gagawin."     "Paternity test? Bakit? Sinong involve sa gagawing test?"     Sumulyap sa akin ang tatlong lalaki. "Ako. Ako 'yong itetest, at si Strontium."     Panlalaki ng mata ang naging reaksyon ng lalaking nakasuot ng puting coat. "Ano? Ikaw at si Neon ay—"     "Abacus." mapagbanta ang boses ng lalaking kumuryente sa akin.     Tila hindi alam ng lalaking tinawag na Abacus ang kanyang gagawin. "P-pero h-hindi pa muna magagawa ngayon ang paternity test. Ilang buwan na ba 'yan?"     "Isa pa lang." tumango ang lalaking nakaputing coat.     "Hindi pa 'yan pwede. Siguro after two months, pwede na. Anyway, sino namang involve sa isa pang test?"     "Ako." wika ko.     "At sino pa?"     "Ang nanay ko, si Petunia Crealle."     Napanganga siya sa sinabi ko. "Buhay pa si Ms. Petunia—?"     "Abacus, mamaya ko na sayo sasabihin ang lahat. Sa pagkakaalam ko, may nai-preserve na DNA pa na galing kay Ms. Petunia Crealle, 'di ba?"     "Ah oo. Meron nga, kung hindi ako nagkakamali."     "Good. Magagawa na ba 'yon ngayon?"     "Pwede ko ng simulan 'yon ngayon pero hindi pa ngayon makukuha ang resulta."     "Sige, sasabihin ko 'yan kay Metaphor."     "Sandali, bakit kayo mayroon ng DNA ng nanay ko?"     Hinarap ako ng nagngangalang Abacus. "Andromeda, tama? Ginawa namin 'yon for emergency purposes. Pati ang Prime ay mayroon din ng ganon."     "Pero patay na siya. Bakit niyo pa kailangan no'n?"     "Err... hindi pa kasi namin nalilinis ang mga nasa fridge eh. Ang siste, nagdadagdag lang kami ng mga DNA na nagmumula sa iba't-ibang tao pero hindi pa nadidispose ang ilan sa mga nasa loob no'n."     "Lagpas ng isang dekada na siyang patay tapos hindi pa kayo nakakapagdispose ng mga DNA na nanggagaling sa iba't-ibang tao?"     Hinarap ako ng lalaking unang nakahuli sa akin. "Ms. Andromeda, kasi yung fridge na tinutukoy nila, malaki 'yon. As in malaki talaga na mas malaki pa sa kwartong ito. Kaya hindi ka dapat magtaka na hindi pa nadidispose ang DNA ni Ms. Petunia doon."     "Pero hindi ba nagbabago yung ahm... structures or ahm... content ng DNA dahil nasa fridge siya?"     "To tell you honestly Ms. Andromeda, nagbabago ang content ng DNA depende sa kung gaano na ito katagal sa fridge. Pero may magagawa para maibalik 'yon sa dati." tumango-tango ako sa sinabi niya.     "Ahm... para mas lalo mong maintindihan, pwede mo akong samahan sa fridge. Kukunin ko na ang bag kung saan nakalagay ang DNA ni Ms. Petunia."     "Sige, sasama ako." naglakad kaming apat papunta sa elevator.     "By the way, ako nga pala si Abacus. Ako ang isa sa mga doktor nila dito, hahahaha." naglahad siya ng kamay sa akin para makipag-shake hands. Inabot ko 'yon at nakipagkamay sa kanya.     "Andromeda Crealle." gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya.     "Isang karangalan na makipagkilala sa anak ng dating reyna ng Vaun Deriogne."     "Bakit ba lagi niyo siyang tinatawag na reyna?"     "Huwag kang mag-alala, Ms. Andromeda, malalaman mo rin ang lahat ng kwento tungkol sa nanay mo. Saka na namin sasabihin sayo kapag kompirmado na sa lahat. Mamamangha ka sa mga ginawa niya."     Nginisin ako siya. "Talaga? Buti pa kayo alam niyo ang mga kwento sa kanya. Samantalang ako, wala akong ibang natatandaan tungkol sa kanya."     Mayroon pala, pero 'yon yung tungkol sa pagkamatay niya. Tsk.     "Huwag kang mag-alala, makikilala mo rin siya. Ako nga pala si Sulphur." pakilala ng lalaking nakalimutan ang baril niya sa akin.     "Nakipagkilala ka na sa akin." umikot ang tingin ko sa lalaking nasa gilid ko. 'Yong lalaking kumuryente sa akin.     "Aluminum, Ms. Crealle." tumango-tango ako.     "Masaya akong makilala kayo." nagbukas ang elevator at lumabas na kami. Ilang sandali lang ng paglalakad ay mukhang nakarating na kami sa destinasyon namin. Kulay metal ang nagsisilbing pinto ng pasilidad, bukod pa do'n ay pa-elevator style ang pinto nito. Sa gilid ay may maliit na machine. Nakita kong touch screen ang machine at may pinindot si Abacus. Nang makabalik siya sa amin ay naabutan niya akong nakatingin sa kanya. "Passcode 'yon para makapasok tayo."     Nagbukas ang pinto at namangha ako sa malaking kwarto na bumungad sa amin. Pumunta sa gilid si Abacus at pagkatapos ay may ibinigay siyang laboratory gloves sa amin. Mabilis kaming niyakap ng lamig at hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yon. Napakalaki ng pasilidad, may daanan sa gitna, sa kaliwa at kanang gilid naman ay may mga nakasabit na transparent bag—nakikita ko kadalasan ang klase ng bag na 'yon kapag may mga blood-letting activities. Ngunit sa halip na mga dugo ay transparent na likido ang nasa loob ng bag. Nilapitan ko ang isang bag na nakasabit at pinagmasdan ang loob no'n. Kung hindi ako nagkakamali, 'yong sukat ng likido na nasa bag ay katumbas ng dalawang kutsara ng tubig. Ganon kakaunti ang nakalagay sa bawat bag. Lalayuan ko na sana ang bag nang makita ko si Abacus sa gilid ko.     "Tingnan mo, dalawa ang layer na makikita mo sa likido na nasa loob ng bag. 'Yong mataas na layer ay malabo, ang nasa baba naman ay malinaw. Kapag ginalaw mo ng kaunti ang bag, yung ibabang parte na may malinaw na likido, may makikita kang maliliit at kulot na bagay." wika niya. Nagpaalam ako sa kanyang kunin ko ang bag at nang ginalaw ko 'yon ng kaunti ay may nakita nga akong maliliit at kulot na bagay.     "'Yan na mismo ang DNA."     "Talaga? Ang galing naman."     "Oo. Hahahaha. Halika na, hanapin na natin ang sa mama mo." wika niya.     Nakita ko si Aluminum na nakatayo malapit sa pintuan. Binabantayan yata kami.     "Hindi ka ba titingin din?" tanong ko sa kanya.     "Hindi na, Ms. Andromeda. Ayos na nandito ako." tinanguan ko na lang siya at sumunod kay Abacus. Umabot kami sa pinakadulo ng pasilidad. Bawat madadaanan kong bag ay binabasa ko ang mga pangalan sa ibaba kung kanino 'yon.     Kung titingnan ay siguro lagpas ng isandaan ang mga bag na nandidito. "Abacus, ilang DNA ng tao mayroon kayo dito?"     "Ah, ayon sa pinakalatest na record, nagra-range na ng four hundred to five."     "Weh? Pero kulang na kulang ang five hundred kumpara dito."     "May natitira pang apat na fridge dito sa building. Dahil nagsisimula sa C ang surname ng mama mo kaya sa first fridge tayo nagpunta."     "Ah."     "Speaking of, nakita ko na!" nilapitan ko si Abacus at hawak niya ang isang bag na naglalaman ng transparent na likido. Nakita ko ang maliit na papel sa ibabang bahagi ng bag at may nakalagay do'n na 'Crealle, Petunia'.     Dahil nahanap na namin ang pakay namin sa loob ay bumalik kami ng laboratory. May mga kailangan kasi sa aking kunin si Abacus para sa DNA testing.     Nang nasa loob kami ng elevator ay napansin ko si Aluminum na nakatayo lang sa gilid ko, tahimik at diretso lang ang tingin.     "Pwede ko bang malaman kung ano ang trabaho mo dito sa lugar niyo?" ikinagulat niya ang pagpansin ko sa kanya.     "Ah... head ako ng security ng Vaun Deriogne at ng Prime." nakatingin na ang tatlong lalaki sa akin ngunit diretso lang ang tingin ko sa kanya.     "So being impassive made you to be the head, huh?" mabilis siyang nasindak sa sinabi ko.     "I knew it, the more na emotionless ka, the more na mataas ang posisyon mo dito." wika ko na parang naiintindihan ko na ang mga bagay bagay.     Sinulyapan ko siya bago kami makalabas ng elevator. "Pasensya ka na sa sinabi ko. To tell you the truth, mukha ka kasing lifeless sa inaasal mo. Hindi ka naman distant pero hindi ka din naman ganon kalapit sa mga tao, tama lang."     "Ah—"     "Pasensya ka na ulit, observing people is what makes me happy. Huwag mo na lang isipin 'yong mga sinabi ko." nginitian ko siya at lumabas na ng elevator.     Hindi naman sa naaawa ako kay Aluminum. Siguro naging ganyan siya dahil ganyan talaga siya o dahil hinubog na lang ng kanyang trabaho. Tahimik siya. Wala namang masama sa pagiging tahimik, pero wala din namang masama kung magbibigay ka ng kaunting opinyon sa mga bagay bagay. At emosyon din.     Hay Andromeda, kung ano-ano na naman ang napapansin mo. Pinagalitan ka na nga ni Tulip dahil dyan pero inuulit mo pa rin.     Dati kasi ay nagkaroon ako ng katrabaho na sobrang tahimik. Tipong isang tanong, isang sagot lang siya. Wala siyang naging kaibigan sa amin. Lagi ko siyang napapansin no'n at napapansin naman ako ni Tulip. Hanggang sa hindi ako nakapagpigil at kinausap ko 'yong katrabaho ko. Kaso hindi ko naman alam na may pinagdadaanan pala 'yong tao kaya siya ganon. Tapos ayun, ang ending nag-resign siya dahil natakot sa akin. Dahil do'n ay pinagalitan ako ni Tulip, dapat daw ay binabawasan ko ang pakikialam sa ibang tao. Sinisikap ko namang mapag-aralan 'yon pero hindi ko pa rin mapigilan.     "Andromeda, umupo ka. Dapat normal lang ang paghinga mo." tumango ako.     "Anong gusto mong itawag ko sayo?"     "Ada na lang, mas pormal ang Andromeda eh." natawa siya sa sinabi ko pero pumayag naman siya.     Matapos ang ilang oras ay natapos din kami. "Medyo matagal pa ang labas ng resulta pero mukhang worth it naman ang paghihintay dahil makikilala ka na nila." wika niya.     Nginitian ko siya at lumabas na ako, nadatnan ko si Sulphur na nasa pinto. "Nasaan si Aluminum?"     "Ayun, naglayas dahil sa sinabi mo."     Tinaasan ko siya ng kilay, pagkatapos ay humagalpak siya sa tawa. "Joke! May ginawa lang sa ibabang floor. Ako na lang daw ang maghatid sayo, huwag na daw natin siyang hintayin."     Tinanguan ko siya at naglakad na kami. Nakababa na kami at nasa labas na ng building na pinanggalingan namin. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang mga d**o na maayos na tinabas.     "Ang tawag sa—" hindi pa natatapos si Sulphur sa kanyang pagsasalita ay hinawakan ko ang braso niya. Huminto ako sa paglalakad nang may maramdaman ako sa loob ko.     Naduduwal ako!     "Sulphur—!"     "A-andromeda, a-anong gagawin ko? A-anong kailangan mo?" hinawi niya ang likod ko habang sinusubukan kong sumuka. Nararamdaman ko ang pagpapanic niya sa gilid ko.     "A-andromeda—" nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat at dinala ako sa unang building. Pinasok niya ako sa female restroom at doon ay sinabi kong iwan niya muna ako. Nakakahiya kasi, may mga ibang babae din na nandoon sa CR at nang makita siya ay nagulat sila.     "Sigurado kang—"     "Oo! Bilis!" halos kumaripas na siya ng takbo dahil sa sigaw ko.       ~~~       3RD PERSON POV       "Ano ang balita, Metaphor?" nakatalikod ang lalaki. Nakalagay ang dalawa nitong kamay sa likod at nakaharap sa glass window ng kanyang opisina.     "Ginoong Prime, patuloy pa rin sila sa paghahanap kay Minus. Si Dandelion ang namamahala sa paghahagilap sa kanya. Ayon sa huling balita na aking nasagap, may isang lugar silang binabantayan ngayon dahil may nagsabing doon daw tumuloy si Minus nang umalis siya sa Hexagon."     Tumango ang lalaki at hinawakan ang kanyang gintong singsing. "May nasagap akong balita na may bisita ang Vaun Deriogne. Maaari ko bang malaman kung sino 'yon?"     Tumikhim ang matandang si Metaphor. "Tama po ang balita na narinig niyo. Nandito na siya."     Humarap ang lalaki kay Metaphor. Hinubad ang gintong singsing niya at ipinatong ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ng kausap.     "Gusto kong bantayan mo ang kilos ni Andromeda."     Tumungo si Metaphor at nagwika, "masusunod, Ginoong Prime."       ~~~       "Is she okay?" tumango si Sulphur kay Neon. Nasa labas sila ng female restroom. Pasakay na dapat si Neon ng elevator nang magkita sila ni Sulphur.     "Oo. Sa tingin ko ay dala lang 'yon ng... pagbubuntis niya..."     Tinanguan siya ni Neon at may inilabas na gamot. "Give this to her. Bubuti ang kalagayan niya kapag sinubo niya 'yan."     Tinitigan muna ni Sulphur si Neon bago tanggapin ang ibinibigay na gamot. "Sandali, nakita mong naduwal siya at binuhat ko siya papuntang restroom, 'no?"     Tinaasan ng kilay ni Neon si Sulphur at umalis ito ng nakalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pants. "What do you think?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD