Kabanata 8

1185 Words
ANDROMEDA "...at ikaw ang ama."   Hindi ko pinutol ang pakikipagtitigan ko sa lalaking 'yon. Hindi ko malilimutan ang mukha niya at hindi ako nagkakamaling siya nga ang kasama kong lalaking noong gabing 'yon.   Walang nagsasalita. Wala din yatang gumagalaw. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatutok sa akin at sa lalaking tinititigan ko.   Nakita ko ang ngisi na lumabas sa kanyang labi. Hindi siya naniniwala, malinaw 'yon.   Magsasalita sana ako nang may marinig akong palakpak na nagmumula sa itaas. Tumingala kami at nakita ko ang isang babae na nasa itaas na bahagi ng hagdan. Diretso ang mga mata niya sa akin, nakataas ang kilay. Tumigil ang tatlong beses na palakpak niya at nagsimulang bumaba ng hagdan.   "Good job! Well done! Napakagaling! Very excellent!" wika niya. Nang-aasar yata ang isang 'to.   Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nang makababa siya ay pumunta siya sa harapan ko habang nakakrus ang kanyang braso.   "Alam mo, kaunti na lang at maniniwala na ako sayo. Nakita mo ba ang mga mukha ng mga nasa harapan mo? Lahat sila ay nagulat! Matagumpay mo silang napaniwala!" at muli ay pumalakpak siya.   Umikot ang mata ko dahil doon. "At sino ka naman?"   Umakto siyang parang nagulat sa sinabi ko. "Woah! Nagpapasok kayo ng ganitong klase ng babae?"   Tumingin siya sa lalaking nagkuryente sa akin. "Ha Aluminum? You let this lady enter the sacred land of Vaun Deriogne?"   Tinitigan ko siya ng masama. "Pero hayaan mo akong ipakilala ang sarili ko bilang tinanong mo naman na kung sino ako."   Naglahad siya ng kamay sa akin. Gusto niya yatang makipag-shake hands.   "Iowa Burwell, at your service." mas nilapit niya pa ang kanyang kamay sa akin.   "Gusto kong makipag-shake hands sayo, ayaw mo?"   Ngumisi ako. "Huwag na. Nakakahiya naman, baka madumihan ko pa ang kamay mo."   Tumaas ang kilay niya at binawi ang kanyang kamay. "Well, thanks for the concern."   Inirapan ko siya. Plastik, kainis.   "Bakit ka nga pala nandito? Anong ginagawa ng isang katulad mo sa lugar na 'to?"   Hindi niya ba narinig kanina? Tsk. "Nandito ako dahil nabuntis ako ng isang kasama niyo."   "At sinabi mong si Neon 'yon, hindi ba?" tumango ako.   "I don't think it's possible." sabi niya na parang hinatulan na ako.   "Talaga? Bakit, wala bang bayag ang lalaking 'yan para hindi siya makabuntis?"   Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, maging ang mga lalaking nasa paligid ko at pati si Atria ay nagulat din. Para akong may nasabi na hindi maganda, well hindi naman talaga maganda pero... nasabi ko na eh.   "Woah! I like that! Gusto na kita!" narinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa kaliwang sofa, naka-man bun siya.   "Hindi ako humihingi ng papuri pero salamat." bumalik ang paningin ko sa babaeng nasa harapan ko na nakangisi na. Aba, mukhang nakabawi na siya ah.   "Have you just insulted the man of Strontium?" tumingin siya kay Neon. "I didn't know your standards were demoted?"   Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya, sa halip ay, "nabuntis niya ako at kailangan niya akong panagutan."   Tumingin ang babae kay Neon. "Nakalimutan mo bang mag-iwan sa kanya ng pera para hanapin ka pa niya at tumuntong pa siya dito?" kinakausap niya si Neon pero ako ang sumagot.   "Hoy babae, maghinay-hinay ka nga sa pinagsasasabi mo. Baka gusto mong sumunod na mabangasan ng mukha?"   "Para sabihin ko sayo, hindi ako bayarang babae na nakukuntento lang sa pabayad-bayad. Nabuntis niya ako at hindi lang ako ang dapat na magpalaki sa batang 'to." dagdag ko.   "Oh. So sinasabi mong medyo high standard ka na kumpara sa mga babaeng bayaran?"   "Sandali nga, nakakahalata na ako ah. Bakit ba pinagpipilitan mong hindi sa kanya ang dinadala ko?"   "Why don't you ask him kung naaalala ba niya ang p********k niyo nang sa ganon ay makompirma nga na sa kanya 'yan?" inis akong tumingin sa kanya. Either hindi siya nag-iisip na kapag nagtanong ako kay Neon ay itatanggi niya 'to o gusto niyang mapahiya ako.   "Inuutusan mo ako? E di ikaw ang magtanong!"   Tumaas ang kilay niya pero pumihit ang ulo niya kay Neon. "Is that true?"   "Wala akong natatandaan." tanging sagot ng lalaki.   "Wala ka na ba talagang magandang sasabihin? Anak mo 'to at malinaw 'yon!"   Tumingin ang babae sa akin. "Kita mo na?"   "Huwag kang mag-alala, patutunayan kong sa kanya 'to."   "Paano ba naman kasi kami maniniwala sa sinasabi mo kung ultimo ang pangalan mo ay isang malaking kalokohan."   "Ah. So ang puno't dulo pala ng lahat ng ito ay ang pangalan ko? Akala ko kasi naiinis ka dahil ako ang nabuntis niya at hindi ikaw?" sabi ko. Nakita ko ang pagsugod niya sa akin pero isang salita ang nagpatigil sa kanya.   "Iowa."   Napangisi ako dahil sa pagkainis niyang pagkakapigil sa gusto niyang gawin. "Huwag mong sabihing naiinggit ka dahil sa pangalan ko? Alam mo, kung pwede nga lang sana ay ipapamigay ko na ang pangalan ko sa kung sino man ang may gusto pero wala eh, sa akin daw nababagay ang pangalan na ito at hindi sa iba." tinaasan ko siya ng kilay nang matapos ako.   Tumaas na naman ang kilay niya. "Ano nga ang pangalan mo?"   "Alam mo hindi ko gusto ang tabas ng d—" pinutol niya ako. Halatang may namumuo ng tensyon sa pagitan naming dalawa pero wala akong pakialam.   "Ano ang pangalan mo?" madiin ang bigkas niya sa bawat salita.   Tumaas ang kilay ko. "Andromeda Crealle."   "Tingnan mo. Paano kami maniniwala sa pinagsasasabi mo kung ang pangalan mo pa lang ay isang malaking kalokohan na? Paano magkakaanak si Ms. Petunia Crealle?"   "Oo nga 'no? Paano kayo maniniwala kung sa umpisa pa lang ay hindi niyo na alam na nagkaanak siya?"   Ngumisi ako. "At ang anak niya?" tiningnan ko ang mga taong nakapaligid sa amin.   "Ay nasa harapan niyo." pagkatapos ay bumagsak ang mga mata ko sa babaeng nasa harapan ko.   "Okay okay! Tama na 'yan, mukhang nagkakainitan na tayo dito!" sabi ng lalaking nakaupo sa kaliwang sofa na pumuri sa akin kanina.   "Sino bang nag-umpisa ng gulo? Pumunta ako dito para ipaalam sa lalaking 'yan na nabuntis niya ako tapos sasabat siya—"   "Hindi issue kung sino ang nagsimula dito, okay?" sabi ni Metaphor.   Nagbigay ng hatol si Metaphor sa aming dalawa. "Iowa, hindi ba't pinasunod ka ni Dandelion sa ibaba? Isama mo si Atria dahil kailangan din siya do'n."   "Sulphur at Aluminum, isama niyo si Ms. Andromeda sa lab. Kailangan nating mapatunayan kung talagang siya ay anak ni Ms. Petunia Crealle."   "Sandali Metaphor, ako ba hindi pwedeng sumama?" wika ng lalaking kaninang nakaupo sa kaliwang sofa na ngayon ay nakatayo na.   "Argon, hindi pa ngayon malalaman ang resulta." wika ni Metaphor.   Bakas sa mukha ng lalaki ang panghihinayang. Lumapit ako kay Metaphor at, "salamat."   "Walang anuman, hija. Ito lang ang maisusukli ko sa lahat ng naitulong sa akin ng napakabait mong ina na si Petunia."     ~~~     3RD PERSON POV     "Hindi tayo nagkamali, dumating siya."   "Oo, at hindi din tayo nagkamali sa pagbibigay sa kanya ng Panacea."   Ngumisi ang lalaki. "Unti-unti nang natutupad ang plano natin at isa na doon ay ang pagdating ni Andromeda."   "Nagkakamali ka. Nagsisimula pa lamang tayo. Sa oras na makompirma nga nilang siya ang anak ni Petunia ay mas mapapadali na ang gagawin natin sa kanya."   "Hindi pala talaga niya ako namumukhaan."   "Oo, si Neon lang ang malinaw sa mga alaala niya."   Hinalo ng dahan-dahan ng lalaki ang alak na nasa baso na iniinom niya. Kinuha niya ang bote ng alak at tinitigan ito.   "Naalala ko bigla si Petunia. Napakatalino ng pagkamatay niya. Perpektong-perpekto ang pagdaloy ng alak sa katawan niya, pero 'yon pala ay lason na kikitil ng kanyang buhay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD