Kabanata 10

1871 Words
ANDROMEDA "Kailan daw malalaman ang resulta?" tanong ni Tulip sa akin.     Nagkibit-balikat ako.     "After a week daw." sagot ko habang inaayos ang mga naka-hanger na damit. May customer na lumapit kay Tulip kaya naputol ang usapan namin.     Nagtatanong siya kanina kung kailan malalaman ang resulta ng paternity test at sinabi kong pagkatapos ng isang linggo pa.     Bago ako makauwi ay ipinaalam sa akin ni Sulphur na tumungo si Neon sa laboratoryo kung saan kami pumunta kahapon para sa paternity test. Nagprisinta pa si Sulphur na ihatid ako hanggang sa bahay ko pero hindi ako pumayag. Bukod sa ayaw kong makita niya kung saan ako nakatira ay hindi ko rin alam kung nasa bahay ko ba si Tulip. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin kay Tulip ang mga nangyayari, hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat pero darating din ang pagkakataon na 'yon. Hanggat hindi ko pa nakukuha ang mga impormasyon na kailangan ko tulad ng koneksyon ng nanay ko sa organisasyong 'yon ay hindi ko pa masasabi kay Tulip ang lahat. Kung gulo man ang pinasok ko ay mas mabuti nang wala siyang alam tungkol dito.     "Nga pala..." nagulat ako na mabilis nakabalik si Tulip.     "Huh?"     "Saan ginanap yung paternity test?" hindi ko inasahan na ganoong klase ng tanong ang ibabato niya.     "Ah... sa side niya."     "Sinong gumastos?"     "Kapag napatunayan na sa kanya talaga ang bata, siya ang gagastos." pagsisinungaling ko.     "Woah! Ang yaman talaga niya! Jackpot ka na, Ada!"     "Baliw. Kung nakilala mo lang 'yong lalaki, hindi mo siya magugustuhan." inirapan niya ako.     "Jackpot ka nga, ayaw mo pang maniwala." nanumbalik ang mga mata ko sa inaayos na mga damit.     Nagtatrabaho ako dito sa Department store ngayon. Wala naman akong nakikitang rason para pumunta sa lugar na pinuntahan ko kahapon kaya nagtrabaho muna ako.     "Andromeda?" umangat ang tingin ko at ang una kong nakita ay si Tulip na nanlalaki ang mata. Nakatingin siya sa likod ko, mataman na nakatingin sa taong tumawag ng pangalan ko.     Lagot. Hindi ako sigurado kung ang boses na tumawag sa akin ay kakilala ko lamang o isang tao mula sa organisasyong iyon. Pero malakas ang kutob kong ang huli kong sinabi ang tama dahil bihira lang ang tumatawag sa akin ng Andromeda na kakilala ko. Si Tulip nga lang ngunit minsan lang kung galit o inis na talaga siya sa akin.     Dahan-dahan akong tumalikod para harapin ang tumawag sa akin. At pagtingin ko nga ay mas lumaki ang ngiti sa mukha niya nang makompirma niyang ako ang tinawag niya.     "Uy, ikaw nga 'yan! Tama ako!" sinabayan niya 'yon ng tawa. Tila ba nagwagi siya sa isang sugal, iyon ang katumbas ng tuwa niyang nakita ko.     Isa siya sa miyembro ng organisasyon na 'yon. At nandito siya. Kung hindi pa siya agad aalis ay matutunugan ni Tulip na kilala nga talaga ako ng taong ito.     Nginitian ko siya. "Sir, ano pong kailangan niyo?"     "Andromeda, ako 'to, si Argon! Sorry, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sayo dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari—" tumingin ako kay Tulip.     "Wait lang ah. Pakisabi kay Ma'am, nagbanyo lang ako." bago pa makatango si Tulip ay hinila ko na ang nagpakilalang lalaki at lumayo kami sa pinagtatrabahuhan ko.     "Oo na, kilala kita. Bakit ka nandito? Bakit, may resulta na ba sa test?"     Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Wala pa naman. Direktang ipapaalam sayo ang balita once na mayroon na."     Tumango ako. "Sige, kailangan ko ng bumalik sa trabaho." tinalikuran ko na siya nang habulin niya ako.     "Bakit ka pa nagtatrabaho, nakakasama 'yan sa first born!"     Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.     "First born?"     "Alam mo kasi—"     "Argon." narinig ko ang pagtawag sa kanya ng isa pang lalaki. Pagkakita ko sa lalaki ay inirapan ko agad ito.     "Oh. There you are." sabi ni Strontium. Mukha siyang nang-aasar sa tono ng boses niya.     "So nakita mo pala siya. Like what you've said." tumaas ang kilay niya sa huling sinabi.     His eyes landed on mine. "Dito ka pala nagtatrabaho? It's good to see you here."     Inirapan ko siya. Halatang nang-aasar. "Oo, dito ako nagtatrabaho. Ano naman ngayon?"     Tumaas ang kilay niya. Imbes na matinong sagot ay isang ngisi lang ang nakuha ko mula sa kanya. Nang maramdaman kong wala ng patutunguhan ang pakikipag-usap ko kay Strontium ay tinalikuran ko na silang dalawa. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay nakita ko ng may isang babae na may dala-dalang maraming paper bag ang babangga sa akin. Iiwasan ko na sana siya pero tumatakbo siya kaya mabilis niya akong nabangga kaya nagsalpukan kami at siya ang natumba kasabay ng mga ipinamili niya.     "Ouch!" aniya.     "Dahlia!" isang boses mula sa likuran ko ang tumawag sa isang pangalan at ilang segundo lang ay nakita ko si Strontium na tinulungan ang babae.     Magkakilala sila? Kaya pala parang tumatagos ang tingin ng babae. Nakatingin siya sa direksyon ko pero parang hindi niya ako nakikita. Tiningnan ko kung paano inalalayan ni Strontium ang babae na tumayo at pulutin ang mga paper bag na nagkalat. Kaso ay hindi ko na tinapos dahil kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Naglakad na ako palayo at nilagpasan sila.     "Dahlia—!"     "No!"     "Andromeda!"     Bullshit.     Huminga ako ng malalim at saka ako humarap sa babaeng nakatayo na na kanina ay nadapa. Hinawakan ko ang parte ng ulo ko na natamaan ng sapatos. Pagkaharap ko ay nakita ko sa sahig ang flat shoes na ginamit para nakawin ang atensyon ko.     "Dahlia, bakit mo ginawa 'yon?!" ani Argon.     "She bumped me! Aren't you saw it?"     "Pero hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon!"     Tumingin ang babae kay Argon, "do you know her?"     Bago pa makasagot ang tinanong ay hinawakan na ni Strontium ang kamay ng babae. "We have to go, Dahlia. Bring whatever you bought."     Hinarap ng babae si Strontium nang may nagtatanong na mga mata. Hindi ko na gawain 'yon na tingnan pa sila, I have to go to my work.     Matagumpay akong nakabalik sa Department store at nakita ko si Tulip sa labas pa lamang na mukhang hinihintay ako.     "Ang tagal mo ah, saan ka galing?" Imbes na sagutin ko siya ay pumunta ako sa maliit na kwarto para sa aming mga saleslady at kinuha ko na ang bag ko. Hindi naman ako nagkamali na sinundan ako ni Tulip.     "O' bakit, anong nangyari at uuwi ka na agad? Sino ba yung lalaking 'yon? Hindi naman siguro siya yung ama ng bata, 'di ba?"     Hinarap ko siya. "Tulip, uuwi na ako. Pakisabi na lang kay Ma'am na bukas ay babawi ako."     "Bakit nga? Dahil ba 'yon doon sa lalaking tumawag sayo kanina? Sino ba siya?"     "Hindi. May binebenta lang yung lalaking 'yon sa akin. Niyaya ko siyang lumabas kasi baka makita kami ni Ma'am, alam mo naman 'yon masungit. Kaya ako uuwi kasi masama yung pakiramdam ko tapos parang maduduwal pa ako. Wala namang alam si Ma'am sa nangyari sa akin 'di ba kaya baka abutan pa ako ng kung anong pwedeng mangyari sa akin dito. Baka tanggalin pa ako sa trabaho."     "Kung ganun e di aalis na rin ako." pumunta siya sa likod ko at akmang kukunin na ang bag niya.     "Tulip, hindi na. Kaya ko na ang sarili ko. Baka matulog lang ako sa bahay. Hindi mo naman kailangang umalis. Okay lang ako."     Tinanguan niya ako at nagpaalam na ako sa kanya. Lumabas ako sa lugar ng mall na madalang na mapuntahan ng mga tao. Sumakay agad ako para makauwi. Sinigurado kong walang mga kahina-hinalang sasakyan o tao ang nakasunod sa akin. Nang makompirma kong wala naman ay napahinga na ako ng maluwag.     Siguro ay naramdaman din ng mga taong nasa organisasyon na iyon na nakakita sa akin kanina na ayaw ko ng atensyon nila kapag nasa ibang lugar kami. Sa ilang taon kong pagtatago sa organisasyon na 'yon ay nadadala ko pa rin 'yon hanggang ngayon. Kung nahanap ako ni Argon kanina sa pinagtatrabahuhan ko ay hindi malayong mahanap din nila kung saan ako nakatira. Hindi pwede. Hindi pa malinaw sa akin ang kaugnayan ng aking ina sa grupong 'yon kaya hindi ko muna sila maaaring pagkatiwalaan. Ni isa man sa kanila.     Hapon nang makauwi ako. Maraming mga tambay sa bawat tindahan. May mga aleng nagtsi-tsismisan. Mga batang nagtatakbuhan. Maingay ang paligid, ingay na maririnig mo sa bawat komunidad.     Nilabas ko ang susi at nang hawakan ko na ang door knob ay bumukas ang pinto. Natigilan agad ako dahil sa nangyari. Iniwan ko itong sarado kanina. Hindi kailanman ko nakalimutan na isara ang bahay.     May nakapasok.     Walang pagdadalawang-isip akong pumasok sa sarili kong bahay. Kasama ang walang tunog na mga yabag ay pinakinggan ko ang ingay. Kumuha ako ng maliit ngunit mahabang kahoy na nakatambak lang sa bahay ko at gagamitin ko ito sakaling kailangan. May mga ingay akong naririnig sa ikalawang palapag ng bahay. May mga naririnig akong paghahagis ng mga gamit at mabibigat na yabag. Pumunta ako sa kusina para doon magtago. May isang cabinet malapit sa lababo na pwede kong pagtaguan, kasya naman ako kaya walang problema.     Ilang minuto akong nanatili sa loob hawak-hawak nang mahigpit ang kahoy. Malinaw ko pa ring napapakinggan ang anumang ingay na nililikha ng mga taong pumasok sa aking bahay. Paulit-ulit akong napapamura kapag nakakarinig ako ng mga nababasag na gamit. Malakas ang kutob kong hindi ordinaryong mga magnanakaw ang nandito sa bahay ko. Kung ordinaryong magnanakaw sila ay wala silang lakas ng loob para pasukin ang bahay ko. Unang-una ay dahil marami akong kapitbahay at walang mangangahas na gumawa ng ganong bagay. At ang huli ay sino namang mag-iisip na may pera ang bahay ko? Mabuti na lamang at hindi ako nagtatago ng pera sa bahay.     Nabalik ako sa reyalidad nang maulinigan kong pababa na ng hagdan ang mga taong iyon. Isinara ko ng maigi ang cabinet kung nasaan ako para hindi nila ako makita.     "May nakita ba kayo?"     "Wala. Mga lumang gamit lang at wala dito ang hinahanap natin."     "Tamang lugar ang pinuntahan natin at hindi ako pwedeng magkamali. Baka magaling lang siyang magtago. Halika na at baka pabalik na siya. Sa ibang araw na lang tayo pumunta at baka sa mga araw na 'yon ay nandito na siya. Kapag nangyari 'yon ay mas madali na natin siyang makukuha." nang marinig ko 'yon ay binuksan ko nang kaunti ang pinto ng cabinet.     Nakita kong tatlo ang lalaki, ang dalawa ay nauna ng lumabas habang ang isa na may malaking katawan ay naglakad-lakad muna. Nang makarating siya sa kusina ay mas niliitan ko ang awang sa pinto.     Malinaw kong namasdan ang kanyang mukha. Makisig ang lalaki. Katakot-takot ang aabutin ko sakaling manlaban ako sa kanya. May itim siyang hikaw. Patusok ang ayos ng buhok niya. Itim din ang lahat ng kulay ng suot niya. Ngunit sa lahat ng ito ay kapansin-pansin ang pilat sa kaliwa niyang kilay at malaking tahi sa kanang braso. Nagpapatunay ito na dumanas siya ng matinding kalbaryo sa tahi na iyon. Hindi nagtagal ay umalis na rin ang lalaki.     Iniwan nilang bukas ang bahay ko. Ilang minutong hindi pa ako lumalabas sa pinagtataguan ko dahil sa pagproseso ng mga nangyari. May pumasok sa bahay ko at nalaman kong kukunin nila ako kapag nakita nila ako.     Nanginginig kong kinuha ang telepono at nagdial ng numero.     [Hello?]     "S-sulphur... m-may pumasok dito sa loob ng bahay... natatakot ako... s-sabi nila—"     [Sige, pupuntahan kita.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD